"Thank you, Doc," sabi ni Andy sa doktor na umasikaso sa daddy niya. Maayos na raw ang kalagayan ng dad niya kaya wala na silang dapat ipag-alala.
Kanina habang nagla-lunch silang mag-ina ay bigla na lamang silang nakatawag ng tawag mula sa ospital, at ipinabatid sa kanila ang nangyari kay Sir Delfin.
"I'll come back later to check on him again," sabi ng doktor at umalis na nang matapos na kamayan silang mag-ina.
"Son, I think I should go," sabi naman ni Madam Angie sa kanya nang sila na lang mag-ina.
"You'll leave Dad in this condition?" At ayaw sana ni Andy. For him, his mother is the legal wife, so it is only proper that she is the one who will take care of her husband. Hindi ang mistress nito.
"Malaki ka na, Andy. Alam ko na alam mo, na wala na akong karapatan sa dad mo dahil hiwalay na kami. It's not right for me to still be here," ngunit ay pagdadahilan ni Madam Angie.
Hindi na siya nakaimik.
Saglit lang ay dumating na nga ang young mistress ng kanyang ama. Nakipagtinginan sa kanila pero ito rin ang unang nagbawi ng tingin sa kanila. Nahiya siguro. Na dapat lang.
Napatiim-bagang si Andy, pero dahil hinawakan ng mommy niya ang kamay niya ay pinayapa niya ang sarili.
Bumalik ang tingin nila sa babae ng kanyang Dad nang narinig nilang humikbi ito.
Ngayon lang nakita ni Andy ang babae at hindi niya lubos inakala na halos ka-edad lang niya ito. Hindi na naman niya maiwasang magngitngit. Gayunman, hindi naman siya galit masyado sa babae, mas galit siya sa daddy niya. Naghanap na nga ng babae iyong parang anak pa nito. Tiyak na pera lang ang habol ng babae sa kanyang ama. Halata naman.
Hinawakan ulit ng mommy niya ang kamay niya. Sinasabing mag-relax lang siya.
Napatingin siya sa mommy niya, at humanga siya rito dahil parang wala lang dito na ang nangyayari. Paano nito nagagawa na hinahayaan lang nito ang kabit ng asawa nito?
"Aalis na kami," paalam pa nga ni Madam Angie sa kabit ng asawa bago ito lumabas.
Napapahimas sa batok na sinundan ni Andy ang ina.
"Why, Mom?" hindi niya naiwasang itanong nang nasa labas na sila. Ang alam niya kasi, kapag nagkita ang tunay na asawa at mistress ay siguradong gulo ang mangyayari. Subalit kabaliktaran ang mga nangyayari ngayon dahil napakakalmado ng mommy niya.
Mapakla ang naging ngiti ng Madam Angie sa kanya. "Because this is the reality, Son. Matalino ka kaya alam ko naiintindihan mo ang lahat. Isa pa tanggap ko na. Hayaan mo na kung sa babae na na iyon masaya ang Dad mo. Ako lang din naman ang mahihirapan at masasaktan kapag patuloy akong bitter."
Hindi na siya umimik pa kahit na ang totoo ay hindi niya naiintindihan talaga ang nangyayari.
Masuyong hinawakan ng mommy niya ang mukha niya. "Kaya ikaw, Son, kapag nagkapamilya ka na sana maging matino kang ama at asawa. Huwag mo sanang gagayahin ang iyong Dad. Mahalin mo ang magiging asawa at iiwas ka sa lahat ng tukso."
Tumango siya. "Yes, Mom. I guarantee you that."
"Sige, mauna na ako. Ikaw na ang bahala sa Dad mo." Naiiyak na nginitian siya ng ina. Pagkatapos ay tahimik na itong umalis.
Napapakamot-batok na lang siyang inihatid ito ng tanaw. Maang na naiwan siya sa kinatatayuan niya. Saglit pa'y napatingin siya sa pinto ng kuwarto ng ama at napailing.
Yes, hinding-hindi niya gagayahin ang dad niya. Hindi niya ipagpapalit kahit na sinuman ang magiging anak niya at asawa niya.
And speaking of asawa at anak, ang weird pero ang naisip niya ay si Yolly. Napangiti siya ng matamis. Sabagay si Yolly ang ina ng magiging anak niya. Hindi na siya dapat magtaka.
Naisip naman niya na baka nag-aalala na ito sa kanya. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang dalaga. Kaso ring lang nang ring ang kabilang linya. Hindi siya sinasagot ni Yolly.
Napakunot-noo siya at bigla'y nakaramdam ng pag-alala. Ano'ng nangyari sa babaeng 'yon? Tulog ba o ano?
ANG HINDI ALAM ni Andy ay hawak ni Yolly ang cellphone niya ng mga sandaling iyon at sinasadya lang na hindi talaga sinasagot ang tawag ni Andy.
"Hay! Paano na 'to?" namomoblemang sabi ni Yolly nang tumigil na sa pag-ring ang cellphone niya.
"Problema ba 'yon? Eh, di aminin mo sa kanya na hindi ka buntis," saad ni Cristine.
Napangiwi siya. Oo, alam niya na ganoon lang kadali iyon pero kung iisipin niya ay parang kay hirap naman. Hindi niya kaya.
"Ay naku, kung hindi mo kaya ay huwag kang mag-alala, Insan, ako ang magsasabi. Akong bahala," pagpepresinta ni Cristine na inaakalang makakatulong.
"Huwag!" mabilis na sabi ni Yolly rito. Hindi naman talaga ito makakatulong. Baka madamay pa nga itong mapatay ni Andy kung sakali.
"At bakit huwag?"
She was speechless for a moment. Bakit nga ba? Bakit nga ba ayaw niyang aminin kay Andy ang totoo?
Mayamaya pa'y lumaki ang mga mata ni Cristine sa biglang pumasok sa isip nito. "Hala ka, Insan."
"Bakit?"
"Nag-e-enjoy ka na sa pagiging ama ni Andy sa magiging anak mo sana, tama ba? Kaya ayaw mong sabihin sa kanya na hindi ka talaga buntis?"
"Ano bang sinasabi mo d'yan? Hindi, 'no!" kaila niya pero parang naniniwala siya na ganoon nga yata dahil kung kakapain niya talaga ang damdamin niya ay ayaw niya talagang malaman sana ni Andy ang totoong sitwasyon niya na hindi siya buntis, na wala silang anak. Ayaw niyang mawala na si Andy sa buhay niya.
"Eh, bakit ayaw mo?"
"Ano... nakakahiya lang kasi. At saka... saka sigurado magagalit 'yon sa akin. Gusto mo bang mapatay niya ako?"
"Tiyak na mapapatay ka nga niya. Lagot ka!"
Itinulak niya sa balikat ang pinsan. Nananakot pa, eh.
Malutong na tumawa si Cristine. "Pero alangan naman na ililihim mo sa kanya na hindi ka talaga buntis? Panloloko na ang tawag do'n, Insan. Double dead ka sa kanya 'pag nagkataon."
Napangiwi siya't napalunok. Na-imagine niya na sinasakal siya ni Andy. Ay-yay-yay!
"O baka naman in love ka na sa tao? Aminin mo," tukso na sa kanya ni Cristine.
"Oy, hindi, ah. Siguro sasabihin ko na lang kapag makatyempo ako ng magandang pagkakataon," pagtanggi niya pa rin.
"Dapat lang. Oh, siya saglit lang at ibibili na lang kita ng napkin."
"Salamat, Insan." Kung wala siguro ang pinsan niya ngayon ay natuluyan na siyang nabaliw.
BINABASA MO ANG
ANG NABUNTIS KONG PANGIT
Romance*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY MAHAHANAP NI ANDY ANG ISANG MASAYANG KAIBIGAN. PERO ANO ANG MANGYAYARI KUNG BIGLANG MABUNTIS SI YOL...