Part 57

190K 3.3K 47
                                    

PATULOY ang pag-replay sa isipan ni Andy ang nangyari noong gabing iyon...

"Dito ka lang please?" pakiusap pa sa kanya ni Yolly.

"Hindi puwede. Doon ako sa sala," pagtanggi niya kasabay nang pag-alis niya sa kamay ni Yolly sa kamay niya.

Bumitaw naman si Yolly at itinumba na ang katawan sa kama. Nakatulog na.

Andy sighed with relief. Mayamaya ay lumabas na siya sa silid ni Yolly. Sa sofa ay doon siya humiga. Ang nahubad na t-shirt niya ay ipinatong na lamang niya sa dibdib.

"Anddyyy!" subalit hindi pa man siya nakakaidlip ay sigaw na naman ni Yolly. Tinatawag na naman siya.

"Aisst!" Nakangiwi siyang bumangon. Hindi niya matiis ang dalaga. Isa pa ay nakakahiya ang pagsisigaw nito. Baka may makarinig.

Hanggang sa nakikita niya ang sarili niya na susuray-suray na pumasok ulit sa silid ni Yolly. Kaso si Yolly ay nakalugmok naman na ito sa kama at parang tulog na ulit.

"Pasaway talaga," iiling-iling na aniya saka lumapit sa dalaga.

"Uhmmm..." Pero kumilos ulit si Yolly. "Ang init!" reklamo na naman nito sa init.

Inilibot ni Andy ang tingin sa kabuuan ng silid. Bakit kasi wala silang aircon?

"Oy, Yolly! Huwag kang maghubad!" nabahalang saway niya kay Yolly. Nakita niya kasing naghuhubad na ito ng short.

"Mainit, eh!" Ngunit itinuloy pa rin ni Yolly ang paghuhubad.

"Yolly, huwag!" Tulad kanina ay ang yakapin ito ang naisip niyang paraan upang hindi niya makita ang kahubdan ni Yolly. Ang seste ay nanlambot na ang katawan ng dalaga. Napahiga na at nadamay siya.

Sinubukan niyang umalis sa pagkakapatong kay Yolly ngunit mahigpit na niyakap nito ang ulo niya. "Dito ka lang sabi!"

"F*ck!" Napasubsob siya sa dibdib nito at hindi na magawang kumilos. Pakiramdam niya ay naparalisa siya bigla-bigla. Nanatili siya roon hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na rin siya.......

Ang lakas ng ingay ng gulong ni Andy sa kalsada. Lumangitngit dahil sa biglaan niyang pagprino.

Nakanganga siya na habol niya ang hininga sa ala-alang iyon.

"Kung gano'n ay hindi ko talaga nagalaw si Yolly! Nothing really happened between us! Walang nangyari ng gabing iyon kaya imposible ngang mabuntis ko si Yolly!" aniya at minuto ang itinagal ng kanyang pagkakatulala. Binalik-balikan ng isipan niya ang nangyaring iyon. Hinimay-himay niya at baka may na-edit o kaya tumalon sa eksena na hindi niya maayos na naalala. Ginusto niya ring madugtungan ang huling eksena sa naalala niya.

Sa kasamaang-palad ay wala na talaga. Hanggang doon na lang talaga ang nangyari. Kumbaga ay THE END na dahil nakatulog na talaga sila noon.

Everything is clear now; no confusion or uncertainty. Kaya pala nakahubad sila paggising ay iyon sa mga kakatwang pangyayari. Kusang hinubad pala ni Yolly ang mga damit nila.

What the heck! Napahilamos siya sa kanyang mukha. Bakit ba kasi ngayon lang niya naalala ang lahat?! Bakit?!

Binuhay niya ulit ang makina ng kanyang sasakyan at pinaharurot ulit. Ngayon ay hindi na siya maloloko ng babaeng 'yon. Alam na niya ang lahat. Alam na niya na ginamit lang siya ni Yolly, na nagpanggap itong buntis para mapikot siya o magamit. At lalong alam na niya na malamang plinano lahat ni Yolly.

Naiintindihan na rin niya kung bakit ayaw noon ni Yolly na panagutan niya ito. Iyon ay dahil alam na nito na hindi na ito buntis. At nang ipinagpilitan niyang handa siyang panagutan ito ay saka nakagawa ito ng plano para pagluraan siya.

Siya naman itong tanga na nagbait-baitan sa isang pangit na babae. Damn it!

"Aaahhhh!" muli niyang hiyaw maibsan lang ulit sana ang sakit na kanyang nararamdaman. Inis na inis rin siya dahil nakikini-kinita niya ang mukha ni Yolly at tinatawanan siya. Tapos ay tinatawag siyang tanga at uto-uto.

"Sh*t! Sh*t you, Yolly!" Nabayo-bayo niya ulit ang manibela. Umigting pa ang galit niya dahilan kaya hindi na niya napansin ang isang truck na paparating sa itersection ng kalsada.

"Aaaahhh!" hiyaw na lang ni Andy dahil huli na para magpreno siya.

Nakakakilabot na malakas na tunog ng dalawang malalaking sasakyan na nagsalpukan ang sunod na narinig sa madilin na kalsada.

Parang latang nayupi ang harapan ng kotse ni Andy at makikitang wala nang malay ang duguang binata. Lupaypay siya at tila ba wala ng buhay.



NANG MGA sandaling iyon, malungkot ang mga mukha na nag-uusap sina Aling Yolanda at Yolly. Walang kaalam-alam sa masamang nangyari kay Andy.

"Anak, kung hindi mo sasabihin sa 'kin ang nangyari ay paano kita matutulungan?" pamimilit ni Aling Yolanda kay Yolly upang magtapat ang anak kung ano ang problema nila ni Andy.

"'Nay..." Lalong napangawa naman ng iyak si Yolly. Parang hindi na niya kakayanin ang sama ng loob. Inis na inis siya. Inis na inis siya pero para sa sarili niya.

Wala na siyang nagawang matino. Panget na nga siya ay ang tanga at ang bobo pa niya. Ngayon niya naisip na deserve nga pala niya lahat ng ibinabato sa kanya ng mga ibang tao na masasamang salita. Tama silang lahat. Hindi sila bagay ni Andy.

"Tahan na. Kung ano man ang problema niyo ay nandito lang ako. Maaayos natin 'yan," tiwalang sabi ulit ng nanay niya sa kanya.

"'Nay..."

Inilayo siya ni Aling Yolanda mula sa pagkakayakap niya rito. "Kapag okay ka na ay sabihin mo sa 'kin kung ano 'yon. Makikinig ako."

Humikbi-hikbi siyang tumango. Sisinghot-singhot.

"Anak, nanay niyo ako kaya kung meron mang makakatulong sa inyo sa mga problema, eh, ako lang 'yon." Pinunas ni Aling Yolanda ang mga luha niya.

Napatingin siya sa mga mata ng nanay niya. Napalabi na parang bata.

"Huwag ka nang mahiya. Alam kong gusto mo ring sabihin sa akin. Sige na. Ano 'yon?"

"'Nay, kasi po—" umpisa na nga niya. Tama ang nanay niya, wala siyang kakampi ngayon kundi ang ina lamang. Kung aarte-arte pa siya ay baka tuluyan na siyang mabaliw.

"Sige na makikinig ako." Masuyong hinaplos naman ng nanay niya ang kanyang pisngi.

Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago siya nakapagpasiya ng buo.

"'Nay, kasi hindi po kasi ako totoong buntis," at sa wakas nasabi rin niya ng matatag at malinaw.

Nanlaki ang mga mata ni Aling Yolanda. Muntik-muntikan na itong atakehin sa puso o himatayin na naman.


ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon