EPILOGUE 2

27.7K 268 73
                                    

KINAGABIHAN. Panay ang sign of the cross ni Yolly sa banyo ng silid ni Andy at saka "Oh my God" niya. Kesye nemen unang gabi nila ni Andy na magsasama sa isang silid na maayos na ang lahat. Sa totoo lang gusto niya sana ay sa bahay muna nila siya uuwi kaso ayaw na ni Andy. Magkaka-baby na nga raw sila aarte pa ba raw sila?

"Pano 'yan? Kailangan na ninyong magpakasal," sabi ng nanay niya kanina pero siya na rin ang tumutol.

"'Nay, ayoko naman pong mag-wedding gown na bundat ang tiyan."

"Oo nga naman, balae. Antayin muna nating manganak si Yolly bago sila ikasal para mas maganda," sang-ayon ni Madam Angie.

"Opo. Handa naman po akong maghintay," sabi rin ni Andy na may mighty bond na yata ang kamay. Hindi na matanggal ang pagkaka-holding hands nito sa kaniya at paminsan-minsan ay akbay.

"Sabagay next year pa naman uuwi ang tatay mo, Yolly. Sige pagkatapos na lang ng panganganak mo kayo magpapakasal," pumayag na ring saad ni Aling Yolanda.

Nagkatinginan sila ni Andy tapos ay hinalikan ni Andy ang noo niya.

At hindi na rin tumutol si Aling Yolanda nang sabihin ni Andy na doon na sa bahay nila siya titira. Mas mainam kasi raw ang pagbubuntis ng isang babae na kaagapay o katulungan nito ang asawa.

"Yolly, an'tagal mo naman diyan?" untag sa kaniya na katok na ni Andy sa pinto ng banyo dahilan para magbalik sa kasalukuyan ang isip ni Yolly.

Lalo siyang ninerbyos. Kanina pa siya tapos maligo. At sampung beses na yata siyang nag-toothbrush, pero wala pa rin kasi siyang lakas ng loob na lumabas. 'Yung ginawa niyang kapangasahan noon na siya pa ang pumunta sa silid ni Andy para maganap ang hindi dapat maganap, sa totoo lang hindi niya alam paano niya nagawa iyon noon. Kapag naiisip nga niya iyon ay namumula ang magkabilang pisngi niya.

Lingid sa kaalaman ni Yolly ay kung gaano ang nerbyos niya na nasa banyo ay ganundin naman si Andy. Hindi rin mapakali ang binata. Andyan 'yung sasampa ito sa kama at magtulug-tulugan. Pero babangon din naman ulit tapos patingin-tingin sa banyo. Paulit-ulit. Minsan ay mapapansin din nito 'yung ano nito at aayusin nito iyon. Paano sobrang tigas na n'yon.

Nag-gargle na naman si Yolly at sinipat ang mukha sa salamin. "God, help me po," ta's aniya na bahagyang nasasampal-sampal ang magkabilang pisngi at parang maiiyak. Para siyang virgin, eh, hindi naman na.

"Yolly, okay ka lang ba talaga d'yan?" Katok na naman sa pinto ni Andy.

Napakagat ng labi siya. Ano'ng gagawin niya?!

Saglit ay nagkibit-balikat siya. Kunsabagay, gusto niya ulit iyong maranasan. Ang sarap kaya n'on. Ipokrita na siya kung sasabihin niyang hindi.

"Yolly?" Medyo nakaramdam na ng pag-aalala si Andy. Mag-iisang oras na kasi si Yolly sa banyo, baka may nangyari na sa dalaga na hindi maganda. "Yolly, sumagot ka naman? Are you okay?"

Wala pa ring sumasagot. Kaya tatadyakan na sana nito ang pinto.

 "Ay!" Subalit saktong pagbukas naman ng pinto kaya gulat na gulat si Yolly.

Mabilis na inayos ni Andy ang sarili. Simpleng kamot ito sa ulo. Pahiya siya, eh.

Hindi nagtagal ay namangha na ito sa hitsura ngayon ni Yolly. Ang sexy at ang hot kasi ni Yolly sa damit nitong manipis na pantulog. Lalo tuloy nanigas ang kaniyang batuta.

 "Ano'ng ginagawa mo? Sasaktan mo ako?" nagtatakang tanong ni Yolly sa nakita niyang hitsura ni Andy kanina.

"Syempre, hindi. Ano, nag-i-stretching lang ako. Nag-e-exercise," palusot ni Andy. At para mas makatotohanan ay nag-push-up ito.

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon