"Dito ka!" maotoridad na utos ni Andy kasabay nang pagpampag niya sa isang bahagi ng malaki, malawak at malambot niyang kama. "Kinuha na rin kita ng kumot at unan," aniya pa saka tumayo at pinamaywangan si Yolly na bagong pasok sa silid niya.
Subalit walang naging kilos si Yolly. Matamang nakatingin lang ito sa kanya habang nakaupo sa wheelchair nito.
"What?"
"Hindi pa kasi ako inaantok," katwiran ni Yolly.
"But late na?" parang napahiyang saad niya.
Napatingin si Yolly sa wall clock na nakasabit sa dingding. Sumunod din ang tingin niya roon, at napaubo siya dahil alas syete pa lang pala ng gabi.
"Fine! Kung ayaw mo pang matulog bahala ka! Basta ako matutulog na! Late na sa 'kin 'yan!" aniyang palusot na lamang saka sumampa na sa kama. Nahiga siyang diretso, iyong higang pang-bangkay.
Napabuga naman ng hangin si Yolly sa bunganga niya. Ano ba 'tong ginagawa ni Andy? Hindi niya maintindihan, eh. Hindi ba galit ito sa kanya? Unless napatawad na siya nito?
Nagliwanag ang mukha niya. Na-excited siya bigla. Hindi nga?! Napatawad na siya?!
Agad niyang pinaikot ang mga gulong ng wheelchair niya at lumapit sa parang patay na binata. Kulang na lang hagulgolan na niya ito para matuluyan na. Pero syempre joke lang niya 'yon.
"Andy?" kalabit niya sa braso ng binata.
"Hmm?" ungol ni Andy. Kahit natutulog suplado pa rin dahil iniiwas ang braso nito sa kanya.
"Matutulog ka na ba talaga?"
"Hindi mo ba nakikita? Nakapikit na ako, 'di ba? Huwag kang istorbo. Matulog ka na rin kung gusto mo nang matulog."
"Kung gano'n napatawad mo na ako? Kasi payag ka ng tabi tayo, eh?" nagniningning ang mga mata niyang paniniguro.
Biglang nagmulat ng mata si Andy at napabalikwas ng bangon.
Napakislot si Yolly. "Kagulat naman 'to!" sa isip niya.
"Of course not! Nakita mo naman ang kama, 'di ba? Sa laki nito hindi pa rin tayo magkakatabi kahit gaano ka pa kalikot na matulog! At para sabihin ko sa 'yo, hindi ko pa rin nakakalimutan 'yung ginawa mo! Niloko mo ako! At masakit pa rin 'yon sa damdamin ko!" pagdradrama ni Andy na malakas na naman ang boses. High blood na naman. Ay naku!
"Tandaan mo! What you did was beyond unforgivable! Pinaasa mo ako na magiging daddy na! Tapos wala pala! Hindi mo alam kung gaano 'yon kasakit sa damdamin ko! Ang dami ko na sanang pangarap para sa 'tin at ng magiging anak natin pero naglaho lahat dahil sa kasinungalingan lang pala ang lahat!" dagdag pa ni Andy na may kasamang suntok-suntok sa sarili nitong dibdib.
Napakunot-noo siya kasi parang maiiyak pa ang binata habang sinasabi ang mga bagay na 'yon.
Eh?
Napatitig siya rito. But kidding aside, ngayon alam na niya kung bakit ito galit na galit sa kanya ay mas gumaan na ang pakiramdam niya. Ngayon naiintindihan na niya kung saan ito nanggagaling. Buong akala niya kasi ay dahil lang kay Leandro.
"Sorry, sorry talaga. Hindi ko talaga sinasadya," nagui-guilty na niyang paghingi ulit ng kapatawaran.
"Hindi mawawala ang sakit na nararamdaman ko sa mga sorry mo lang!" pero pagmamatigas pa rin ng binata. Padaskol itong humiga ulit, higa na patalikod na sa kanya.
"Sorry na nga. Ako rin naman nasaktan, eh, kasi minahal ko na rin ang inakala kong magiging anak natin. Alam ng Diyos na tulad mo ay nasaktan din ako nang sobra. Natakot lang talaga ako noon kaya hindi ko nasabi agad sa 'yo," madrama niya na ring sabi.
BINABASA MO ANG
ANG NABUNTIS KONG PANGIT
Romance*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY MAHAHANAP NI ANDY ANG ISANG MASAYANG KAIBIGAN. PERO ANO ANG MANGYAYARI KUNG BIGLANG MABUNTIS SI YOL...