Part 49

194K 3.5K 164
                                    

ILANG MINUTO na si Andy sa loob ng kuwarto ng amang inatake pero parang hindi naman niya ito nakikita. Ang isip niya kasi ay nasa labas. Na kina Yolly at Leandro. Ang sakit ng dibdib niya o mas tamang salita ay ng puso niya na nakita ulit ang closeness ng dalawa. Hindi niya mapigilan ang hindi magselos. Nai-insecure na naman siya kay Leandro.

Marahas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. "Huwag lang talagang makaporma-porma ang Leandro na iyon kay Yolly. Makikita niya."

"Son?" Nagulat siya nang marinig niya ang boses ng kanyang Daddy. Gising na pala at mukhang kanina pa siya tinitingnan.

"Dad?" Lumiwanag konti ang mukha niya. Thank God, gising na nga pala talaga ang ama niya at igtas na sa kapahamakan.

"What's bothering you, Son? Ayos ka lang ba?"

"Dad?" He was surprised. Why was his dad asking him if he was okay? Baliktad yata?

Lumapit sa kanya si Kara. "Kanina ka pa kasi namin tinitingnan. Pumasok ka kasi na parang ang lalim-lalim ng iniisip mo."

Napa- "Ah" siya. But he didn't mention the reason. "It's nothing, Dad," instead he simply replied.

Bahala na nga si Yolly. Makipaglandian siya do'n hangga't gusto nito. Damn, Leandro!

"How are you, Dad?"

"I'm okay now, Son. And I'm glad you visited me," madamdamin at parang nahihiya na sagot ni Sir Delfin.

Hinila ni Andy ang isang upuan at paharap na umupo para mas maganda ang pag-uusap nila ng dad niya. "Huwag po muna kayong masyado magsalita. Mahina pa po kayo."

But it seems that his dad wanted to discuss something else. "Are you still angry with me, Andy?"

Hindi siya agad nakaimik sa bagay na iyon sa halip ay napasulyap siya kay Kara.

"Mabait siyang babae, Andy."

Napailing siya. "Huwag na po muna nating pag-usapan 'yan, okay lang ba?"

Isang mahinang tapik ang ginawa ng dad niya sa kanyang balikat. "Siya nga pala may pabor sana ako sa 'yo, Son," pag-iiba na nga nito ng usapan.

"What is it, Dad?"

"I want you to find the girl who saved my life. Gusto ko sana siyang bigyan ng kahit ano bilang pasasalamat."

Napakunot-noo siya. "Girl who save you? Who is she?"

"I don't know, pero kung hindi dahil sa babaeng iyon ay malamang wala na ako ngayon. Basta kapag nakita ko siya ay makikilala ko siya. May eyeglass siya at—"

Natigil sa pagsasalita si Sir Delfin nang magbukas ang pinto at iniluwala roon ang babae na idini-describe nito.

"Ikaw?" Hindi makapaniwalang turo nito kay Yolly.

"Kayo po?" Gulat na gulat din si Yolly nang nakilala niya ang lalaking nakahiga sa kama.

"Kilala niyo ang isa't isa?" nagtakang tanong ni Andy habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa.

Pati si Kara na nasa tabi lang ay nagtataka.

"Son, she's the girl I'm referring to. She's the one who saved my life," Sir Delfin said.

"Naku! Naku po! Hindi po! Ang totoong nagligtas sa inyo po ay iyong nursing student na napadaan," pagtatama ni Yolly.

"Yes, I know, hija. Pero kung hindi ka humingi ng tulong para sa akin ay hindi ako matutulungan, right?" ngiting-ngiti na pagtatama pa rin ni Sir Delfin.

Napangiti ulit si Yolly rito. Sabagay nga naman. Pero teka lang, bakit ba hindi niya napansin agad ang pagkakahawig nito kay Andy noon?

Hay, ang sarap naman dahil natulungan niya pala ang daddy ng magiging ama ng anak niya. Mali, hindi pala, kasi hindi nga pala siya buntis.

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon