Last Part

449K 8K 2.8K
                                    

May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ito ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning naman ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera.

"Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.

Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.

Magsasalita pa nga sana ito upang magpasalamat, pero sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly.

"Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.

Ngunit si Yolly, wari ba'y nalulon na niya ang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Nakatitig lang siya kay Andy.

"Pero wait lang..." Okay na sana ang lahat nang bigla kasi ay nakaramdam ng pangangasim sa sikmura si Andy. Tumagilid siya ng tayo, yumuko at nagduwal. "Waaaakkkk!"

"Tss!" Napangiwi si Karen na audience nila at natawa naman ang magbabalut.

"Alak pa more," sambit pa ni Karen na naiiling. Nabitin sila sa panonood, eh. Alak nga naman, wala talaga maidudulot na maganda sa tao.

Kanina ay na-realize ni Karen na si Andy at Yolly nga ang para sa isa't isa kaya nagpaubaya na siya at ngayon ay medyo kinikilig na rin siya para sa dalawa. At subukan lang nilang hindi ayusin ang relasyon nila ngayon dahil pag-uuntugin niya silang dalawa.

Habang si Yolly ay umasim ang mukha na napangiwi rin at napahimas ng batok. Ano ba 'yan?!

"Yolly, sorry. Sorry talaga. Napadami kasi ang inom ko, eh. Stag party ni Patrick kanina kaya napasabak ako sa inuman," bago ang take two sa dramahan nila ay paliwanag muna ni Andy sabay punas ng bibig.

Napabuntong-hininga at dismayadong napailing lang si Yolly.

"So, puwede na ba tayong mag-usap?" pagkaraan ay seryosong pakiusap ulit ng binata. Take two na talaga dahil medyo guminhawa na ang pakiramdam niya at nawala na ang pagkabangag niya nang sumuka siya.

"Paano tayo mag-uusap? Lasing ka?"

Maraming iling ang ginawa ni Andy at nagpanatang makabayan. "No. Uhm... Yes. Oo lasing pala ako pero... pero, Yolly, matino pa rin ang isip ko promise. Alam ko pa rin lahat ang sasabihin ko. Maniwala ka."

Nalito si Yolly. Nakusot ang mukha niya.

Humakbang si Andy palapit sa dalaga pero umurong si Yolly.

"Andy, huwag kang lalapit."

"Bakit?"

"Basta! Diyan ka lang!"

"Bakit nga? Natatakot ka ba sa 'kin?"

Ang lalalim ng naging buntong-hininga ni Yolly. Kumikinig din ang mga labi niya, nanlalamig ang mga palad niya, at nangingilid ang kaniyang mga luha. Ewan niya. Hindi niya alam ang saktong nararamdaman niya.

"Yolly, bakit ba ayaw mong maayos natin 'to? Hindi ka ba napapagod? Pinapahirapan mo lang ang sitwasyon natin, eh. Ikaw lang ang nag-iinarte, eh. Okay naman tayo. Ano ba'ng problema pa?" lumamlam ang mga matang wika ni Andy.

Humugot muna nang malalim na buntong-hininga si Yolly. Ang mga luha niya'y kusa na iyong mga kumawala. "Andy, tama na kasi. Tigilan na natin 'to. Hindi mo ba nakikita? Hindi tayo ang para sa isa't isa. Ang tagal na, 'di ba? Ang tagal na ng istorya natin pero heto pa rin tayo. Kumplikado pa rin. Walang pagbabago. Ang gulo-gulo pa rin."

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon