Part 39

212K 3.9K 96
                                    

Hindi na umangal pa si Yolly sa ideya ni Andy dahil pakiramdam niya ay lalapain siya anumang oras ng mga malahalimaw nilang kapwa estudyante. Hinayaan niyang nakaakbay sa kanya si Andy habang naglalakad sila sa campus ground papunta sa unang subject nila. 'Yung tapang niya kanina ay parang bula na naglaho na. Parang mas gusto na nga lang niyang umuwi, pero sa tuwing titigil naman siya ng lakad ay masuyo siyang inaalalayan ng binata.

"Yolly, relax. From now on, they won't be able to hurt you or say hurtful words to you anymore. Ako'ng bahala sa 'yo," bulong sa kanya ni Andy sa muli niyang pagtigil.

Naiiyak na tumingin siya sa binata. Paano'y dinig na dinig niya ang mga tawanan, kantyawan, mura at kung anu-ano pa ng mga estudyante sa kanya.

"Don't mind them. Nandito lang ako," pampalakas-loob pa sa kanya ni Andy.

Hindi siya nagsalita pero alam niya na naunawaan naman siya ni Andy. Naunawaan siya na nasasaktan siya, na natatakot siya, na nahihiya siya, kaya sadyang mahirap sa kanya ang sandaling iyon.

Kumilos si Andy. Binitawan muna siya sa pagkakaakbay dahil may kinuha ito sa bulsa. At 'yon pala'y ang cellphone nito at headset. Kinalikot ni Andy ang cellphone. Inilagay ang headset saka hinarap siya.

Napaurong ng isang hakbang si Yolly dahil hindi niya alam ang gagawin ni Andy. Kung hindi nga lang seryoso ang sitwasyon ngayon ay iisipin niyang may balak itong sakalin siya sa pamamagitan ng headset. Pero wala siyang oras ngayon sa pagpapatawa.

"Use this," sabi na ng binata.

"Bakit?"

"Para hindi mo sila marinig."

Umawang ang mga labi niya. Kung gano'n pinaghandaan ito ni Andy?

Napatanga siya sa guwapong mukha nito. Totoo pa lang hindi siya nito pababayaan kahit tinaray-tarayan pa niya ito.

Ngumiti sa kanya si Andy habang isinusuot ang headset sa kanyang tainga.

Gusto na tuloy maiyak na ni Yolly. Bakit ba ang bait ng lalaking ito sa kanya? Hindi naman niya ginayuma, 'di ba?

Pagkatapos niyon ay ibinigay pa sa kanya ni Andy ang cellphone nito. Ngumiti na siya rito nang kinuha niya iyon dahil wala na nga siyang marinig. Kahit ano pang sabihin ng mga tao ay hindi na niya maririnig dahil ang lakas ng sounds na nagmumula sa cellphone.

"Okay?" Senyas sa kanya ni Andy. Nabasa niya ang buka ng bibig nito.

Nakangiting tumango siya. "Oo!"

Napangiwi si Andy. Paano'y nabulyawan siya ni Yolly. Pero sa huli ay natawa na lang ito. Pagkatapos ay hinawakan na naman nito ng mahigpit ang kamay ni Yolly.

Magka-holding hands na silang ipinagpatuloy ang paglalakad. Hindi na umangal pa si Yolly. Wala silang pake. Mamatay sila sa inggit.

Nakataas-noo naman si Andy. Maangas, na para bang lahat ng makakasalubong niya ay tutumbain niya oras na makagawa kahit konting pagkakamali. Para kay Yolly at sa magiging anak nila ay dapat lang na magpakatatag siya. Siya lang ang inaasahan ni Yolly na magtatanggol sa kanilang mag-ina kaya gagawin niya ang responsibilidad.

Pumasok na sila sa building kung saan ang una nilang klase. Nakayuko pa rin ng ulo ni Yolly. Kahit malaki ang naitulong kasi ng headset ni Andy ay naroon pa rin 'yung hiya at takot niya.

Ang malas pa dahil nakasalubong nila si Cindy kasama ang mga bago nitong tropa. Mga na-recruit ng dalaga para maging bida ito sa school.

Humalukipkip agad si Cindy nang makita sina Yolly at Andy. Nanlisik ang mata nito dahil nakitang holding hands pa ang dalawa.

Si Andy, hindi na sana papansinin ang mga ito pero napansin niya kasing pati ang mga tropa niya ay nasa likod na rin ni Cindy. Kasama si Patrick na itinuring niyang kanang kamay.

Napasinghap siya at napailing. Maangas na bumukol ang dila niya sa pisngi niya. So, wala na rin pala siyang aasahan sa mga itinuring niyang barkada noon. Tinalikuran na rin pala siya. D*mn them all!

Tumigil ulit sa paglakad si Yolly, pero dahil nainis na si Andy ay hinila niya ang dalaga. Nakipagsalubong sila kina Cindy. Hindi ang katulad lang ni Cindy ang magpapaatras sa kanila. Lalaban sila para sa anak nila.

Nakipagtinginan siya nang masama nang tumigil silang lahat sa gitna. Pinasadahan din niya ng masamang tingin ang mga walang kuwenta niyang tropa.

Si Yolly mas yukong-yuko ang ulo. Pilit niyang hinihila ang kamay kay Andy pero mas hinihigpitan iyon ng hawak ni Andy.

"Dude..." Si Patrick, magpapaliwanag sana kaso ay siniko ito sa tiyan ni Karen. Napaigik ito sa sakit. Kahit sana ang iba kaso tiningnan naman sila ng masama ni Cindy kaya mga naduwag.

"So," panimula na ni Cindy sa paraang nag-aamok ng away, "kumusta ang buhay may asawa na pangit?"

Lalong umigting ang mga panga ni Andy.

ANG NABUNTIS KONG PANGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon