"Andy, bitawan mo ako," piksi ni Yolly sa binata nang dire-diretso siyang hilahin nito papuntang parking lot ng Sanchi College.
"No! Sasama ka sa akin!" ngunit matigas na sabi ni Andy.
"Ayoko!" Pumiglas siya. Marahas niyang binawi ang kanyang kamay.
"What's your f*ckin' problem?!" Pero nagulat siya nang bulyawan siya ni Andy. Madilim na madilim ang mukha ng binata. Halatang pigil na pigil nito ang matinding inis.
Natigilan siya. Awang ang mga labi niyang napatitig sa guwapong mukha nito. Ngayon lang niya nakita na gano'n kagalit kasi ang binata. Nakakatakot pala.
"Ako ang ama niyan? Talaga lang, ha?" parang nang-uuyam na sabi at mabilis na sulyap ang ginawa ni Andy sa tiyan niya.
Napasinghap siya. Parang binuhusan siya ng pagkalamig-lamig na tubig. Sa sinabi at ginawa na iyon ni Andy ay parang gustong magdilim ng kanyang paningin. Nakakaliit ng pagkatao. Anong akala nito? Gumagawa siya ng kwento lamang? Kapal!
"Sure ka ba?" sabi pa nito.
Tiningnan niya ito nang pagkasama-sama. Tumaas-baba ang kanyang paghinga sa umusbong na galit sa kanyang dibdib. Sabi na nga ba niya't ganito ang magiging reaksyon ni Andy.
Nangingilid na rin ang kanyang mga luha sa matinding inis. Kaya nga ayaw niyang sabihin, eh, dahil alam niyang ganito ang mangyayari.
"Baka naman gumagawa ka lang ng kuwento para gantihan ako?"
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin!" singhal na niya rito.
Naglaban ang masamang tinginan nila ni Andy. Gustong-gusto niya itong sumbatan at sampalin ngunit sa huli ay siya ang talo. Napabuga siya ng hangin para maibsan ang sama ng kanyang kalooban.
"Kalimutan mo na lang 'yung sinabi ni Leandro. Wala 'yon," ang sabi niya na napaiwas ng tingin. Buti na lang at kontrolado pa rin niya ang sarili. "Sige na. Aalis na ako." Tumalikod siya at malalaki ang hakbang na iiwanan na sana niya ito.
"Hold on!" ngunit malakas na sabi nito.
"Ano na naman?" Banas siyang lumingon.
Madilim ang mukhang lumapit ito sa kanya at hinuli ulit ang kanyang braso. "Kung totoo na ako ang ama niyan, why am I the last one to find out? Do you know how insulting it is? Ang sakit kaya sa damdamin," tapos ay sabi nito na may padagok pa sa dibdib nito.
Umawang ang mga labi niya. Nagtatakang napatitig siya sa guwapong mukha ng binata. Ano raw?
"O baka naman ang balak mo talaga ay huwag sabihin sa 'kin 'yang kondisyon mo? Ang sama mong babae ka!"
Hindi na mailarawan ang reaksyon sa mukha niya. Anong sinasabi nito?
"Halika!" Muli ay hinila na naman siya ni Andy.
Takang-taka siya na kinakaladkad ni Andy. Tama ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Andy na tanggap nito ang kondisyon niya? Na masama lang ang loob nito dahil hindi ito ang naunang pinagsabihan niya na dinadala na niya ang magiging anak nila?
May kung anong bagay na humaplos sa puso niya. Subalit madali niya ring iyon na pinalis. Hindi, hindi puwede 'to. Ayaw niyang makasira ng kinabukasan ng isang tao dahil lamang sa kalagayan niya, ng dahil lamang sa pagkakamali. Isa pa ay hindi naman sinadya ni Andy na mabuntis siya. Ayos lang talaga sa kanya na hindi siya panagutan nito.
Maarte na kung maarte pero binawi niya ulit ang kanyang kamay at naluluhang tumigil sa paglakad.
Si Andy naman ang nagtaka. Napalingon ito sa kanya. "Ano na naman?!"
BINABASA MO ANG
ANG NABUNTIS KONG PANGIT
Romance*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY MAHAHANAP NI ANDY ANG ISANG MASAYANG KAIBIGAN. PERO ANO ANG MANGYAYARI KUNG BIGLANG MABUNTIS SI YOL...