"Sa tingin mo babalik pa 'yon?" tanong na naman ni Aling Yolanda kay Yolly. Kung bibilangin mula kanina pang umalis si Andy para kumuha raw ng gamit sa bahay nila ay siguro mga pang-bente na 'yun na tanong ng ginang. Panay rin ang silip nito sa bintana at labas ng bahay para i-check kung dumating na ang binata.
Tumirik lang ang mga mata ni Yolly. Kampante lang siya na nanonood ng TV. Wala siyang pakialam kung babalik pa si Andy o hindi. Sana nga ay hindi na, eh, dahil kawawa lang talaga ang taong iyon kapag papatali ito sa gaya niyang panget.
"Matino naman iyon na kausap, 'di ba? 'Di ba, 'Nak?"
"Huwag na kasi kayong umasa dahil malamang nasa airport na 'yon, 'Nay. Tatakas na 'yon. If I know baka kunwari lang niya na pananagutan niya ako pero ang totoo ay tactic niya lang iyon para makatakas. Kung hindi naman, siguro habang nagda-drive siya pauwi, eh, nauntog kaya natauhan na."
Biglang batok sa anak si Aling Yolanda. "Ikaw, hindi ko alam kung nag-aral ka ba sa school niyo o natulog ka lang doon dahil hindi mo alam paano gamitin 'yang utak mo! Ikaw lang yata ang babaeng ayaw panagutan ng nakabuntis sa kanya, eh!"
Tumingala si Yolly sa nanay niya at inirapan. "'Nay, kung ang nakabuntis lang sa 'kin, eh, isa sa mga tambay sa kanto, eh, baka habulin ko pa siya ng itak kapag hindi niya ako pananagutan. Pero, Nanay, si Andy po iyon. Si Andy na guwapo at anak mayaman. Ang bagay do'n ay ang mga artistahin na babae, hindi ang katulad ko lang."
Isang batok ulit si Aling Yolanda sa nagtatangahang anak o talagang tanga lang talaga.
"Aray naman, eh!" angal na ni Yolly sa ina habang hinihimas ang nabatukan niyang batok. Masakit na 'yung pangalawa, eh.
"Dapat nga magpasalamat ka dahil guwapo ang nakabuntis sa 'yo dahil sigurado kapag lalabas ang anak mong 'yan, eh, kahit paano ay may hitsura naman. Paano na lang kung pangit? Pangit ka na nga, pangit pa ang ama, ay di tiyanak na 'yan paglabas?!"
"Nanay?!" Pinandilatan niya ang ina na akala mo, eh, hindi niya ina kung makalait sa kanya. Ang harsh.
Pagkuwa'y hinimas-himas niya ang tiyan. Sana hindi iyon narinig ng baby niya.
"Totoo naman, ah!" kaso ay giit pa rin ni Aling Yolanda. Galit na. "Kaya huwag ka ngang maarte! Ang mabuti pa sunduin na lang kaya natin siya!"
"Ayoko nga!" protesta niya na tumayo. Ang haba ng nguso niya na iniwan ang nanay niya sa sala at nagkulong na lang sa kuwarto niya. Matutulog na lang siya. Itutulog na lang niya ang sama ng loob niya dahil sigurado siyang hindi na babalik si Andy. Hahayaan na lang niya ang nanay niya sa labas na mamuti ang buhok kakaantay sa wala.
Maniwala siya ro'n!
Ang problema ay hindi rin siya nakatulog agad. Nakailang baling na siya ng higa.
"Kainis!" Napabangon na siya. Umupo siya sa ibabaw ng kanyang kama saka napapakagat-labi na napapaisip at pumangalumbaba.
Babalik nga kaya siya? Sige na nga. Aaminin na niya na umaasa rin siya na babalik si Andy sa bahay nila kahit papano, pero slight lang. As in konti lang. 'Tsaka tama naman si Andy na kawawa ang anak niya kapag lalabas itong walang ama.
Wala sa loob niyang napahawak siya sa tiyan niya. Nasa'n na kaya si Andy?
SA MANSYON ng mga Pagdatu ay paalis na si Andy sa bahay nila. Nagpapaalam na siya sa Yaya Chadeng niya.
"Sigurado ka na ba d'yan, Andy? Mag-aasawa ka na kapag uuwi ka na sa bahay nila?" maluha-luhang sabi ni Yaya Chadeng.
"Oo, 'Ya. Nangyari na, eh." Nakangiting tumango si Andy sa tagapag-alaga niya. "Moreover, I can't do anything about it anymore, and I've come to accept that I will be a father now."
"Pero masyado ka pang bata. Siguradong hindi papayag ang mga magulang mo nito."
"Bakit naman? Hindi nga rin po ako payag sa paghihiwalay nila, 'di ba? Pero ginawa pa rin nila kaya gagawin ko rin kung ano'ng gusto ko."
"Andy, kung nagrerebelde ka ay huwag naman sana sa paraan na ganyan. Masisira ang buhay mo niyan, eh."
"Hindi po, Yaya. Nasisiguro ko po 'yan sa inyo dahil simula nakasama ko si Yolly ay sa kanya lang ako nakaramdam ng totoong kasiyahan. 'Yung walang iniisip. 'Yung walang kinakatakutan o pinangangambahan. 'Yung feeling na malaya akong gawin ang gusto ko kapag kasama ko siya. Sa kanya ko lang naramdaman ang lahat ng iyon, Yaya, kaya don't worry, magiging maayos at masaya po ako sa piling niya. At huwag ka pong mag-aalala, ipapakilala ko po siya sa iyo isang araw. We will visit you here."
Napabuntong-hininga nang malalim si Yaya Chadeng. Sumuko na siya dahil nakita na niya ang kislap sa mga mata ng alaga niya. Makikita talagang masaya ngayon si Andy kaya naman ay susuportahan na lang niya ang alaga sa gustong gawin sa buhay nito, kahit pa napakaaga pa para mag-asawa sana ito. Kung meron man dapat sisihin sa nangyayari ay ang mga magulang nito.
"Alis na po ako, 'Ya. Baka hinihintay na ako kanina pa ni Yolly."
Malungkot na tumango si Yaya Chadeng sa alaga. Para siyang ina na nagpapalaya sa anak kaya mabigat sa dibdib niya ang lahat. Idagdag pa na talagang itinuring na talaga niyang anak si Andy dahil bata pa lang ito noong inalagaan niya ito.
Natigilan nga lang ang magyaya sa pagpapaalamanan nang may dumating na magarang kotse. Tumigil iyon sa tapat nila kaya naman kunot-noo silang naghintay sa lalabas doon na nakasakay.
At anong sama ng tingin ni Andy sa lumabas dahil ang mommy niya pala.
"Andy, let's talk! Ano 'yung mga nabalitaan ko na mga bagay tungkol sa 'yo?!" Galit agad ang boses ni Madam Angie.
Napabuntong-hininga si Andy pero hindi siya nakaramdam ng anumang takot sa ina, bagkus ay galit ang nararamdaman niya para rito. At alam niya si Cindy ang nagsabi ng lahat sa mommy niya. Sino pa ba?
"Yaya, kunin mo ang mga gamit niya," makapangyarihang utos ng sosyaling ginang kay Yaya Chadeng.
NAGISING naman na si Yolly dahil nakaramdam siya ng ihi. Nagtaka pa siya dahil nakatulog pala siya.
Tumingin siya sa alarm clock na naka-display sa side table ng kanyang kama at nakita niyang mag-a-alas tres na pala ng madaling araw. Tingin din siya sa tabi niya at sa sahig, umaasa na makikita niya roon si Andy na nakatulog dahil hindi na lang siya ginising pagdating nito kanina. Kaso ay anong lungkot ng kanyang naramdaman nang wala siyang makita kahit ipis doon na nakahiga.
"Sabi ko na nga ba, eh, hindi na siya babalik. Tanga ka lang, Yolly, na umasa rin," aniya sa isip-isip bago bumaba na sa kanyang kama at labas ng silid niya para umihi.
Kamot-batok din siya dahil nakita niya ang nanay niya na tulog sa sala. Lumapit siya rito at ginising.
"'Nay?"
"Hmm..." ungol ni Aling Yolanda.
"Ba't dito ka natulog?"
Pupungas-pungas si Aling Yolanda na nagising. "Dumating na ba si Andy?"
Bumuntong-hininga siya. "Huwag ka na pong umasa kasi alas tress na po. Pasok ka na po sa kuwarto mo."
Matatag na umiling si Aling Yolanda. Umayos ulit ito nang higa sa sofa. "Dito na lang ako at baka bigla siyang dumating."
Ngumuso si Yolly. Asa pa more.
Hinayaan na lang niya ulit ang makulit na ina. Umihi na siya at nang matapos ay balik siya ng tulog sa silid niya. Nga lang ay hindi na naman siya nakatulog agad. Ang likot niya sa kama niya dahil kahit ano'ng posisyon niya ng tulog ay hindi na siya dalawin ng antok. Iniisip niya si Andy, kahit ayaw na niyang isipin ito dahil nagtatampo na siya o sa tamang salita pala ay 'nakakatampo' lang kasi.
Sana hindi na lang sinabi ang mga iyon kung hindi naman tutuparin, 'di ba? Pati tuloy nanay niya ay umaasa.
Madaming minuto pa ang lumipas bago niya nakuha ulit ang tulog niya. Hindi niya ulit namalayan. At sayang dahil kasabay niyon ang pagparada na ng isang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Bumusina iyon at si Aling Yolanda lang ang nagising.
BINABASA MO ANG
ANG NABUNTIS KONG PANGIT
Romance*Highest Rank: #1* Si ANDY... guwapo pero hindi raw gago. SI YOLLY... pangit na binu-bully ng kapwa nila estudyante. ANG 'DI INAASAHAN, AY KAY YOLLY MAHAHANAP NI ANDY ANG ISANG MASAYANG KAIBIGAN. PERO ANO ANG MANGYAYARI KUNG BIGLANG MABUNTIS SI YOL...