Author's Note:
The real plan should be this chapter will revolved on how Archangel's Gabriel gains his memories. But unfortunately, I changed my mind. I think it is more better if I will still hold on the retreat part. Readers, I am really sorry for my sudden change of mind. I'll promise I give justice to Gabriel's. Continue Reading... Enjoy..
Chapter 6: The Retreat
Ariel
Bago ako pumasok sa trabaho, dumaan muna ako sa simbahan to ask Kuya Joseph for the full details ng retreat. Nakasalubong ko nga si Gab eh! Babatiin ko sana kaso naalala ko hindi nga pala kami close. "Hey, Ariel and Gab. Excited kayo ha!" sabi ni Kuya Joseph. "Bakit po kuya kami pa lang ba ang magtatanong ng details?" tanong ko sa kanya. "Oo. Kapapadala ko palang kasi ng balita. Ariel, kababalik lang ni Raph, diba?" sabi ni Kuya Joseph. "Oo. Wala ngang dalang chocolate eh!" sabi ko. Narinig kong nagsayang siya. Mukhang maghihingi siya ng chocolate. "Alam mo naman yun si Raphael, kuya, kuripot yun. Flat tops nga lang ang chocolate na binibigay nun kay Micah ng nanligaw yun eh!" sabi ko sa kanya na natatawa. Naalala ko tuloy yung mga araw na iyon. Grabe, over kuripot talaga si Raph. "Di lang kuripot. mabagal pa. Mantakin mo hindi pa nakipagbalikan kay Micah!" sabi ni Kuya Joseph na sinang-ayunan ko na lang. Maya-maya, umubo-ubo si Gab just to indicate his presence. "Sorry, Gab, nandyan ka nga rin pala. Ang tahimik mo kasi eh!" sabi ni Kuya Joseph trying to lighten the atmosphere. "Tahimik naman po talaga ako eh!" sabi niya. Napa-oo nga naman kami. "By the way, yung retreat nga pala na gaganapin is three days and four nights kaya magpaalam na kayo sa mga trabaho ninyo." sabi ni Kuya Joseph. Three days!!!!! One week nga akong hindi nakapasok tapos mag-leleave pa ako ng three days bale four days kasali yung araw ng byahe!!!!! Medyo malayo kasi ang St. Gabriel Basillica kaya six hours ang byahe. Payagan kaya ako ng boss ko? "In case na hindi kayo payagan, sorry na lang. Hindi pwedeng i-reschedule ito kasi may iba pang activities ang simbahan na dapat gawin. " dugtong pa ni Kuya Joseph. Sana payagan ako. Sayang yung pagkakataon. "Tulad ng dati, pwede pa ring magsama ng hindi ka-member ng choirs pero sympre may donation na kailangan. Halagang 350 pesos lang naman. Pakisign na lang dito kung pupunta kayo para maaccomodate namin yung na lahat saka 250 pesos na rin for the fees." sabi ni Kuya Joseph at naglabas ng papel at ballpen. Pumirma agad si Gab at naglabas ng pera. Ako! Baka mamaya na pipirma baka di ako payagan. I wondering ano kayang trabaho ni Gab? "9:00 am ang arrival ha! hanggang 7:00 am pwede pang mag-join. Sana kumpleto tayo." sabi ni Kuya Joseph. Sana payagan ako ni Ma'am. Pero mukhang imposible, mainit dugo sa akin nun eh!
"Bakit di ka nag-sign?" tanong sa akin ni Gab sabay kasi kaming lumabas sa choir room. Himala, kinausap niya ako. "Hindi pa kasi ako sigurado kung papayagan ako ng boss ko. Mainit dugo nun sa akin eh!" diretsong sabi ko. "Ganon ba! Parang gusto kitang kasama sa lugar na iyon." sabi niya na parang nag-aalinlangan kung sasabihin niya ba yun o hindi. "Paano mo naman nasabi?" sabi ko. I don't want to conclude. "Wala lang. I have an instinct na dapat masaksihan mo yung mangyayari roon. By the way, saan ka ba nagtatrabaho?" mahabang sabi niya. Himala nga talaga ito dahil nag-uusap na kami. Hindi naman kasi talaga ako kinakausap ni Gab dati pa. "Sa telecommunication company ng mga Zalgosa. Nagtatrabaho ako roon as accountant. Ikaw saan ka nagtatrabaho?" sambit ko sa kanya. "Sa bahay lang ako. Tagabantay ng computer shop namin. Ayoko kasing mag-apply ng trabaho. Malabo kasing tanggapin ako doon." sabi niya sa akin at nagpaalam na dahil sasakay na raw siya. Hindi ko man lang natanong kong bakit.
Pagkauwi ko, nagmadali na akong maligo at maayos. Raphael promised me na gagawa raw siya nang paraan para makasama kami sa retreat dahil kailangang-kailangan. Kung pwede lang dalhin ko ang lahat ng Archangel na kilala ko na at sabihin ko sa mga santong naroon na ibalik na ang mga ala-ala nila kaso hindi pwede magmumukha akong baliw nun. After kong mag-ayos ng dapat ayusin, umalis na ako ng bahay at nag-commute. Sa LRT, muli kaming nagkita ni Cham. "Hey! Long time no see, Ariel." bati niya sa akin and he smiles. Kilala niya pa ako?
BINABASA MO ANG
Finding Archangels 1 (Completed)
FantasySimpleng choir member lang si Ariel. She live with her faith in its fullest. She worships God everyday of her life. She is not born with a golden spoon. Commoner lang kung baga. But her life will change when St. Peter talked to her. "I chose you to...