Chapter 30: Glimpse of Zach's Past

656 22 0
                                    


Chapter 30:Glimpse of Zach's Past

Ariel

Kinabukasan paggising ko ay agad kong hinanap ang papel na binigay sa akin ni Josh. Agad ko itong tinignan. It was the view of the fireworks in the ferris wheel. Napakaganda nito. Walang dudang siya nga ang Archangel of Wisdom and Creativity. Napagaan ng simpleng drawing niya na iyon ang pressure na nararamdaman ko ngayon. Thanks Jophiel, you never failed to make me smile and make me calm. Dahil sa motivation na iyon, maaga akong pumasok sa trabaho. I am now ready to face Sir Zach.

Pagpasok ko pa lang ay nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin mula sa likuran. Agad kong kinuha ang kamay niya na nakaakbay sa akin at buong lakas ko siyang inihagis. Doon ko palang napagtanto na si Sir Zach lang pala ang umakbay sa akin.

Agad ko namang siyang nilapitan at iniabot ko ang aking kamay para tulungan siyang makatayo.

"Sorry, sir. Nagulat po kasi ako eh!" nasabi ko na lang na buong sinseridad.

Inabot naman ni Sir Zach ang kamay ko at narinig kong tumawa siya habang pinapagpag niya ang pantalon niya.

"Hindi naman ako napuruhan. Nagiging defensive ka pala kapag bigla kang inaakbayan. Fine, hindi ko na uli iyon gagawin." nasabi naman ni Sir Zach sa akin.

"Sorry pa rin po, sir. Wala po bang masakit sa inyo?" pag-aalala kong sabi sa kanya.

"You don't need to say sorry. Bigla kasi kitang inakbayan. Don't worry. I'm fine. Tara na, mahaba-haba pa ang ating pag-uusapan." sabi ni Sir Zach sa akin.

I just sigh. Buti na lang talaga walang masakit kay Sir. Anong ibig sabihin ng tara na? Ang sabi niya kahapon, sa lunch break na lang kami mag-usap?

"Sir, akala ko ba lunch break na lang tayo mag-uusap?" tanong ko na may halong pagtataka.

Binabalak ko pa namang kondisyunin ang sarili ko sa mga pwede niyang sabihin sa akin mamaya tapos biglang ngayon na agad. Sabagay, okay naman na ako.

"Eh! Naisip ko kasi na isang oras lang ang lunch at baka hindi abutin yung mga pag-uusapan natin. That is why I decided to give you a break in the whole day. Isa pa, pumayag naman si Joshua na siya na munang bahala sa mga transactions na i-aanalyze mo ngayon although nag-resign na siya as accountant ng company. May gusto talaga ang isang iyon sa iyo." paliwanag ni Sir Zach sa akin.

Si Josh? Ibig bang sabihin hindi pa siya bumabalik sa heaven? How come?

"Pwede pakiusap muna kay Josh?" sabi ko ignoring the idea of Sir Zach na may gusto sa akin si Josh. Sympre, archangel kaya siya.

"Fine. Pero saglit lang ha!" sabi ni Sir Zach at tinawag si Josh.

Lumabas naman agad si Josh. Pagkalabas niya ay agad ko siyang binatukan.

"Ano pang ginagawa mo rito ha!?" may emphasis na sabi ko.

Hinaplos niya ang batok niya na binatukan ko.

"I just want to help this company. Isa pa, hindi kasi ako matahimik hanggang hindi nagigising si Gab eh! I thought it is my fault kung mas napaaga lang ako ng dating sana..." naputol ang sinabi niya dahil kinutusan ko na siya. Ignoring the fact na hindi pa nagigising si Gab.

"You are the one who help us imbis na dapat ikaw ang iligtas namin that is why hindi mo na kailangang makonsenya. Kung hindi ka naman pala aalis agad eh di sana inihatid mo muna ako ng araw na iyon ng sa gayon ay hindi ako kung saan na lang dinala ni Arch." sabi ko sa kanya.

Naiinis ako sa tuwing naaalala ko na nakalimutan niya akong ihatid sa amin dahil sa gusto niya na agad makabalik tapos nandito pa rin siya. Nagmukha kaya akong tanga ng bigla akong lumabas sa may ferris wheel na lang na nag-iisa.

Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon