Chapter 49: Awakening of Archangel Uriel

566 23 1
                                    

Chapter 49: Awakening of Archangel Uriel

Zachary

Kanina ay nagpaalam ako na hindi papasok dahil kailangan kong kausapin si Franz. Sa amin kasi ni Arch iniatas ni Lorenzo ang pagkukumbinsi sa kanya. Masyado na raw naming pinapagod si Ariel.
Kanina rin napag-usapan na namin ni Franz na magkikita kami sa restaurant kung saan ko rin kinausap si Ariel nun nang maramdaman kong hindi ako ang tunay na Zachary. Paano ko naalala ang detalyeng iyon? Simple lang. Hindi pa kasi nabubura ang mga ala-alang ginawa ni Archangel Zadkiel nang magtao siya sa katawan ko.

Maya-maya lang dumating na ang hinihintay ko.

"Hey, Zach. Bakit kaya hindi mo ako sa bar dinala?" tanong ni Franz ng pumasok siya sa VIP room na inireserve ko talaga para sa pag-uusap naming dalawa. Same place kung saan din kami kumain ni Ariel nun.

"Sympre, maingay dun. Isa pa seryoso yung pag-uusapan natin." seryosong sabi ko.

Pag niyaya ko kasi si Franz ay diretso kami sa bar para uminom.

"Gusto ko sa maingay na lugar. Ano bang pag-uusapan natin Zach?" tanong niya sa akin na naiirita.

Napabuntong-hininga na lang ako. Seriously, wala siyang ideya kung anong pag-uusapan namin? O nagpapanggap lang siyang walang nalalaman?

"Yung tungkol sa kahapon, Franz. Yung tungkol sa pinaiintindi namin saiyo kahapon." seryoso at kalmadong sabi ko.

Narinig kong nagpakawala ng isang buntong-hininga si Franz.

"Malalala ka na Zach. Ayokong pag-usapan yung kahapon. Katulad nang sinabi ko, matagal ko ng hindi pinakikinggan ang umiiyak na anghel na iyon.  Matagal ko na siyang tinatakasan." sagot ni Franz sa akin.

Bingo! Nahuli ko mismo sa bibig niya na tinatakasan niya ang anghel na iyon. He just denied him.

"Pero, Franz,  maniwala ka sa hindi, ikaw yung anghel  na umiiyak na iyon. Ikaw yung anghel na punong-puno ng pagsisisi sa buhay. Ikaw si Archangel  Uriel. Gumising ka na. Kailangan ka namin. Kailangan  ka Niya." seryoso pa ring sabi ko trying to convince him.

"Matagal ko ng pinatay ang anghel na iyon, Zachary. Hindi niya kayang iligtas ang mundo. Hindi niya kayang panatiliin ang katahimikan. No one needs him 'cause he is useless." inis na wika ni Franz or should I say na si Archangel Uriel na itong kausap ko.

Bingo! Sinabi niya uli. Naniniwala siya. Ayaw niya lang ilabas.

"May nagsabi bang hindi ka nila kailangan? Sinabi Niya bang hindi ka Niya kailangan? May nagsabi na sa iyo na useless ka? Wala. Ikaw lang ang nagsasabi niyan sa sarili mo. Ikaw lang ang hindi naniniwala sa kakayahan mo. Nagpalalamon ka sa pride mo. Hinahayaan mong kontrolin ka ni Pride. Labanan mo siya. Lumabas ka  na at harapin mong muli ang mundo." medyo galit na sabi ko.

Nakita kong kinuyom niya ang kanang kamao niya. Kilala ko si Franz. Ginagawa niya iyan para pigilin ang inis o galit niya.

"Bakit ka ba nangingielam, Zach? Ayaw mo bang kasama ako?" bagkas ang pagtatampo sa boses niya.

Inakbayan ko si Franz.

"Ginagawa ko ito para tumahimik na kayo pareho. Oo, gusto kitang kasama pero mali ito eh! Hindi pa rin ikaw si Franz eh! Napakaselfish ko naman kung pananatiliin kita sa tabi ko na dapat  nasa tabi ka Niya." mahinahong sabi ko.

Bumuntong-hininga muli si Franz.

"Fine. Gigisingin ko siya kung si Ariel ang magsasabi." sabi ni Franz sabay alis nang kamay kong nakaakbay sa kanya.

Loko ito ha! Hindi pa sapat yung mga pinagsasabi ko sa kanya para gumising siya. Kailangan talaga si Ariel?

Tumingin ako sa orasan ko at past 8:00 na rin pala. Siguro  nag-out na iyon si Ariel. Hanggang 5 lang naman ang duty niya. Matawagan nga.

Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon