Chapter 29: The Revelation of Archangel Michael: The First Greatest Revelation About Archangels
Ariel
Hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako. Malalayo ito sa opisina at medyo nasa tagong parte ng siyudad ngunit nahanap niya ako. Isa pa, walang nakakaalam sa opisina na nag-leave ako baka nga mamaya eh matanggal na ako sa trabaho. Ang dami ko na rin kasing absent na walang reason.
"Paano mo pala nalaman na nandito ako?' basag ko sa nakakabinging katahimikang bumabalot sa loob ng kotse niya. Ilang minuto na rin kasi kaming narito ngunit ni ha ni ho ay hindi niya binabanggit.
"I have my ways, Ariel. Isa akong De Sevelles. Marami akong galamay saka isa pa sinabi ko naman diba kakausapin kita pagkatapos mong i-retrieved si Jophiel. I am just following my words." sabi niya sa akin nang nakatingin pa rin sa dinadaanan namin.
"Sana naman hindi agad-agad. Sana ipinabukas mo na. Gabi na kaya." nasabi ko na lang. Kahit excited akong malaman ang nangyari sa kanya ay hindi pa rin ako handang kausapin siya.
"Sobrang tagal ko ng hinintay ito. At saka may time lang na nakakaalala ako." sabi niya sa akin na parang bored na bored siyang kausapin ako.
May time lang siyang nakakaalala? What does it mean?
"I am not fully recovered yet. I already know who am I pero iilan lang ang memoryang hawak ko sa ngayon. Aside from that, I still affected in the cursed of the spirit that uses other body just to live without the permission of the human himself." paliwanag niya na tila nabasa ang nasa isip ko. At bigla kong naalala na mind reader nga pala si Arch.
Yes, si Arch po ang lalaking kasama ko ngayon. Totoo ngang siya si Archangel Michael. At isa pa, hindi nakabalot ng kung anumang tela ang mukha niya. Maayos ko itong napagmamasdan. Gwapo pala siya. Mayroon siyang hazelnut brown na pares ng mga mata, matangos na ilong at mapulang labi. Makisig din ang kanyang katawan na bakat sa medyo manipis na T-shirt na suot niya.
"Are you interested to me? But sad to say he is already taken." sabi niya sa akin na nakangisi. Aba, anong sa tingin niya pinagnanasaan ko siya? Hindi kaya. Dahil nainis ako sa kahanginang taglay ng De Sevelles na ito ay nagpasya na akong hindi na siya kibuin.
Medyo malalayu-layo na ang nababyahe namin ng maalala kong hindi niya pala alam kung saan ako nakatira. Paano niya ako mahahatid sa amin?
"Sino ba kasing nagsabi sa iyo na iuuwi kita sa inyo? Dadalhin kita kung saan ko gusto." sabi niya sa akin. May pa-sure my lady pa siyang nalalaman eh hindi naman niya pala ako ihahatid sa amin.
"Ibaba mo na ako. Ako na ang uuwi mag-isa. Pumayag akong kausapin ka ngayon din dahil sumang-ayon ka na dalhin ako sa amin. Then, sasabihin mong dadalhin mo ako kung saan mo gusto? Angel ka ba talaga?"inis na inis na sabi ko.
Ngumisi lang siya sa akin. "Kanina gusto ko talagang ihatid ka sa inyo but then I change my mind. Hindi nga pala ako komportableng may kasamang iba. Then, hindi ako anghel. Tao ako. I do have the identity of Archangel Michael but still I can't claim that I am his. Lastly, ibababa kita ngayon din pero walang guarantee na makakauwi ka dahil nasa gitna tayo ngayon ng siyudad kung saan puro private vehicles lang ang dumadaan." paliwanag niya sa akin na may bakas sa tono niya na naiinis na siya.
I just sigh. Wala naman na akong magagawa. "Promise me na after nating mag-usap ay iuuwi mo na ako sa amin." sabi ko sa kanya in defeat.
"Fine. Just obey my all my orders till I sent you back to your home." sabi niya na may sinseridad naman.
Nagnod na lang ako. I had a feeling na may isang salita siya.
Hindi ko nabilang kung ilang oras na ang nakakaraan ngunit tila nakatulog ata ako sa sasakyan. Kaya ko nalamang natulog ako ay dahil may umaalog sa akin.
BINABASA MO ANG
Finding Archangels 1 (Completed)
FantasySimpleng choir member lang si Ariel. She live with her faith in its fullest. She worships God everyday of her life. She is not born with a golden spoon. Commoner lang kung baga. But her life will change when St. Peter talked to her. "I chose you to...