Special Chapter 5: Meet Francis Uriel Guzman
Franz
After ng nangyaring incident kay Zach noong nagdate sila one time ni Ariel ay hindi ko na nakita pa si Zach. Sinubukan ko siyang puntahan ng kinabukasan ng umagang iyon sa kanyang opisina ngunit hindi ko siya nakita. I also asked Sarah, one of his department manager, if she saw Zachary. She told me that she never saw Zach or even Ariel the same day that I last saw them.
Kinabahan ako sa biglaan nilang pagkawala. Kinabahan ako sa pwedeng mangyari. Hindi kaya dinala lang ni Ariel si Zach sa kanila at doon pinagpahinga? Imposible. Malayo ang bahay ni Ariel sa opisina at lalo na sa restaurant kung saan ko sila huling nakita. Posible kayang nandoon siya?
Nagmadali akong kunin ang kotse ko at pumunta sa isang simbahan. Ang simbahan na palaging pinupuntahan ni Zachary hindi upang magsimba kundi upang pumunta sa may graveyard sa likod ng simbahan. Doon daw kasi nailibing ang namayapa niyang amain.
Dire-diretso ako sa may likuran ng simbahan. Kilala na ako ng guard sa graveyard dito kaya hindi na nakapagtataka na papasukin ako ng hindi na tinatanong kung sino ang dadalawin ko. Mahigpit kasi ang seguridad dito. Ang pwede lang pumasok ay iyong may mga kamag-anak na dito na inilibing.
Pagpasok ko ay agad kong hinanap si Zach ngunit hindi ko siya natagpuan sa puntod ng kanyang amain. Lumingon ako sa paligid. Bigla akong nakaramdam ng pagkatakot. Katahimikan. Kapayapaan. Ayoko niyan.
Tinatanong ninyo ba kung bakit ayaw ko ng kapayapaan? Simple lang ang sagot diyan dahil nakakakita ako ng imahe ng isang lumuluhang archangel. Nakakatakot. Nakakapangilabot. Ang mas masaklap pa, may hawig kami ng archangel na iyon.
Binagsak ko ang cellphone ko sa sahig para makagawa ng ingay. Isang ingay na sapat na para mawala ang nakakakilabot na imaheng nabubuo sa aking isipan sa tuwing nakakaramdam ako ng kapayapaan o kaya walang naririnig na ingay.
Maya-maya lang ay bigla akong nilapitan ng guard.
"Sir, ano pong nangyari? Bakit ninyo po nabitawan yung cellphone ninyo? Sayang, mukhang mamahalin pa naman iyan." pang-iintriga ng manong guard.
Ngumiti ako sa guard bago ko sinagot ang tanong niya.
"Masyado po kasing tahimik kaya gumawa ako ng konting ingay. Okay lang pong masira iyang cellphone ko, papalitan ko na lang ng bago kaysa masira ang utak ko." sagot ko at naglakad palabas ng grave yard.
Ngunit bago pa ako tuluyang makalabas ng grave yard isang lapida ang siyang pumukaw ng atensyon ko.
Francis Uriel "Franz" Salcedo Guzman
Born: October 27, 19**
Died: February 15 20**
May you now rest in peace
Kinilabutan ako sa nakita ko. It is my name, my full name. It was my birthday, same date, same month, same year. Posible kayang coincindence lang?
Paalis na sana ako ng pumasok ang isang babae na nakatakip ng buhok ang mata at napalingon siya sa gawi ko.
Nakita ko ang pagkabigla sa mga mukha niya.
"Franz, how could you stand here in front of me? I saw you died in my hands five years ago. I am so sorry if I can't do anything to protect you. You always the one who protecting me." sabi niya at bigla siyang napayuko.
I was shocked when I heard her statement. Tinitigan ko siya ngunit I did not find her familiar. Do I really met her before?
"I don't know what are you saying. I don't even know you." sabi ko and leave her dumbfounded.
"I am really felt sorry. Wag ka na uling magpakita sa akin as a ghost, Franz." sabi niya na medyo umiiyak na.
Baliw ba ang babaeng ito? Napabuntong-hininga na lang ako bago ko siya tuluyang iniwan doon.
Then I realized I don't have any memories in my past. Maliban sa kasama ko sila Zach at Arch dati at apat pang ibang bata tulad din namin. Is it possible that I am not the man who I think am I? Imposible. Nakakapagtaka.
"Nothing is impossible as long as you belive, Uriel." sabi ng isang mahiwagang tinig na tila napakafamiliar sa akin. Baka guni-guni ko na naman para lang makarinig ng ingay ang tenga ko. Ngunit imposible. Masyadong mukhang makatotohanan.
"Bahala na nga. Bahala na nga. makaalis na nga dito." sabi ko at nagtatakbo palabas ng grave yard.
Is it posible that I am not the man who I think am I? That was the question that formulates in my mind at sigurado akong hindi ako mapapayapa nito.
BINABASA MO ANG
Finding Archangels 1 (Completed)
FantasíaSimpleng choir member lang si Ariel. She live with her faith in its fullest. She worships God everyday of her life. She is not born with a golden spoon. Commoner lang kung baga. But her life will change when St. Peter talked to her. "I chose you to...