Chapter 36: The Reincarnated Angel

554 21 1
                                    

Chapter 36: The Reincarnated Angel


Ariel

Pinikit- dinilat ko ang mga mata ko ngunit hindi pa rin nagbabago ang tanawing nakikita ko. Nasaan na ba ako? Parte pa ba ito ng impyerno? Bakit puti ang lahat ng nandito? Nasaan ang mga kasamahan ko? I was about to call somebody's name nang may narinig akong tinig.

"Ariel, this is my memory. The memory of your soul." sabi ng tinig na iyon na alam kong akin pero alam kong hindi ako ang nagsalita.

Anong sabi niya? Memory of my soul?

"Alam kong hindi mo naiintindihan sa ngayon ngunit kailangan mong intindihin dahil pinuwersa kang intindihin dahil kung hindi mo ito maiintindihan at matatandaan, makukulong ka sa lugar na ito habambuhay." dugtong pa ng tinig na iyon.

Tatanungin ko pa sana kung ano ang ibig niyang sabihin ngunit naglaho na siya. Tila ba may oras lang ang paglitaw niya.

"Ariel, 5500 years ago before Christ, you was born as the lion of the God, the angel of fire." paliwanag ng isa na namang tinig na alam kong galing kay St. Peter.

Is he trying to help me to understand my situation? Anong sabi niya my soul is once an angel?

"Manood ka at subukang alalahanin ang mga sandaling ito. Ang sandali bago ka tuluyang mapatalsik sa mundo ng mga anghel. Hanggang dito lang ang kaya kong gawin dahil may kung anong elemento ang siyang pumipigil sa akin na pasukin pa ng husto ang lugar na ito." sabi ng tinig ni St. Peter at naglaho na ito.

Bumuntong-hininga ako. I should understand the situation. I don't want to disappear in this world in such this way. Muli kong ginala ang paningin ko. Puro puti pa rin ang nakikita ko ngunit pakiramdam ko ang peaceful sa lugar na ito. Ito nga marahil ang langit.

Maya-maya lang ay napansin ko ang isang babaeng anghel. Naka-pula ito. Iba sa typical na angel na puti ang kasuotan. Mayroon siyang puting mga pakpak at napakahabang pulang buhok na lagpas sa kanyang tuhod. Mayroon itong napakaamong mukha. At kahawig ko siya. Siya siguro ang kaluluwa kong nabuhay 5500 years ago before Christ. Kung ganon nga, paano siya namatay?

"Ariel, alam ko ang ginawa mo." sabi ni St. Peter na alam kong bahagi lang ng alaalang ito.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Hinanap ko sa kailaliman ng kaluluwa ko ang ala-alang ito. Nagbabakasakali akong maalala ko at mahulaan ang isasagot niya ngunit bigo ako.

Nagmano ang anghel kay St.Peter at magalang itong umiling.

"Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo. Ano po bang ginawa ko?" magalang na sabi ng angel na alam kong naguguluhan siya.

Napabuntong-hininga na lang si St. Peter.

"You interfere in Jophiel's mission again. Ang misyon mo sa lupa ay bantayan si Marisa at si Celina hindi tulungan si Jophiel na maibalik ang ganda ng fireworks na nasira dahil sa nabasa ng ulan." paliwanag ni St.Peter sa anghel.

Lumungkot ang mukha ng anghel at napayuko na lang siya ng ulo.

"Marahil ay ginaya na naman po ako ni Tempesta. Madalas niyang ginagaya ang mga kilos ko para mapagbintangan akong gumawa ng bagay na iyon." paliwanag ng anghel ng apoy na alam kong yun nga ang totoo. Nakita ko kasi sa ala-ala niya na nasa tabi lang siya ng kambal na babae at hindi kumikilos bagama't gustong-gusto niyang ayusin ang fireworks. Teka, paano ko nabasa iyon sa mga ala-ala niya?

"Nararamdaman kong nagsasabi ka naman ng totoo, Ariel. Ngunit, anong dahilan at bakit napakadali kay Tempesta na gayahin ka?" tanong ni St. Peter.

Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon