Special Chapter 2:

631 27 0
                                    

SPECIAL CHAPTER 2: Zachary Zadkiel's Perspective


Zach/Zadkiel's Perspective


"They exist and you're one of them."


"They exist and you're one of them."


"They exist and you're one of them."


"They exist and you're one of them."


"They exist and you're one of them."



Paulit-ulit na sabi sa utak ko. It's been three days since sinabi sa akin ni Ariel ang tungkol diyan pero hanggang ngayon nag-paplay pa rin siya ng paulit-ulit sa utak ko. "Zach, why are you spacing out again?" tanong sa akin ni Franz. Kanina pa kasi kami nag-uusap pero hindi ako nakikinig sa kanya. "I am listening. Ano nga ba yung sinasabi mo?" tanong ko sa kanya. Napakamot na lang siya ng ulo niya. "Bro, nung isang araw pa ang lalim ng iniisip mo. Nakabuntis ka ba ng babae?" sabi niya sa akin. Pagkasabi niya nun, kinutusan ko siya. "Kilala ako bilang womanizer pero never pa akong nagkama ng babae." paliwanag ko sa kanya. Napatango na lang siya na parang hindi naman naniniwala sa akin. Bahala nga siya. Ayaw kong nagpaliwanag sa lalaking sarado ang utak. Paalis na sana ako sa silid kung saan kami nag-uusap nang tawagin niya uli ako. "Bro, sandali lang. Hindi mo naman sinagot yung tanong ko. Ano bang problema mo?" pangungulit niya uli sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako sa kakulitan niya. "Hindi ko nga sasabihin sa iyo baka tawagin mo akong baliw." sabi ko na lang at naglakad na palayo. Totoo kayang isa akong anghel? Damn, bakit ba ako naniniwala sa kabaliwan ng babaeng iyon. Makapunta na nga lang sa bar.


Pumunta ako ng bar at uminom na lang ng beer. Hindi ko pa rin maintindihan. Kung anghel ako, bakit hindi ko magawang patawarin yung mga taong pumatay sa lalaking nag-alaga sa akin? Kung anghel ako, bakit gumagawa ako ng mga kasamaan sa mundo? Kung anghel ako, bakit nasa lupa ako at hindi sa langit? "May I sit here?" sabi sa akin ng isang lalaki na hindi ko kilala. "Umupo ka. Wala namang nakaupo diyan." sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa pag-inom ng beer ko. "Lahat ng nangyayari sa buhay natin may dahilan. This world has a lot of secrets. Minsan ang akala mong totoo, kasinungalingan pala. Hindi mo matanggap pero walang ibang paraan kundi tanggapin mo. Kahit isang case pa nang beer ang inumin mo, hindi mawawala ang problema mo. Maghanap ka ng mga clues and evidences na magpapatunay na totoo o hindi ang mga sinabi niya sa iyo." sabi ng epal na lalaki na tumabi sa akin. Nang akmang sasagutin ko na siya, bigla siyang naglaho. Epekto ba ito nang kalasingan ko? Pero hindi pa naman ako lasing ha! "Are you single? Can you flirt with me?" tanong sa akin ng isa sa mga babae rito sa bar. Nginitian ko siya ng napakatamis bago ko siya pinaghahalikan. Gagawin ko muna ang mga bagay na nakasanayan ko nang gawin. Hindi ko muna iisipin yung sinabi ni Ariel. Ang importante gawin ko muna kung ano yung alam kong dapat kong gawin. 

"They exist and you're one of them." pag-rereplay na naman sa utak ko. Napatigil ako sa paghalik sa babaeng ito. "Why are you stop kissing me?" sabi niya in her most seducing voice. Nag-wink ako sa kanya. "Babe, I am sorry. I need to go back home." sabi ko at nagmadaling umalis sa bar na iyon.


Pagdating ko sa kotse ko, napasuntok na lang ako sa manibela. Damn, ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba napakalaki nang epekto nang sinabi ni Ariel sa akin? Totoo kaya iyon? Imposible. Papaano naman iyon naging totoo? Malinaw sa akin ang mga nangyari. I can't forgive God for what happen in my past. Hindi ako isang anghel. Hindi kahit kailan. Pero paano kung anghel nga ako at peke lang ang mga ala-alang meron ako? Hindi. Napakaimposible. Imposibleng magkaroon ng isang pekeng ala-ala. Tama, hindi ako isang anghel. Isa iyong napakalaking kalokohan. Baka nga mamaya ginugood time lang ako ng empleyado kung si Ariel. Tama, ganon nga yun.


Pagkatapos ng medidation ko sa kotse, nagdrive na ako pauwi. Kung mamalasin ka nga naman, sumabog yung gulong ng kotse ko sa tapat pa mismo ng isang simbahan. Ang simbahan kung saan ako bininyagan. Ang simbahan na siyang sinusumpa ko. "Kuya, kailangan po ninyo ng tulong?" tanong sa akin ng isang batang around 7 years old. "May kilala ka bang nag-aayos or nagbebenta ng gulong? Nasabungan ng gulong yung sasakyan ko eh!" sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at tinawag niya yung kuya niya raw. Pinalitan ng kuya niya yung gulong nang kotse ko. Nagpasalamat naman ako at binigyan sila ng 1000. "Kuya, sobra naman po ito." sabi ng batang lalaki sa akin. "Kulang pa nga iyan para sa pang-isang buwan ninyong pagkain eh! Tanggapin ninyo na. Tulong ko na iyan sa inyo dahil tinulungan ninyo ako." sabi ko sa kanya. "Salamat po, kuya. Anghel po talaga kayo." sabi ng batang babae at nginitian niya ako. "Walang anuman." sabi ko sa kanila at umalis na sila. Anghel ba talaga ako?


Pag-uwi ko sa bahay, ako lang ang tao roon. Nagkulong ako sa kwarto ko. Papaano ba nila nagsasabi na anghel ako? Ako kasi hindi ako naniniwala eh! Pagpikit ko nang mga mata ko, may mga imahe akong nakita. Medyo malabo ang mga imaheng iyon pero sapat na ang labo nun para tumulo ang mga luha sa mga mata ko at makaramdam ako ng matinding kalungkutan at galit. Ang nakaraan ko. Ang pagkamatay nang pinakamahahalagang tao sa buhay ko dahil sa kahinaan ko. Ang pagkamatay ng pinakamamahal kong lolo. Nakatulog ako dahil sa kalungkutan na naman.


Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon