Chapter 34: Past and Plans

638 20 1
                                    

Chapter 34: Past and Plans

Ariel

Ilang minuto na ang lumipas simula ng magtipon kami sa dining area ngunit wala ni isa man sa amin ang nagsasalita. Puro buntong-hininga lang ni Zach ang maririnig mo.

"Hijo, bakit hindi mo sabihin sa amin kung paano ka nakapunta sa katawan ng ginoo na iyan?" panimulang tanong ng wizard kay Zach.

Bumuntong-hininga muli si Zach. Tila ba ayaw niyang pag-usapan ang nakaraan. Ako naman ay hindi makapag-isip ng matino dahil sa lumilipad ang isip ko sa kung ano ang koneksyon ni Gab at ni Zach. Bagamat ayaw ko ng isipin ang bagay na iyon ay hindi ko mapigilang mag-isip tungkol doon.

Maya-maya lang ay si Gab naman ang bumuntong-hininga. Napansin ko na napakamot na lang sa ulo ang matandang wizard at nagpasak na ng earphone si Jophiel. Mukhang walang mangyayaring matino sa usapan na ito.

"I, Archangel Gabriel, asked for your enlightenment. Let your heart speaks its story. Let your mind tells its thinking." rinig kong incant ni Archangel Gabriel at isang nakakasilaw na puting liwanag ang siyang bumalot sa lahat.

"I, Archangel Raphael, asked for the healing of your doubts. Let your worries fades away. Let your hesitations loses on you." rinig ko namang incant ni Archangel Raphael at isang green na liwanag ang siyang pumatong sa nauna nang puting liwanag.

Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng lakas ng loob para sabihin ang gusto kong sabihin. Lahat ng pag-aalinlangan ko ay biglang nawala sa isang iglap. Marahil isa na naman itong milagro ng mga archangel.

Pagkalipas lamang ng ilang minuto ay nawala na ang dalawang liwanag na iyon. Naramdaman ko na medyo gumaan din ang atmosphere.

"Thank you, Gabriel at Raphael. Iyon talaga ang kailangan ko." sabi ni Zach at nagsimula na siyang magkwento.

- FLASH BACK-

Archangel Zadkiel's POV

Andito na naman ako sa tagong silid dito sa may Archangel Zadkiel Parish Church. Isa itong simbahan na itinayo pagkatapos maanod ang lahat sa siyudad nang minsang magkaroon ng isang pagbaha dahil sa pagputol ng mga puno. Iniligtas ko ang ilan sa mga taong naninirahan dito dahil sa humingi sila ng tawad at kinailangan ang tulong ko. Ako ay nagpakita sa kasalukuyang Kura Paroko ng simbahan na ito at hiniling na magtayo siya ng simbahan na siyang magpapaalala sa tao ng pagbibigay kapatawaran ng Diyos. Pinaniniwalaan ng mga tao rito na pag ikaw ay nagkumpisal sa silid na pinagtataguan ko ngayon ay agad-agad na papatawarin ka ng Diyos sa pamamagitan ko at totoo naman iyon dahil minsan ay pumupunta ako pag may oras ako.

Teka, ano ba ang pinagdadaldal ko sa inyo? History na ng simbahan ang nasabi ko eh hindi naman iyon ang dapat kong ikukwento. Ito na nga nandito na nga ako sa paborito kong silid. Anong ginagawa ko rito? Una, tumatambay. Pangalawa, binabantayan na naman ang napakakulit na si Zachary. Simula ng napunta si Zachary dito ay napapadalas ang pagpunta ko rito sympre ako ang ginawang guardian angel ng lalaking ito. Mabait naman si Zachary kahit na medyo maloko at palangiti siyang bata bagamat parang itinapon siya ng mga magulang niya rito.

"Zach, dito ka lang ha! May kakausapin lang ako sandali." sabi ng pari na nag-aalaga sa kanya.

Tumango lang si Zach at nagpatuloy sa paglalaro. Sa katunayan, minsan na akong nagpakita sa batang ito. Yun yung araw na hindi niya matanggap na parents niya ay iniwanan siya sa lugar na ito. Tinuruan ko siyang magpatawad at nagawa naman niya iyon.

"Nandito kami para bawiin yung anak namin." sabi ng isang lalaki na nakilala kong ama ni Zachary. Agad-agad akong umalis sa kinatataguan ko dahil gusto kong makita kung ano ang magiging reaksyon ni Zachary ngayong nandito na muli ang tunay niyang pamilya.

Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon