Chapter 22: Drawing Memories
Ariel
Pagkalabas namin ng gubat, nagpahinga muna kami sa kotse bago i-drive iyon ni Josh.
"Do you feel something strange to my father?" tanong sa akin ni Josh habang nagpapahinga kami at umiinom ng kinuha niyang orange juice in can sa bahay nila.
"He is creepy. Nakakatakot siyang tumingin." sabi ko sa kanya sabay sign nang no offend.
"Masyado kasing ayaw niya sa tao and its weird." pag sang-ayon niya sa akin sabay tapon ng orange juice sa garbage can niya sa kotse.
Hindi na lang ako nagsalita at pinagpatuloy ang pag-inom ng orange juice in can na ibinigay niya kanina.
Maya-maya, pinaandar niya na ang kotse at binuksan ang radio niya para hindi masyadong tahimik sa loob. Yes, he becomes quiet after niyang itanong sa akin yung tingin ko sa father niya. Hindi ko alam kung na-offend ko ba siya o hindi. Pero sumang-ayon naman siya na ganon talaga ang tatay niya ha!
Maya-maya, narating na namin yung sinasabi niyang amusement park. The park is really big at mayroon pa itong sea side. Hindi ko alam kung nasaang parte na kami ng syudad but still I am glad that he brings me here in this place.
"Anong gusto mong gawin, kain muna o sakay sa mga rides?" tanong sa akin ni Josh.
"Uhmmm.... kain muna tayo. Nagugutom na ako." sabi ko sa kanya habang pinakikiramdaman ang tiyan ko. Passed 3:00 in the afternoon na kasi at hindi pa ako nakakapag-lunch.
"Sige, kain na tayo. Mukhang gutom na rin ako eh! I insisted that it is my treat." sabi niya sa akin at bago pa ako makaangal ay nahatak na niya ako.
Kumain kami sa isang simpleng restaurant sa loob ng amusement park na ito. Napadami ang order namin dahil sa nalipasan na talaga kami ng gutom. Buti na lang at mayaman na talaga itong si Josh kung hindi baka taga-hugas na kami ng pinggan sa restaurant.
After ng mala-halimaw naming kain ay napatawa na lang kami ni Josh. Hindi na kasi bago sa amin na kapag nalilipas ng gutom ay kumakain kami ng ganoon karami.
"Kala ko nag-diet ka na, Ariel." sabi ni Josh sa akin pagkatapos namin tumawa.
"Naka-diet nga ako kaso alam mo na mannerism ko na 'ata ang kumain ng marami kapag nalipas ng gutom eh!" sabi ko sa kanya na siyang muling nagpatawa sa kanya.
Natutuwa ako at nakikilala ko si Josh sa ganitong paraan.
After nang bilangan namin kung sino ang may pinaka-madaming nakain ay sumakay na kami ng ride. Una naming sinakyan yung Noah's Ark. Ito yung arkong parang duyan na tumataas at bumaba. After that, sumakay din kami sa roller coaster. After the roller coaster ride, sinabi ni Josh na last na raw muna yung ferris wheel tapos kakain kami ng meryenda namin sa may sea side. Dahil siya naman ang nag-aya at libre niya naman, pumayag na ako.
Pagsakay namin sa ferris wheel, inilabas niya ang sketch book at lapis niya at tumingin sa ibaba.
"Ariel, iguguhit ko ang tanawin sa ibaba nitong ferris wheel dahil nakatingin ka riyan sa itaas." sabi niya sa akin.
Ngumiti lang ako at pumayag. Alam ko kasing magaling mag-drawing si Josh. Dati nga sa Humanities class namin, siya ang nakakuha ng pinakamataas na marka ng idrawing niya ang imaheng nakita niya habang nakapikit siya. It is a beautiful golden castle na nasa itaas ay isang napakagandang rainbow. Napapaligiran rin ang kastilyo ng mga anghel na tumutugtog nang iba't- ibang instrumento. Now, I conclude that the place that he draws is the heaven.
Maya-maya, natapos na yung ride, pinakita niya sa akin ng sketch. It is really beautiful. Kitang-kita mo na napalaki nga ng lugar at ang cute ng mga tao na parang anino na lang dahil sa nasa itaas ang nagguhit nito.
"Nagustuhan mo ba?" sabi niya sa akin.
Hinampas ko siya sa may balikat. "Ang daya, ang galing mo talagang mag-drawing. Pwede bang akin na lang ito?" sabi ko sa kanya.
Inilagay niya yung hintuturo at thumb niya sa may chin niya na para bang pinag-iisipan kung ibibigay niya ba ito sa akin o hindi.
Maya-maya, kinuha niya muli yung sketch book niya sa akin at naglabas siya ng sign pen mula sa bag na dala niya. May isinulat siya na kung ano sa drawing niya at pinunit ito mula sa sketch book.
"O iyan, sa iyo na iyan. May pirma ko yan ha! Wag mong iwawala. It is the only memory that I draw just for you. Pwesto ka na roon sa may sea side bibili lang ako ng makakain natin." sabi niya sabay abot ng inisketch niya kanina. Tinulak niya ako papalapit sa may sea side bago siya nag-wave. Yung lalaking iyon hindi man lang ako tinanong kung ano yung gusto kong kainin.
Maya-maya, dumating na siya dala ang dalawang large na french fries na inorder niya sa Potato Corner at dalawang small size na Zagu Black Forest. Kinuha ko ang inalok niyang pagkain at nagpasalamat sa kanya.
Nang mag-susunset na, inilabas niya muli ang sketch book niya at lapis. Tumingin siya sa noong pababa nang araw. Nagsimula siyang gumuhit.
"Every time I saw a beautiful scene, I always draw it. Palagi ko itong naguguhit in its top view. Hindi ko alam kung saan ako nakatingin but every time I drew parang laging nasa itaas ako at iginuguhit ang larawang nakita ko. Look, andito lang ako sa tabi mo at yung scene ng magkasintahan lang ang gusto kong iguhit ngunit iba ang naging kinalabasan. Ang liit ng tao. Parang iginuhit ito mula sa malayong itaas. Palaging ganito ang naguguhit ko. Palaging ganito. I aways feel that above those clouds, I drew what I see. I always feel that above those clouds, I always watch the view. I always watch the Earth above those clouds." sabi niya habang nakatingin sa langit.
Tinignan ko ang gawa niya, oo nga't mukhang nasa itaas siya nang iguhit niya ito. Napakaganda. Wala siyang flaws. Tumingin ako sa langit. Ganito pala ang view nang sunset kapag nasa itaas ka. Napakaganda. Walang kaparis na ganda. Siguro't hinihintay ng mga anghel sa langit na makita ang mala-perpektong guhit ni archangel Jophiel. Maaaring upang mapayapa ang Diyos sa pag-iisip kung ano ang ginagawa ng tao sa Kanyang likha ay hinihiling niyang iguhit iyon ni Jophiel. Ngayon, nararamdaman ko na kung gaano Siya nangungulila sa arkanghel na nagpapakita sa Kanya kung gaano pa kaganda ang mundong inilikha Niya.
Wala akong nagawa kundi ang tapikin ang balikat niya. Bagama't wala siyang naaalala sa kanyang nakaraan, batid kong nararamdaman ng kaluluwa niya ang pangungulila.
"Pangako ko sa iyo, you will see those things above there again, Achangel Jophiel." sabi ko sa kanya. Hala! Nasabi kong siya si Archangel Jophiel! Masyado akong nadala sa sitwasyon.
Nakita kong ngumiti siya. Hinawakan niya ang mga kamay ko. Nakita ko ang dilaw na ilaw nito.
"May tiwala akong ibabalik mo ang mga nawala sa akin, Ariel." sabi niya bago siya nahimatay.
Nakita ng magkasintahan sa tabi namin ang nangyari. Tinulungan ako ng lalaki na dalhin ang kaibigan ko sa clinic ng amusement park.
Nagpasalamat ako sa kabutihan nila sa amin.
After seven minutes of waiting, nagising na si Josh. Tinanong niya sa akin kung anong nangyari. Sinabi ko sa kanya na nag-pass out siya sa sobrang stress. Sinabi niya sa akin na medyo stress niya siya lately. Sinabi ko naman na magpahinga na lang siya at ako na lang ang gagawa ng mga transaction. He insisted na kaya naman niya raw. Dahil makulit siya, pumayag na lang ko but in case na hindi niya matapos, sabihin niya lang sa akin.
After that incident, nagpasya na kaming umuwi na upang makapagpahinga siya. Tulad ng sinabi ni Mama, inihatid niya ako sa amin. I say thanks to him bago siya tuluyang mag-drive pauwi sa kanila.
Now, I have a strong will to retrieve Archangel Jophiel but before anything else I need to plan it first. Hindi birong wizard ang makakalaban namin. But either way, I believe that sooner I will retrieve Archangel Jophiel's memories and soul to that wizard.
BINABASA MO ANG
Finding Archangels 1 (Completed)
FantasySimpleng choir member lang si Ariel. She live with her faith in its fullest. She worships God everyday of her life. She is not born with a golden spoon. Commoner lang kung baga. But her life will change when St. Peter talked to her. "I chose you to...