Chapter 4: Encounter with a Friend that is an Angel?!

997 36 0
                                    


Chapter 4: Encounter with a Friend That is an Angel???

Paglabas ko ng gate nila Micah, naglalakad-lakad muna ako para makakita ng taxi na pwede kong masakyan. Magiging maayos na kaya sila? "Miss, do you want to ride?" yaya sa akin ng isang lalaking around twenties. Hindi ko siya kilala that is why I don't want to take a ride with him. "Tsk. Nakalimutan na ako." sabi nung lalaki at bumaba sa kotse niya. Pagkababa niya sa kotse niya, tinanggal niya yung shades na suot niya and replace it by a reading glasses, papaano ko nalaman na reading glasses iyon? Dahil sa reflection ng mga light rays nang sinuot niya. "Do I know you?" sabi ko dahil kung tumitig siya parang kilala niya ako. " Of course, you know me unless nagkaamnesia ka, Ariel." sabi niya. Tinitigan ko siya. I can't really remember kung saan at kailan kami nagkita ng taong ito. Narinig kong bumuntong-hininga siya. "I am your buddy during your first years in college kaso lumipat ako ng school because of the scholarship at yung school na pinag-lipatan ko is my dream school. Nagalit ka sa kin kasi iniwan kita. Sinabi ko rin na malapit na doon yung trabaho ni Papa, which is true kaya kumalma ka na at niyakap mo na lang ako." kwento niya. Inimagine ko yung kwento niya. I know him! Kilala ko na siya! "Josh!!!!" sabi ko sabay yakap sa kanya. "Ang yaman mo na ha!" biro ko. " I am actually a CPA kaya yumaman na ako. Sakay na!" pagmamayabang niyang sabi. CPA na pala siya. I am happy for him. Joshua Jophiel Jerisago is my best buddy nung first year college ako at katulad nga ng kwento niya lumipat siya ng school. Bago ako sumakay ng kotse niya, St.Peter appear. "He is the Archangel of Wisdom, he is Jophiel. I told you malapit lang ang mga anghel sa paligid mo." sabi niya. Is he the archangel Jophiel? Paano nangyari yun????? Everything becomes crazier.... I swear... Gusto ko nang matapos agad ito........!!!!!!!!!!!!!

Things become crazier. Nakakabaliw na itong mga nangyayari sa akin. "Bakit nakatulala ka? I asked you kung saan kita ihahatid?" snap-out sa akin ni Josh. "sa dati pa rin naman ako nakatira." sabi ko na lang. Nakarating na kasi si Josh sa amin. "Ganon ba! Kala ko bumukod na kayo ni Andrew." sabi niya na siyang automatikong ikinainis ko. Third year high school kami ng maging kasintahan ko si Andrew kaya hindi na nakapagtataka na alam yun ni Josh at isa pa, third year college naman ng magkahiwalay kami. "Hiwalay na kami, Josh." sabi ko sa pinakamahinahon na paraan. "Sorry! Hindi ko alam." sabi niya at tumahimik na lang. "Do you experience near death? Yung akala mo mamamatay ka na pero hindi pa pala." open-up niya. Ano ba itong sinasabi niya? "Hindi pa! Ikaw naranasan mo na ba?" tanong ko. May possibility kayang ang case niya ay katulad lang kay Raphael? "Hindi pa! Para kasing ang saya." sabi niya. Nakakainis siya!Pinaasa niya ako. Nahampas ko siya. "Wait! Mamaya mo na ako hampasin, nag-didrive kaya ako." sabi niya at tinigilan ko ang paghampas sa kanya baka maaksidente kami.

Pagdating namin sa bahay, I asked him to in pero sabi niya nahihiya raw siya. "Next time na lang uli." sabi niya at umalis na. How could that man becomes the archangel Jophiel? Only I know he believes he is the reincarnation of an angel. "And yes, it is the reality. Reincarnation nga siya ni Jophiel." sabi ni St. Peter. I am going to become crazy. Bakit iba-iba sila ng case? "Walang thrill doon, my dear. Hindi mo man lang ba itatanong kung paano siya naging reincarnation ni Jophiel?" sabi ni St. Peter na binabasa na naman ang nasa isip ko. "Papaano?" tanong ko. Nilagay niya yung hintuturo niya sa noo niya na parang nag-iisip siya. "Hindi ko alam eh! Tanong mo na lang sa kanya." sabi niya and he vanished. Nakakapikon talaga!!!!

"Bakit ka napasabunot sa buhok mo?" tanong sa akin ni Mama nang lumabas siya mula sa kusina. "Wala, mama. Nagkita nga pala kami ni Josh kanina. Mayaman na nga siya eh!" sabi ko kay Mama. Tumawa ng mahina si Mama. "Asawahin mo, para mayaman ka na rin." sabi niya na siyang ikinapula ko. Tumawa lang si Mama. Pinagtitripan ako!

Maya-maya, iniluwa ng pintuan namin sila Micah at Raphael na magkahawak kamay. Mukhang bati na ang dalawa ha! May dalang maleta si Raphael na mukhang kay Micah. Nagmano silang dalawa kay Mama at ngumiti sa akin. Raphael whispers me the word 'thank you'. "Oh! Mukhang kayo na uli ha!" sabi ni Mama. "Hindi pa, tita. We're okay but we can't be together." sabi ni Raphael na mukhang ang tinutukoy niya ay dahil hindi siya ang totoong Raphael. "At least, you're now okay! Doon din yun papunta, pinatatagal ninyo pa!" Sabi sa kanila ni Mama. "Ma, hindi pa nga kasi pwede. Saka na lang kapag nasa ayos na ang lahat." sabi ko. Micah and Raph will be together pagkatapos ng misyon ko. "Opo nga tita! At isa pa po, bata pa kami ni Raph." sabi ni Micah at napabuntong-hininga na lamang. "O siya, kakain na!" sabi niya at nagsipuntahan na kami sa kusina. One big happy family na uli kami...

Pagkatapos kumain, I ask Raphael kung sinabi niya ba yung totoo kay Micah para kasing alam niya kanina. "Hindi no! Kung sabihin ko ba, maniniwala siya! Baka nga mamaya, lalo niyang isiping niloloko ko siya. I told her na magtatapos muna ako ng medicine sa America at pagbalik ko kung mahal pa rin namin ang isa't-isa, I asked her to marry me." paliwanag niya. Kaya naman pala! "Did my cousin will know this?" tanong ko. He just nod. I am happy for them. Sana nga matapos namin ito. " By the way, what will happen if I will not return Raphael's soul in the right time ng flight mo sa America?" tanong ko. On vacation lang kasi siya rito diba. "Let God decide what will happen." sabi niya at nagpaalam na matutulog na. Napa-faithful ng mga anghel no! I wish na matapos na agad ito at maging maayos na ang lahat. I hope it will finish the way better.

Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon