Chapter 48: Wake up, Archangel Uriel

521 23 1
                                    


Chapter 48: Wake up, Archangel Uriel


Ariel

"Peace will never exist again." paulit-ulit na sabi ni Franz sa malademonyong boses.

Nakaramdam ako ng takot. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Archangel Jophiel. I don't know why I suddenly feel fear on demons o baka natatakot lang ako sa pwedeng mangyari.

"Who are you?" matapang na tanong ni Gab sabay labas ng kanyang water sword.

"Sige saktan ninyo ako. Peace will never exist forever." muling sabi ng demonyong gumagamit ng katawan ni Francis.

Kung siya ang may kontrol sa katawan ni Franz ngayon, nasaan si Archangel Uriel?

"Sino ka nga sabi?" tanong muli ni Gab na ngayon ay nakatago na ang water sword niya. Siguro ay naisip niya na pag sinaktan niya ang katawan ni Franz ay di na kailanman namin makikita ang anghel at ang tao.

Tumawa muli ang demonyo at naglabas ng isang scythe na katulad ng kamatayan.

"I am Pride. The devil inside everyone." sabi nito at itinutok sa amin ang scythe niya.

Agad na rumihestro ang takot sa buo naming sistema at wala kaming nagawa kundi lumayo sa kanya na dahilan nang pagrehistro ng isang nakakainis na ngisi sa mukha niya.

"Mas gusto ko iyang nakikita kong takot sa inyong mga mata." sabi niya pa at tumawa nang napakademonyo.

Lalong rumihestro ang takot sa mukha ko ng makita kong mukhang ako ang puntirya niya dahil sa lumalapit siya sa direksyon ko. Ano ang kailangan niya sa akin?

Dahil sa takot na alam kong kitang-kita sa mukha ko ay muli siyang ngumisi.

"Dapat ikaw ang unahin ko para tuluyan nang hindi makabalik si Uriel sa langit."sambit niya gamit ang nakakatakot niyang boses.

" Wag mong sasaktan si Ariel!" galit na sabi ni Gab na halatang pinipigilan lang ang sarili.

"Shut up!" sigaw ni Pride at nagpalabas ng kidlat sa scythe na hawak niya at tinama kay Gab.

Nakita kong napaluhod si Gab sa sakit nang pagkakakuryente niya.

Lalong rumihestro ang matinding takot sa akin na hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggal sa sistema ko lalo na't napakalapit na niya sa akin. Pinilit kong tatagan ang tuhod kong nanginginig na sa takot at dahan-dahan ko na lang na ipinikit ang aking mga mata. Narinig kong tinatawag nila ang pangalan ko ngunit may kung anong pwersa ang hindi nila kayang labanan. Totoo naman kasi, Pride is the devil inside everyone.

Handa na ako sa magiging katapusan ko ngunit ilang minuto pa'y wala pa ring sumasaksak sa akin. Napadilat ako ngunit nasilaw din ako sa gintong liwanag na mula sa akin. Ay, sa necklace ko pala.

Napasigaw sa sakit ang nagpakilalang Pride ngunit bago pa siya maubusan ng lakas ay nasigaw niya ang mga katagang lalong nagpapaalala sa akin na kailangan ko ng magmadali.

"I will come back and promise that peace will never exist again." sabi niya at hinimatay na siyang muli.

Wala pang ilang segundo ay gumising na muli si Franz. Agad na kaming umalerto. Nilabas na namin ang mga tinatago naming sandata. Marahil sindak lang ang naramdaman namin kanina.

Nakita kong kumunot ang noo ni Franz.

"Seriously guys, saan ninyo nakuha iyang mga sandata ninyo from nowhere? Please, someone explains me what happened here? Ni hindi ko matandaan kung paano ako nakarating dito." sabi ni Franz na basang-basa sa mukha niya ang labis na pagkalito.

Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon