Chapter 11: Retrieving Gabriel
Ariel
The original plan is retrieved the memories of Archangel Jophiel but unfortunately, Jophiel's fake body is unreachable. I wondering why. Since Josh is unreachable and time is limited, we are here again in the St. Luke Hospital. We are actually waiting for the arrival of Chamuel. "Pag pinaplano talaga hindi natutupad eh! Sa susunod nga hahayaan na lang natin na mangyari ang dapat mangyari. Nasaan na ba si Chamuel?" inip na sabi ni Raphael. Thirty minutes na kaming nandito sa lobby ng ospital ngunit no where to found pa rin si Chamuel. Marami pa naman akong itatanong sa kanya. Hindi niya pa kasi nasasabi sa akin kung papaano siya na-trap sa katawan ng isang DJ. "I'm sorry, I' m late. Tinapos ko pa kasi yung special task ko sa station this day eh!" paliwanag ni Chamuel sa amin pagdating na pagdating niya. "Okay lang, hindi naman boring ang atmosphere dito saka we are also waiting for Gabriel." paliwanag ko. Maya-maya lang nakakita ako ng combination of pink and green light, indicating na nagkakilala na ang dalawang arkanghel. "My cousin, Raphael." pagpapakilala ko nang personal sa pinsan ko. "You're the real Archangel Raphael, right? Paano ka naging pinsan ni Ariel?" takang tanong ni Chamuel. "I used her cousin body." maikli ngunit direkta niyang sagot. "I see. Kaluluwa mo ba ang hahanapin natin dito?" tanong ni Chamuel kay Raphael. "Hindi. Kay Gabriel." sabi ni Raphael sabay tingin sa pintuan ng hospital. Napatingin kami sa dumating. Tatlong kulay na nang ray ang nakikita ko ngayon, isang pink, isang green at isang puti. Opo, dahil sa wakas dumating na rin ang napakaearly bird na si Gabriel. "This body is from Gabriel John De Leon, one of the people who received a special gift from God. He is an spiritualist. He can travel through time, space and realms. I am sorry for waiting. Wala kasing maiiwan sa shop eh!" sabi niya na walang sinayang na oras. Nakita kong ngumiti si Chamuel. "Kung ganon, tatlo pala tayong narito." konklusyon niya. "Mali ka. Tayong pito ang natrap sa realm na ito at tayong tatlo pa lang ang nakakaalala." paliwanag ni Gabriel sa kanya. "I see. Walang nasabing ganon sa akin si Ariel." sabi niya sabay wink sa akin. I mouthed the words, 'mamaya mag-uusap tayo' and he just nod.
As usual, pumunta uli kami sa naging kwarto ni Gab dito sa hospital na ito. Buti na lang at wala pa ring nakaoccupy. "Summon my invocation para mahanap ko yung kaluluwa ng Gabriel John De Leon na sinasabi ninyo." sabi ni Chamuel. Invocation? Lahat ba ng mga archangels meron nun? Pwes, hindi ko pa na-sesearch. Ang alam ko palang ay yung kay Raphael. "Hindi ko alam eh! I am not fond of angels kasi bago nangyari ang lahat ng ito." sabi ko sa kanya. Napa buntong hininga na lang siya na siyang tinawanan naman ng dalawa ko pang archangel na nasa katawang-taong kasama. " I say it and write it down." sabi niya. Naglabas ako ng papel at pen mula sa bag ko. Buti na lang pala naisipan kong dalhin ito. Sinabi niya yung invocation niya habang sinusulat ko naman. "Get it." tanong niya sa akin. I just nod. Nagbuntong-hininga muna ako at pinakiramdaman ang pagmamahal sa puso ko.
"I, Ariel Jasmine Lee, invoke the unconditional love and light of Archangel Chamuel. Please, help me to find the lost soul of my friend, Gabriel John De Leon. Allow me to see his soul from your angelic vibration and love. I ask to experience forgiveness, self-acceptance, and unconditional self love. Thank you for helping me attract positive, kind, gentle and non-judgmental love into myself and my life... so it is!" sabi ko habang nakapikit ang mga mata ko at dinadama lahat ng pagmamahal na meron ako. "I will grant your wish." sabi niya,ang pinakahuling bagay na natandaan ko.
Chamuel
Pagkasabi ko na tutuparin ko ang kahilingan niya, pinatulog ko na siya. Bawal niya kasing makita kung paano ako naghahanap nang mga nawawala. Sa katunayan, sa lahat ng mga archangel, ako lang ang nakagagamit ng majika. Majika ang ginagamit ko sa paghahanap ng mga nawawala. Sa tulong ng Soul Vision Magic ko, nakita ko ang kaluluwa ni Gab, yung totoong may-ari nang katawan na ginagamit ng kapatid kong anghel. Nakita ko siya sa may corner ng room kung nasaan kami ngayon. Ang dami nang sugat at pasa niya sa katawan. Mukhang kagagaling niya lang sa isang matinding labanan. Mukhang pagod na pagod at gutom na gutom na rin ang kaluluwa niya. Inalayan ko siya nang dasal at kumuha ng biscuit sa bag ko. "Here. You can eat this." sabi ko sa kanya nang nalapitan ko na siya. "Salamat. Nakikita mo ako?" mahina niyang sabi sabay abot ng biscuit na nasa kamay ko. Kinain niya iyon ng mabilisan, siguro sa sobrang pagod. "Nakainvoke kasi ako bilang isang pansamantalang ganap na arkanghel ngayon kaya kita nakikita." paliwanag ko sa kanya. Akala ko magtataka siya o anuman pero walang bahid nang pagkagulat sa mukha niya. "Natalo ko na siya. Nasaan na kaya yung anghel na iyon? May pagkain ka ba diyan? Limang taon na akong hindi kumakain. Dasal na lang ang siyang bumubuhay sa akin. Tuwing may misa, pumupunta ako sa malapit na catherdal dito para magsimba. Sa ganong paraan, nakakakain kahit paano ang kaluluwa ko." sabi niya na halatang nanghihina pa rin. Galing siya sa isang laban? May posibilidad kayang si Gabriel yung tinutukoy niyang anghel? Tinignan ko yung bag ko at may nakita akong tinapay, cookies at cupcakes sa bag ko at binigay ko sa kanya. Nagpasalamat muli siya sa akin at sa langit bago niya kainin yung binigay ko. "Siya nga pala. Arkanghel ka diba?" tanong niya. Nagnod lang ako sa kanya. Maya-maya, may nilabas siya mula sa pocket niya, isang punyal. Ang silver na punyal na pagmamay-ari ni Gabriel. "Ginamit ko itong punyal na ito at napatay ko yung demonyo kaso hindi na kami nag kita ng anghel. Tumagal kasi ng isang buwan yung laban namin eh!" kwento niya sa akin. Kung ganon, siya nga si Gabriel John De Leon. Maaaring nakapagtravel siya sa lugar na pinaglalabanan ni Gabriel at ng kung sinumang demonyo ang tinutukoy niya. Since hindi bihasa si Gabriel sa pakikipaglaban, he helped Gabriel. How heroic. Hindi niya ba naisip na tao siya at demonyo ang kalaban niya? I just want to ask him several questions kaso nakatulog na siya. Ang tanong paano siya magiging visible kila Ariel? "Job well done, Chamuel. Ipaubaya mo na ito sa akin. You may rest now." sabi ni St.Peter na hindi ko alam kung saan siya nanggaling. Only I know na pagkasabi niya nun, bumalik ako sa pagiging isang normal na DJ and felt asleep.
BINABASA MO ANG
Finding Archangels 1 (Completed)
FantasySimpleng choir member lang si Ariel. She live with her faith in its fullest. She worships God everyday of her life. She is not born with a golden spoon. Commoner lang kung baga. But her life will change when St. Peter talked to her. "I chose you to...