Chapter 42: The De Sevelles' Dimension
Ariel
Lunes, October 27
"Ma, Micah! Aalis na ako." sabi ko at nagmadali ng lumabas ng bahay. Lunes na naman at kailangan kong pumasok sa trabaho ng umaga but unfortunately na-late na naman ako ng gising kaya hindi na ako nakapag-almusal.
Buti na lang at sinuswerte ako dahil nakasakay agad ako ng LRT. Agad hinahanap ng mata ko si Cham at nakita ko nga siyang kumakaway sa akin.
"Akala ko hindi ka na naman papasok eh! Dalawang linggo na kitang hindi nakikita eh!" sabi niya sa akin.
"Eh! Nagkasakit ako. Napilitan pa nga akong umuwi sa amin dahil tinarangkaso talaga ako." sabi ko at totoo iyon.
Pagkaalis ko sa simbahan na iyon ay umulan. Sakto at wala akong dalang gamit. Naglakad tuloy ako sa ulan. Pag-uwi ko sa bahay na inuupahan ko, ayun nagkasakit ako. Hindi na nga ako naka-attend ng mass eh! Tapos bigla akong tinawagan ni Gab. Nalaman niyang may sakit ako kaya pinauwi niya ako sa amin. Isang linggo din akong nilagnat nun. Hindi ko pa nga nakakalimutan yung sinabi niya,
"Ariel, you are now the reincarnation of the fire angel. Nagpapakamatay ka ba?" sabi niya nun at tumagos talaga sa akin iyon promise.
Kinuwento ko yun kay Cham at tinawan niya lang ako.
"Be thankful because of have a caring boy friend like him." komento ni Cham sa kwento ko na siyang ikinapula ng mukha ko.
Is he thinking that I have a relationship with Gab?
Narinig kong tumawa siya.
"Why are you blushing? Ang ibig ko lang namang sabihin is lalaking kaibigan. Bihira kasi sa mga lalaking mag-care sa mga babaeng hindi naman nila kasintahan." sabi niya at nahampas ko muna siya bago kami bumaba sa station na bababaan namin.
"Thank you for the day, Cham. Mamaya uli." sabi ko.
"You're always welcome. Siya nga pala, here, eat this. Masyado akong natuwa sa kwento mo at hindi ko naibigay ito sa iyo. See you, Ariel." sabi niya sabay abot sa akin ng isang pack ng cheese cake.
Nagpasalamat muli ako bago siya sumakay ng jeep.
Pagkaalis niya ay agad ko namang binuksan ang pack ng cheese cake. Kumuha ako ng isa at ipinasok ko na sa bag yung iba. Kinagatan ko ang cheese cake at napakasarap nito.
Nilabas ko ang cellphone ko at tinext si Cham. ng ganito
To: Mr. LRT
Masarap yung cheese cake. Benta ninyo na. Thanks nga pala uli dito :)
SEND
Nakangiti akong pumasok sa mga opisina.
Pagpasok ko ay agad kong natunghayan ang nakasalubong na kilay ng boss kong si Sarah.
"Alam mo bang natambakan na naman ng trabaho ang accounting department? Bakit kasi palagi ka na lang nag-leleave ng walang pasabi. Kung hindi ka lang talaga malakas kay Sir Zach eh! na-fired ka na dito." sabi niya sa akin sa pagalit na tono.
Napayuko na lang ako at nagsorry. Nahihiya rin talaga ako sa boss ko pero kasi nakasalalay sa kamay ko ang kaligtasan o katapusan ng mundo. Pero sympre hindi ko pwedeng sabihin iyon kasi baka pagkamalan akong baliw.
Maya-maya, may umangat ng mukha ko.
"Wag kang yuyuko. Hindi ko nakikita ang kagandahan mo. Ikaw naman Sarah, wag mo ngang palaging pinagagalitan itong si Ariel. Hindi naman niya kasalanan kung nagkasakit siya." sabi ni Sir Zach na siyang nagpa-walk out na lang kay Sarah.
BINABASA MO ANG
Finding Archangels 1 (Completed)
FantastikSimpleng choir member lang si Ariel. She live with her faith in its fullest. She worships God everyday of her life. She is not born with a golden spoon. Commoner lang kung baga. But her life will change when St. Peter talked to her. "I chose you to...