Meet Arch Michael De Sevelles Again
(A Same Date as Chapter 22)
Arch's POV
"Tapusin na natin ang laban nating dalawa, Arkanghel!" utos ng isang nilalang na may mala-demonyong tinig. Hindi ko alam kung paano na naman ako nakarating sa sitwasyong ito. Alam ko ay nakahiga ako sa aking kama at natutulog. Ang isa pang palaisipan sa akin ay tila alam ko ang nangyayari.
"Hindi natin pwedeng tapusin ang laban natin sa subconscious niyang katawan. Hindi mo ba naisip na pag namatay ako habang nasa katawan niya ay mamatay na rin ang katawan ito?" sabi ko sa kanya na hindi ko maintindihan kung bakit ko iyon sinabi.
"Isuko mo na lang sa akin ng katawan niya." sabi muli ng demonyo.
Ngumisi raw ako sa kanya. "Ipagpaumanhin, ngunit hindi ko ibibigay sa iyo ang sa Diyos." sinabi ko bago ako tuluyang magising.
Hindi ko alam kung panaginip lang iyon o isang ala-ala. Kung panaginip man, ang weird naman. Kung ala-ala, mas lalong weird. Makapagsimba na nga lang baka dinadalaw na naman ako ng kung anong masamang espiritu dahil hindi ako nagsisimba.
To tell you honestly, isa po akong Catholic. Bihira lang akong pumunta sa simbahan at bihara lang din akong magdasal. Kaya nga siguro ako dinedemonyo sa panaginip ay dahil hindi ako tumatawag sa Kanya. He gave me an special power that no ordinary man had but still I did not thanked Him. Siguro nga kailangan ko lang bisitahin Siya.
Dahil sakto't Linggo ngayon, pumunta ako sa St. Michael Basillica, malayo iyon sa bahay namin ngunit mas trip ko roon magsimba. Tinawagan ko yun dalawa kong kaibigan para samahan akong magsimba pero pass daw sila. Yung dalawang iyon din eh! pasaway.
Binalot ko nang blanket yung mukha ko para hindi ako makilala. I came from influential, powerful, and rich family kaya dapat safety first. Sabay kaming nagsimba ng driver ko.
Pumasok kami sa loob ng simbahan tulad ng dati naming ginagawa. Lumuhod ako at direktang tumingin sa rebulto ng isang lalaking nakapako sa krus. Nginitian ko siya at nagsimula akong nagdasal. Buti't wala pang masyadong tao dahil mamaya pa magsisimula yung next mass.
"Panginoon, alam kong nagagalit kayo sa akin dahil sa madalas kong nakakalimutan Kayo. Ngunit masisisi Ninyo po ba ako, eh! nagtatago po ako sa kanya. Alam mo na po kung sino yung tinutukoy ko. Kapag po lumalapit ako sa Inyo ay nahahanap niya ako kaya't mas minabuti ko pong ilayo ang loob sa Inyo ngunit hindi ko po pala kaya. Sa huli, lumalapit pa rin po ako sa Inyo. Hindi ko po kasi matiis na mapalayo sa Inyong kabanalan. Ama, alam ko na pong nawawala rin ang mga kapatid kong archangel. Nararamdaman ko po na nasa malapit lang sila. Gusto ko pong tulungan ang Inyong hinirang para iligtas ang mga kapatid ko ngunit wala po akong maisip na paraan. Maaari Ninyo po ba akong tulungan para matulungan siya? Ama, hindi pa rin po ako tinatantan ni Lucifer. Pati sa panaginip sinusundan niya po ako. Maaari po ba akong makahingi ng lakas sa Inyo upang mailigtas ko ang katawan ng taong ito? Pangako ko po pag ako'y nakabalik na sa trono ko't ibabalik ko na rin ang buhay niya at lahat ng kinuha ko sa kanya. Handa rin po akong tanggapin ang Inyong kaparusahan dahil sa pagnakaw ko ng katawang hindi naman po akin. Ipagpaumanhin Ninyo po't nagawa ko ang kalapastangan na iyon dahil sa wala na po akong naisip na paraan para protektahan ang katawan niya sa demonyong gustong umangkin dito. Ipagpaumanhin Ninyo po kung hindi ko ipinagkatiwala sa Inyo ang kanyang katawan. Marami na po pala akong kasalanan sa Inyo. Hindi na po ako magtataka kung palayasin Ninyo na po ako sa posisyon ko bilang pinuno ng mga arkanghel. Alam ko pong sa kabutihan Ninyo ay hindi ninyo ito gagawin subalit nag-alinlangan muli ako. Ipagpaumanhin Ninyo po. Salamat po dahil sa kabila nang lahat ng kasalanan ko sa Inyo ay hindi Ninyo pa rin ako iniiwanan. Sa kabila ng lahat ng pag-aalinlangan ko sa inyo, ako'y Iyo pa ring pinakikinggan. Bagama't iniwanan ko kayo, ako pa ri'y inyong pinagkakatiwalaan at pinoprotektahan. Maraming Salamat, Diyos ko. Maraming maraming salamat, Panginoon ko. Aleluya. Amen." tahimik kong dasal ko bilang si Archangel Michael.
BINABASA MO ANG
Finding Archangels 1 (Completed)
FantasySimpleng choir member lang si Ariel. She live with her faith in its fullest. She worships God everyday of her life. She is not born with a golden spoon. Commoner lang kung baga. But her life will change when St. Peter talked to her. "I chose you to...