Chapter 41: The Angel of Forgiveness Returning to Heaven

509 20 0
                                    

Chapter 41: The Angel of Forgiveness Returning to Heaven

Ariel

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko kasi medyo maginhawa na sa pakiramdam ang hangin. Hindi ko alam kung ilang araw na ang lumipas ngunit sigurado ako na matagal na panahon na iyon.

"Buti naman at gising ka na. Akala ko talaga napatay na kita. Patawarin mo ako Ariel. Wala talaga ako sa sarili nun." nakikiusap na sabi ni Gab sa akin.

Ah! Naalala ko na! Sinalo ko nga pala yung water wave na para sana kay Zachary. Hay, buti naman pala may nagawang maganda ang pagpapakamatay ko na iyon.

Nginitian ko siya.

"Wala yun. Hindi ko naman yun dinidibdib. Ang importante buhay ako. Nasaan nga pala si Zach?" sabi ko sabay ikot ng paningin ko sa kwartong ito.

Nakabalik na pala kami sa paraiso. Halos wala na naman akong nakita.

"Lumabas saglit. Bumili lang ng makakain. Kumusta na pakiramdam mo? Ayos ka na ba?" tanong ni Gab sa akin.

Ngumiti ako. Kung may maganda mang idinulot itong misyon na ito sa buhay ko, iyon ay nabigyan ako ng pagkakataon na kilalanin ang isang Gabriel John De Leon.

"Ayos na ako. Panigurado't si Archangel Raphael na naman ang nagpagaling sa akin." proud ko pang sabi.

Tumawa siya ng bahagya.

"I am the one who heals your wounds. I assisted Master Lorenzo to formulate a medicine that completely heals you. Masyadong malalim ang sugat at pinatawag agad ang mga archangels ni St. Peter." paliwanag ni Gab sa akin.

Napangiti na lang ako bilang response. Ngayon ko lang napatunayan na totoo ngang may soft side itong si Gab. Hindi na ako nagtataka kung bakit nagtagal sila ni Janella ng ganon. Speaking of Janella...

"Nag-uusap pa ba kayo ni Janella? Last time I check sabi mo tatapusin mo lang yung misyon mo, tapos makikipagbalikan ka." tanong ko.

Kumunot ang noo niya.

"I have civil relationship with Janella pero tingin ko.." hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil biglang nagbukas ang pinto. Iniluwa nito ang boss ko na si Zachary.

"My bad. Nagmomoment pala kayo ni Gabby. Sige, tuloy ninyo lang. Iwan ko na lang yung lugaw ni Ariel dito." sabi niya at inilapag ang dala niyang lugaw, prutas at utensils.

Nang akmang lalabas na siya ng pintuan ay pinigilan siya ni Gab.

"You already ruined the moment, Kuya. Ako na lang ang aalis 'cause you have unfinished business with Ariel. (sabay baling sa akin) Ariel, see you soon." cold niyang sabi bago siya lumabas ng pintuan ng kwarto ko.

Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Zach samantalang nagulat naman ako sa itinawag ni Gab sa kanya.

"Did he called you Kuya?" tanong ko baka kasi mali ang rinig kong sinabi niya.

"Oo naman. He used me to call that when we are still kids. Ano, tara na! Hinihintay na nila ako sa heaven." sabi ni Zach sa akin ng nakangiti.

"Pwede pagkatapos ko nang kumain ng lugaw?" biro ko sa kanya at sinakyan niya naman.

Tinulungan niya akong makain yung lugaw. Hinihipan niya ang lugaw sa tapos isususbo niya. He is so sweet in his own ways.

"Bakit ka nga pala naging womanizer?" tanong ko sa kanya habang sinusubo ko ang huling subo ng lugaw.

"Dagdag pag-rerebelde. Pagpapapansin lang kung baga. Attention-seeker kasi ako. Tara na, may pupuntahan pa tayo." matapang na sabi niya sa akin at tinulungan na akong tumayo mula sa higaan ko.

Paglabas namin sa paraiso, tumambad sa akin ang pulang sports car ni Zach. Binuksan niya ang pintuan sa katabi ng driver seat at niyaya akong pumasok sa loob. Agad ko namang sinunod ang non-verbal command niya. Pagkapasok ko, umupo na rin siya sa driver seat at tahimik na nagmaneho.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi ko rin naman kayang magtanong dahil may kung anong aura ang siyang pumipigil para gawin iyon. Buong byahe tahimik lang kami.

Maya-maya ay huminto na rin kami. huminto kami sa isang napakagandang simbahan. Kakaiba ang kulay nito dahil lila ang pintura ng simbahan. Alam ko ang simbahang ito. Ito ang Archangel Zadkiel Parish Church. Ang sinasabing himlayan ni Archangel Zadkiel dito sa lupa.

"I want to retrieve in this place. Sundan mo ako, Ariel. Hinhintay na nila tayo." sabi niya na seryoso pa rin sabay kuha ng kanang kamay ko.

Hindi na lang ako nagreklamo at nagpahatak na lang sa kanya. Isa pa, nagtataka rin kasi ako kung sino yung isa pang taong naghihintay sa amin.

Pumasok kami sa loob ng simbahan, partikular sa mga sagradong dasalan sa lugar. Ilang silid na ang aming nalagpasan ngunit hindi pa rin kami humihinto sa kakalakad. Tahimik pa rin si Zach. Sana'y narito si Arch ng sa gayon ay malaman ko kung anong tumatakbo sa isip niya.

Maya-maya lang ay tumigil kami sa pinakaloob na silid-dasalan. Lilang-lilang ang lugar. Ultimo ang bulaklak na nasa altar ay kulay lila rin.

"Maligayang pagdating. Tatlong araw na namin kayong hinihintay dito. Akala ko nga't gusto mo nang ipasama sa akin ang aking apo." bati sa amin ng isang matanda na nakaluhod sa isa sa mga dasalan sa silid. Base sa suot niya ay isa itong pari.

Nagmano si Zach dito.

"Ipagpaumanhin ninyo na po. Medyo natagalan sa paggising ang nag-iisang taong may ugnayan sa itaas." sabi ni Zach sa kanya.

"Gayon ba! O siya, Zachary, nandito na ang guardian angel mo. Pwede ninyo nang simulan ang pagpapalitan." sabi ng priest at pumasok sa loob.

Nakangiting lumapit naman sa amin si Zachary. Napakaamo ng mukha nito. Tila hindi gagawa ng kalokohan. Taliwas sa nakilala kong Zachary.

"Sa tingin ko naman, natupad na lahat ng kahilingan mo Zachary. Nakausap at nakasama mo na ang lolo mo ng matagal. Siguro naman pwede ka ng magpatawad ngayon." bilin ni Archangel Zadkiel sa kanya.

Ngumiti si Zach.

"Opo, archangel. Maraming Salamat po. Ariel, gawin mo na." sabi niya sabay baling sa direksyon ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ko gumawa ng violet na apoy na pumaligid sa amin. Unti-unti kong nararamdaman na hinihinom ng apoy na lila ang lahat ng mga negatibo kong pag-iisip at damdamin. Nang maramdaman ko na iyon, binigkas ko na ang mga salitang magbabalik sa normal ng buhay ni Zach.

"I invoke the energy of Archangel Zadkiel. I ask you to surround us in your light, forgiveness and mercy. Thank you for soften our heart that make us forgive ourselves and help support us in releasing the pain, bitterness and negativity. In those reason, your mission in Earth is already accomplished. May your soul return peacefully in heaven... and so it is!" incant ko.

Nakita kong ngumiti pa sa akin si Archangel Zadkiel at gayon din si Zach bago nilamon ng lilang apoy ang buong lugar. Hindi ito nasunog ngunit naramdaman kong nawala ang presensya ni Archangel Zadkiel sa lugar. Mukhang ang apoy na nilikha ko kanina ang siyang naging daan para bumalik si Zach sa katawan niya at mapaalis naman ang arkanghel sa lugar.

Nang malamang ganito ang nangyari, agad na hinanap ng paningin ko si Sir Zach. Nakita ko siyang nakahiga sa isa sa mga dasalan sa silid at nakapikit.

Maya-maya, lumapit sa kanya si St.Peter na mukhang galing na naman sa kung saan. He incants words na hindi ko maintindihan ngunit sapat na iyon para lalong humimbing ang tulog ng boss ko.

"Ariel, I recreate his memories. Mas mabuting hindi ka na niya makita rito. By the way, umalis na rin pala si Samuel, yung lolo ni Zach kasabay ni Zadkiel. Hindi na sila nakapagpaalam sa iyo dahil alam mo naman nakakabulag ang liwanag. Ariel, umalis ka na rito bago pa siya magising." bilin ni St. Peter sa akin at sinunod ko naman.

If St. Peter randoms his memories, nakakapagtaka nga kung makikita niya ang empleyado niya rito. Umalis ako sa simbahan ng may ngiti sa labi.

I already retrieved the fifth archangel. I only have Uriel and Michael. Is it becomes easy? 

Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon