Chapter 25: The Hidden Past of Archangel Jophiel

587 23 0
                                    


Chapter 25: The Hidden Past of Archangel Jophiel

(Ariel)

"Are you ready Ariel?" tanong sa akin ni Gab.

"As always." sabi ko sa kanya. Nginitian niya ako at inilahad ang kamay niya sa akin.

"Hold me tightly."paalala niya.

"Mag-ingat kayo. Wag kayong magpapahuli sa wizard ha!" paalala ni Archangel Chamuel sa amin. Nagnod lang kami parehas ni Gab.

Kung nagtataka kayo kung nasaan kami, narating na namin yung gubat kung saan huling nakita si Archangel Jophiel in his archangel form mga fifteen minutes ago. Ito rin ang eksaktong gubat kung saan matatagpuan angbahay ni Josh. Bumuntong- hininga muna ako bago ikutin ni Gab ang hawak niyang relo.

"This machine will help us to travel Five years, five months and fifteen days before the present time. It was the exact date where Archangel Jophiel went down to Earth to restore a paradise." paliwanag ni Gab sa akin sabay ikot ng relong hawak niya. I can't suggest something or say something dahil sa sobrang kaba ko. Nabasa ko kasi sa isang artikulo na ang pagbalik sa nakaraan ang pinakadelikadong pag-tatravel sa lahat but I can't refuse to travel dahil ito lang ang paraan to help Archangel Jophiel from retrieving.

Habang nagtatravel kami, pakiramdam ko ay inilipat ang kaluluwa ko sa isang napakalayong lugar na may posibilidad na hindi na kami makabalik. Putlang-putla ako dahil sa pakiramdam na iyon. Oo't minsan nang nahiwalay ang katawan ko sa aking kaluluwa ng dumaan kami sa purgatoryo para iligtas si Chamuel but the feeling of travelling through past is different. Para kasing kailangan hawakan ng katawan mo ang iyong kaluluwa kung hindi ay maiiwan ito sa time wrap. Putlang-putla ako sa pakiramdam na iyon. Napahawak pa nga ako ng mahigpit kay Gab eh!

"Are you okay? You looks so pale." may pag-alalang wika ni Gab sa akin ng makalapag kami sa panahon kung saan huling natagpuan si Archangel Jophiel sa kanyang Archangel form.

"Medyo. Don't mind me. I'll will be okay soon. Let us now focus on the scenario in this time." sabi ko sa kanya. Ayoko namang pumalpak kami dahil sa akin. Isa pa, ayoko na ulit mag-travel through time.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko as indication na 'everything will be okay'. Napangiti na lang ako sa simpleng sweet gesture niya na iyon. Sino bang makakapagsabi na itong quiet guy na sobrang cold at distant during our childhood days ay ganito ka-caring and ka sweet.

"I am here with you, always. Let finished this mission together. Tara, medyo lumapit tayo para mas tanaw natin kung anong mangyayari. Pakiramdam ko kasi na paparating na si Archangel Jophiel dito." sabi ni Gab sa akin na siyang tuluyang nagpakalma ng sistema ko.

Maya-maya lang ay binuhos na niya sa amin yung invisible potion na binigay ni Arch sa simbahan.

Suddenly, a blinding yellow light appears from the above. It is the indication that Archangel Jophiel is now here.

Third Person POV

Bumaba ang arkanghel mula sa langit sa anyo ng isang nakakasilaw na golden yellow na liwanag. Pagkawala ng liwanag ay iniluwa nito ang isang napakisig ng arkanghel na kapansin-pansin ang pagiging palaayos sa sarili at may pagkamahinhin kumilos kaya't nagpapagkakamalan na isang babae.

Napabuntong-hininga ito ng makita ang paligid. Ang nasabing lugar ay noong nakaraang taon ay isang napakagandang kagubatan na minsan niyang naiguhit. Ngunit tila isang taon lang ang lumipas ay nasira na agad ito. Kalbo na ang dating mabulaklak na gubat. Kung mayroon mang puno rito ay puro puno ng balete at hindi nakakaenganyong tignan. Wala na rin ang mga taong naglalakad sa kagubatan at namamangha sa kanyang kagandahan dahil siguro sa paniniwalang masasamang espirito na ang naninirahan dito. Wala na rin sa lugar ang statue ng isang anghel na naglalabas ng tubig upang makalikha ng isang artificial na falls. Nasunog na rin ang simbahan na nakatayo sa gitna ng gubat na noo'y napapaligiran ng iba't- ibang klaseng bulaklak na ginagamit sa prusisyon.

Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon