Chapter 52: The Realm of Heaven

497 26 0
                                    


Author's Note:

       The description of heaven here is fully based on my imagination. No basis.


Chapter 52: The Realm of Heaven


Third Person


Sa pagbukas pa lamang ng pintuan ng kaharian ng langit, maririnig mo na ang naggagandahang boses ng mga anghel na tumutugtog ng kanilang trumpeta. Tila sila choir na sabay-sabay sa pagkanta at pagtugtog. Nakahilera sila sa may gilid ng pintuan upang salubungin ang mga panauhin na papasok rito.

Maya-maya lang ay pasamantalang tumigil ang mga anghel sa pagtugtog para tignan kung sino ang dumating.

Nang mapansing ang mga arkanghel kasama ang dating anghel na si Ariel at dalawang hindi pamilyar na tao ang dumating ay agad na binaba ng mga anghel ang tinutugtog nilang instrumento at iniyuko ang kanilang ulo upang magbigay galang sa mga dumating.

Sinuklian naman ng isa ring pagyuko ng ulo ng mga arkanghel ang mga tumutugtog na anghel kanina at binigyan din sila ng isang napakagandang ngiti.

Ginaya nila Ariel ang ginawa ng mga arkanghel para magbigay ng kanilang pasasalamat sa mainit na pagsalubong.

Pagkatapos nun ay nagpatuloy silang lahat sa pagpasok sa nasabing kaharian.

Ang kaharian ng langit na ata ang pinakamagandang kaharian sa lahat. Ang iyong tinutungtungan ay napakaputing ulap. Pag tumingin ka sa itaas, makikita mo ang asul na kalangitan na mayroong iilang bituin kahit na umaga palang. Nakapalibot sa buong lugar ang isang napakaganda at napakahabang hagdanan na paakyat sa mas magandang bahagi ng langit.

Halata ang pagkamangha sa mga mukha ni Gab at Zach sa nakitang kagandahan ng langit.

"Kung ganito rin naman kaganda ang magiging tahanan ko kapag namatay na ako, aba, mas gugustuhin ko pang mamatay na rito ngayon din." may pangloloko na sabi ni Zach na bahagyang tinawanan naman ng lahat.

Sa tinuran ni Zach na iyon ay nakatanggap siya ng isang malakas na kutos mula kay Gab.

"Masaya ako't nakahanap ka ng mga kaibigan na tulad nila, Ariel nang piliin mong umalis sa langit." sabi ng isang anghel kay Ariel mula sa likuran.

Hinarap ni Ariel ang anghel na nagsalita. Ito pala si Seraphiel, isa sa mga anghel na minsan niyang naging kaibigan noong anghel pa siya.

Nginitian ni Ariel si Seraphiel ng isang napakagandang ngiti.

"Napakabuti Niya sa akin at pinagkaloob sila sa akin." tugon ni Ariel sa kasamahan.

Napangiti naman si Seraphiel sa dating kasamahan at inilahad ang kamay niya rito.

"Ariel, maaari ka ba munang sumama sa akin kahit sandali? Mag-usap muna tayo." yaya ni Seraphiel sa kanya.

Napatingin si Ariel sa gawi ni Archangel Michael na abala sa pakipag-usap sa iba pang anghel na nasa ilalim niya.

'Mukhang busy pa siya. Pwede naman siguro na kausapin ko sandali si Seraphiel.' banggit ni Ariel sa sarili.

Tatanggapin na sana ni Ariel ang nakalahad na kamay ni Seraphiel ng bigla siyang hatakin ni Gab.

Yumuko si Gab bilang pagbigay galang kay Seraphiel bago niya tuluyang inilayo si Ariel sa anghel. Napailing-iling si Seraphiel sa nakitang scenario at naisip na bago na lang sila Ariel umalis sa langit niya kakausapin ang dating anghel.

"Bakit mo ako hinatak?" tanong ni Ariel kay Gab makaraan ng pagkalayo nila kay Seraphiel.

"Ipagpaumanhin mo, Ariel. Kailangan na kasi ikaw doon." sabi ni Gab sabay turo kila Zach na kasalukuyang umaakyat sa isang napakataas na gintong hagdanan.

Tila natauhan si Ariel ng makita niya sila Zach na tinutunton ang napakahabang daanan na iyon. Nakalimutan niya kasi sandali na ang pakay nila sa langit ay ang ibalik sa wastong kondisyon si Archangel Michael.

Napakamot si Ariel sa kanyang batok sa realization na iyon.

"Oo nga pala't nandito tayo para ibalik na ang kaluluwa ni Arch sa kanyang katawan. Tara na sundan na natin sila." sabi ni Ariel kay Gab at hinatak sa may pulsuhan ang binata.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay kanina pa sila pinagmamasdan ni Archangel Gabriel at Archangel Jophiel na nasa itaas na ng hagdanang inaakyat palang nila Archangel Zadkiel, Archangel Uriel at Zach.

Si Archangel Michael naman ay nakikipag-usap pa sa mga anghel at mukhang wala pang balak umalis doon nang bigla siyang pakaramdam mg panghihina na nagpapatunay na nasa katawan pa rin siya ni Arch.

Kaagad na nagpaalam si Archangel Michael sa mga kausap na anghel at mabilisang tinungo ang lugar na tinutunton pa lang nila Ariel.

Pagkatapos ng nakapapagod na paglalakad sa napakahabang hagdanan na iyon, natunton rin nila ang isang palapag sa kalangitan na mayroong isang napakalaking pilak na pintuan na may nakasulat na mga letrang hindi nakikilala ang pinagmulang alpabeto. Mula sa pilak na pintuang iyon, iniluwa sila Archangel Gabriel, Jophiel, Raphael at Chamuel na nakangiti sa mga bagong dating na sila Archangel Uriel at Zadkiel at Zach.

Maya-maya pa dumating na rin Ariel habang hawak pa rin sa pulsuhan si Gab. Sinalubong naman sila ng ngising nanloloko nila Archangel Gabriel at Jophiel bago tuluyang binitawan ni Ariel ang pulsuhan ni Gab.

Tumikhim naman si Archangel Michael pagkarating niya sa palapag na iyon.

Muli ay makikita ang napakagandang kombinasyon ng puti, asul, berde, pink, purple, violet, at dilaw na liwanag sa paligid nila Ariel. Bumuo pa nga ito ng isang napakagandang bahaghari sa itaas ng napakagandang kalangitan ng langit. Isang napakagandang bahaghari na sa kaharian lamang ng langit matatagpuan.

Sa palapag na kinaroroonan nila Ariel ngayon ay mayroon pa ring nakapalibot na gintong hagdanan na tila walang katapusan. Medyo mataas ang ulap na tinutungtungan nila at nakaharap sila sa isang nakabukas na pilak na pintuan na pinanggalingan ng apat na nabanggit na arkanghel kanina.

"Bakit hindi pa kayo pumasok sa loob? Kanina pa nagising si Arch at hinihintay na niya ang pagdating ninyo." pagbibigay alam ni Archangel Gabriel sa lahat ng nasa labas ng pintuan na iyon at binigyan ng daanan papasok ang mga bagong dating.

Bumuntong-hininga muna si Ariel bago itinapak ang paa papasok sa pintuan na iyon. Papasok sa trono ng mga arkanghel. Papalapit kay Arch De Sevelles. Papalapit sa pagtatapos ng kanyang unang misyon, ang pabalikin sa langit ang pitong arkanghel.

Pinikit muna ni Ariel ang mga mata pagkapasok sa silid na iyon at sa pagdilat nito tumambad sa kanya ang isang nakamamanghang trono ng mga arkanghel na sa kauna-unahang pagkakataon bilang dating anghel ay muli niyang napagmasdan.

Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon