Chapter 8: Gaining the Memories of Archangel Gabriel (Part 2)

899 30 1
                                    

Chapter 8: Gaining the Memories of Archangel Gabriel (PART 2)


Ariel

Three hours after mahimatay ni Gabriel, hindi pa rin siya nagigising. He is still unconscious. Wala namang nakakaalam kung bakit. Dahil sa nangyari, napostpone yung bible reading namin. Imbis na bible reading. nag-prayer meeting na lang kami. May nagsabing nasapian daw si Gab. Yung iba naman stress dahil sa break-up nila ni Janella. Pero ang mas pinaniniwalaan ko ang sinabi ni Jack, "Pag si Archangel Gabriel talaga ang usapan, hinihimatay yang si Gab." Ganon ba kalakas ang demonyong nakaharap ni Archangel Gabriel at ganon na lang mag-react ang katawan niya? "I can't heal him." sabi nitong katabi ko. Sino pa ba eh! di ang pinsan kong angel of healing. Pauulit-ulit na niyang sinabi iyan at naririndi na ako. Pero alam ko namang nag-aalala lang siya. Si Raphael nga pala ang nagbuhat kay Gab dito sa clinic ng St. Gabriel Basillica. Pagkatapos nga ng prayer meeting, dumiretso agad kami sa clinic kung saan nakahiga si Gab at hindi pa rin siya nagigising.


Hapon na... Nagsimula na kami ng bible reading. Bawat verses na binabasa namin sinusundan namin ng dasal. At kada natatapos yung isang verses, binabantayan ng isa sa amin si Gab. Naka-limang verses na kami pero wala pa ring nasasabing nagising na siya. Maggagabi na rin at mukhang bukas na ang gising niya. "Ariel, ikaw na yung nakaturn na mag-babantay kay Gab." sabi ni Kuya Joseph. Binigkas ko yung next verse saka yung next prayer tapos umalis na para puntahan si Gab.



Pagdating ko sa clinic, as usual tulog pa rin siya. Walang nurses or doctors na makapagsabi nang kung anong nangyari sa kanya kaya hinahayaan na lang siya si clinic at pinababantay na lang sa amin. After hour, pagbalik na sana ako sa kwarto nang marinig kong tinawag ni Gab ang pangalan ko. "Ariel." sabi niya. Bumalik ako sa may tabi niya at nakita kong unti-unti niyang binukasan ang mga mata niya. "Okay ka na?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko alam. I feel emptiness. Lalo na't may napanaginipan ako." sabi niya sa akin. Yung cold aura niya dati napalitan ng loneliness aura. Sa mga mata niya, makikita mo ang kalungkutan at pangungulila. Kawawang anghel. Pero anong sabi niya, may napanaginipan daw siya? Ano naman yun? "Ano yun?" tanong ko out of my curiosity. "Secret. Baka pagtawanan mo ako eh!" sabi niya. "Hindi kita pagtatawanan. You may trust my words." sabi ko at binigyan siya ng isang napatamis na ngiti ko. " Medyo malabo yung faces! Ang alam ko lang may anghel, may demonyo, at may kaluluwa." panimula niya. Umayos ako ng pagkakaupo. Nakalimutan ko na ngang bumalik sa bible reading room at sabihin yung balita. I need to listen to Gabriel now. "Tapos, anong ginagawa ng anghel, ng demonyo at ng kaluluwa?" curious kong tanong. Napatawa ng mahina si Gab. Masyado ba akong curious? "Yung kaluluwa nakatingin lang sa naglalabang anghel at demonyo. Tapos, biglang nahulog yung anghel sa isang portal. Nagulat yung demonyo. Tapos yung kaluluwa nagtago." sabi niya. Was it his memories as an archangel? "Ang weird diba! Sa atin na lang yun ha!" sabi niya. "Sige." sabi ko.



"EHEM! Kaya pala hindi na nakabalik." sabi ni Joy. "May pinag-usapan lang kami." depensa ko. Nakita kong napatawa ng konti si Raphael at yung iba pa naming kasama. "Tama na yung daldalan. Bumalik na lang tayo sa retreat house. Bukas ayusin yung mga sarili ninyo. Tuloy tayo sa MIRACLE ROOM." sabi ng organizer nang retreat namin. Ang Miracle room ay ang kwarto kung saan nakalagay lahat ng mga detalye tungkol kay Archangel Gabriel nang minsang bumaba siya sa langit. Nag-opo, sir kaming lahat at bumalik na sa mga kwarto namin sa retreat house. Bago ako pumasok sa kwarto namin sa retreat house, tinignan ko muna si Gab. Nag-thumbs up siya at nagsabing 'he will be okay'. Sana hindi siya atakihin ng sumpa bukas. "Desidido na talaga siyang malaman kung sino siya Ariel. Nababasa ko yun sa mga mata niya. Sana makakaalala na siya bukas." bulong ni Raphael sa akin. "Oo, Raphael. Sigurado akong makakaalala siya bukas." panigurado ko sa kanya. Ngumiti siya ng pagkakatamis-tamis sa akin. Magiging masaya ka rin, Raphael. "Pag nakaalala na siya, hahanapin natin yung kaluluwa ng pinsan ko at makakabalik na kayo sa tahanan ninyo." pangako ko kay Raphael. "Hindi kami babalik sa langit hanggang hindi namin kasama yung iba." sabi ni Raphael. Ang selfless ng mga anghel. Ngumiti na lang ako bilang sagot. Sana nga matapos na itong misyon ko. Hindi para bumalik ang buhay ko sa normal kundi para maging maayos na ang lahat sa tamang lugar. Nakatulog ako na may ngiti sa mga labi.

Finding Archangels 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon