Special Chapter 3: Arch De Sevelles' Story
Arch's Perspective
"Arkanghel, akin lang ang kaluluwa ng huwad na diyos na ito." sabi ng isang nakakatakot na boses.
Hindi ko matandaan ano ang eksenang ito pero pakiramdam ko bahagi ako ng sitwasyong ito.
"Sa tingin mo kaya mo ako?" pagmamayabang ko raw na sabi.
Hindi ko matandaan kung nangyari na ba ito dati o panaginip ko lang...
Narinig kong tumawa nang malakas yung nakakatakot na nilalang na may nakakatakot na boses. "Bakit sa tingin mo ba hindi kita kaya?" sabi niya at tumawa ng parang demonyo.
Doon sila nag tagisan ng lakas. Espada sa espada. Majika sa majika.
Nararamdaman ko lahat ng sakit na nararanasan ko sa panaginip na ito este bangungot pala.
Hindi ako pwedeng matalo. Kailangan manalo ako.
"Arch, gising." gising sa akin ni Franz at niyuyugyog niya ako. Alam kong natutulog lang ako pero bakit hindi ako magising. Bakit parang gusto kong manatili sa panaginip na ito?
"Arch! Arch!" gising pa sa akin ni Franz at binuhusan ako ng tubig. Nararamdaman ko ang pagbuhos niya sa akin ng tubig pero hindi pa rin ako matinag.
"Kalabanin mo ako, Arkanghel." hamon sa akin ng nakakatakot na nilalang.
"Hindi kita aatrasan." sabi ko at hinataw siya ng hawak kong gintong espada na hindi ko alam kung saan ko nakuha.
"Tapusin na natin ito." sabi niya pa at sumang-ayon naman ako.
Nagpalakasan kami ng sandata... ngunit nang masusugatan na niya ako, kusa akong gumising.
Hingal na hingal ako paggising ko. Pakiramdam ko tunay na nangyayari sa akin ang mga pangyayari sa panaginip ko. Palagi na lang nangyayari ito sa akin simula nang gumising ako sa pagkacoma ko at magkaamnesia.
Chineck-up ko ang sarili ko. May natamo akong mga sugat na alam kong nakuha ko mula sa laban namin ng isang nakakatakot na nilalang sa panaginip ko. Paano ito nangyari?
"Bro, akala ko mawawala ka na sa akin eh!" pagdadrama ni Franz sa akin.
Binatukan ko siya. "Baliw ka talaga! Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko? Diba sinabi ko nang bawal akong puntahan sa kwarto!" panenermon ko sa kanya.
"Masakit yung pagkabatok mo ha! Nakalimutan mo na ba na may business trip tayong tatlo nila Zach? Kaya kita pinasok dito kasi malalate na tayo." sabi niya sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang nakalimutan ko na nga ang bagay na iyon.
"Ganon ba! Hintayin mo na lang ako sa baba. Maaayos na ako." sabi ko sa kanya.
He just sigh in defeat tapos bumaba na.
Sa katunayan niyan, ayoko talagang maiwan mag-isa. Hindi dahil sa takot ako mag-isa kundi dahil feeling ko sinusubay-bayan ako ng isang nakakatakot na nilalang, yung nilalang na nakikita ko sa panaginip ko.
Pagkatapos ko maayos, binaba ko na si Uriel. Mukhang inip na inip naman ang loko. Paano ko nasabi? Binasag niya lang naman ang limang vase na walang bulaklak. Ayaw talaga ng katahimikan ng lokong yan.
"Nagbasag ka na naman ng vase!!! Dapat nagbukas ka na lang ng TV." sabi ko sa kanya.
"Nabored ako sa palabas eh! kaya binasag ko na lang yung vase ninyo." sabi niya sa akin na nakangiti pa ng nakakaloko. Baliw talaga ang isang 'to. Paano ko ba natiis ang taong tulad niya?
BINABASA MO ANG
Finding Archangels 1 (Completed)
FantasySimpleng choir member lang si Ariel. She live with her faith in its fullest. She worships God everyday of her life. She is not born with a golden spoon. Commoner lang kung baga. But her life will change when St. Peter talked to her. "I chose you to...