MOMMY

7.9K 148 43
                                    

"Kenji! Maghiwalay na lang tayong dalawa! Lagi na lang ganito. Sawang sawa na ko sa ganitong buhay!"

Biglang sinampal ni Kenji si Athena.

"Ganyan ka naman Kenji. Kapag wala ka ng masabi, ang alam mo lang gawin ay ang saktan ako. Patayin mo na lang ako!"

At sinakal ni Kenji si Athena.

"Kenji tama na. Hindi na ko makahingaaaaaa....Ken.....ji"

At unti unti ng hindi nakahinga si Athena.

Hanggang sa mamatay ito.

Sobrang nagsisi si Kenji dahil sa nagawa niya kay Athena.

Lalo pa at alam niyang meron silang mga anak na kailangan rin si Athena.

Sa takot ay inilibing niya ito sa likod ng kanilang bahay.

Itatago niya sa mga anak ang nangyari.

Lumipas ang ilang araw at hindi mapalagay si Kenji.

Tila nakokonsensiya siya sa ginawa.

At gusto na niyang sabihin sa mga anak ang nangyari.

Alam niyang mahirap at magagalit sakaniya ang mga anak at di niya alam kung mapapatawad pa siya ng mga ito pero kailangan nilang malaman.

Habang nasa sala ang mga anak ay nilapitan niya ang mga ito.

"Mga anak, meron sana kong gustong sabihin sainyo." ang sabi ni Kenji.

"Daddy? Ano yun?" nagtatakang tanong ng mga anak niya.

"Kasi anak. Ang mommy niyo..."

"Daddy, ako rin meron sana itatanong at sasabihin sayo." may pagtataka na sabi ng kanyang anak na si Kevin.

"Ano yun anak?" sagot naman ni Kenji.

"Kasi daddy, ilang araw na namin napapansin, bakit ang sweet sweet niyo ata ngayon ni mommy? BAKIT LAGI PO SIYANG NAKAPASAN SA LIKOD NIYO?"

---

Pa vote at pa follow naman po. Thank you :*

TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon