ANG NAKASULAT SA PADER

2.3K 62 9
                                    

Tulog na tulog si Jul sa kwarto niya.


Hanggang sa may marinig siya na mga footsteps sa labas ng kwarto niya.


Papunta yun mga yabag ng paa sa kwarto niya.


Bumukas ng kaunti yun pintuan niya.


Hanggang sa may nakita siyang lalaki.


Dala dala yun mama at papa niya.


Duguan.


Patay na.


Takot na takot man ay nagpanggap na tulog si Jul para hindi malaman ng lalaking pumatay na alam na niya ang nangyari.


Pagkatapos ng lalaking pumapatay na maiayos ang bangkay ng mga magulang ni Jul.


Pumasok ito sa kwarto ni Jul.


Kumakanta kanta ito habang may isinusulat sa pader ng kwarto ni Jul.


Palingon lingon ito kay Jul.


Buti na lang at madilim sa kwarto niya at di mapapansin ng lalaking pumapatay na gising siya.


Pagkatapos magsulat sa pader ng lalaking pumapatay.


Pumunta ito sa ilalim ng kama ni Jul at nagtago doon.


Takot na takot si Jul.


Hindi niya alam ang gagawin niya.


Inaaninag niya kung ano ang sinulat ng lalaking pumapatay sa kwarto niya pero hindi niya yun makita dahil masyadong madilim.


Lumipas ang isang oras..


Nararamdaman niya sa ilalim ng kama niya ang paghinga ng lalaking pumatay sa magulang niya.


At dahil sa tagal na sa dilim,


unti unti ng nasasanay ang mata niya sa dilim.


Unti unti na niyang nakikita at nababasa ang sinulat ng lalaking pumatay sa magulang niya ang nakasulat sa pader.


Nanlaki ang mata ni Jul.


Ang nakasulat sa pader ay...


ALAM KONG GISING KA.


Hanggang sa unti unti na niyang naramdaman na may mahapdi sa sikmura niya.

---

Pa vote naman po.

Thank you :*

TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon