Happy new year everyone!
Sorry natagalan bago nakapag update ulit.
Please don't forget to vote and comment.
Thanks! :*
---
Ngayon ang first day ko sa trabaho.
Natanggap ako na curator sa isang kilalang museum.
Sa unang araw ko ay na assign ako na mag fix ng isang bagong dating na lumang painting.
Nakalagay pa ito sa kahon at dinala ko sa aking opisina.
Naabutan ko dun ang isang kasama ko sa trabaho na si Harold.
"Clark, lalabas lang ako saglit ha? Ikaw na muna ang bahala dyan sa pagtanggal sa kahon ng painting. Babalik din ako agad."
"Sige Harold."
Pag alis ni Harold ay kumuha ko ng kutsilyo para mabuksan ang kahon kung nasaan ang painting.
Pag angat ko ng painting ay may napansin ako na naiwan sa kahon.
Meron akong nakitang isang tape.
Luma na ang tape na iyon. Pang museum talaga. Pero hindi ko alam kung gumagana pa yon.
Dahil sa kuryusidad, nilagay ko ang tape sa casette para pakinggan kung ano ang laman nito.
Pag pindot ko sa Play Button ng Casette ay biglang kinilabutan ang buong katawan ko.
Ang laman ng tape na iyon ay sigawan ng mga babae at lalaki na humihingi ng tulong. Tapos may nadidinig ako na mga taong tumatawa na parang tawa ng demonyo. Habang may nadidinig akong tunog ng mga bakal na parang ipinapasok sa laman ng taong sigaw ng sigaw na sobrang nasasaktan.
"Tamaaaaaaaa naaaaaaaaaaa! Maawa kaaaaaaaa!" sigaw ng isang babae.
"Oh Diyos ko patayin mo na lang ako. Para di ko na maranasan to! Ahhhhhhhhhhh!" sigaw ng isang lalaki.
Gusto ko na i-off ang casette pero parang tila napako na ko sa kinatatayuan ko.
"Tuuuuuu...lungan... mo kami!!!!!" nadinig ko na parang nangagaling yun sa aking likuran.
Agad agad ko pinindot and stop button at takbo ko palabas ng aking opisina.
Nakasalubong ko si Harold na kakabalik lang galing sa labas.
"Oh pare bakit parang takot na takot ka?" tanong sakin ni Harold.
"Kasi pare, yung painting, nung natanggal ko sa kahon, may nakita ko na tape. Pagkatapos nilagay ko sa casette at pinakinggan ko kung ano yun." sagot ko kay Harold na hinihingal pa.
"Ano yun laman ng tape?"
"Mga sigawan at iyakan pare ng babae at lalaki na humihingi ng tulong. Tapos may nadidinig ako na mga tao na tawa ng tawa. Mga tinotorture sila." pagpapaliwanag ko kay Harold.
"Maniniwala ka ba sakin kung sasabihin ko na dating torture chamber ang museum na to?" seryosong sabi sakin ni Harold.
"Alam mo ba na dito daw dinadala yung mga taong kumakalaban sa gobyerno noon para torturin? Tapos ay nirerecord nila ang mga palahaw at iyak ng mga taong yun habang tinotorture nila." dagdag na paliwanag sakin ni Harold.
"Pare di na ko papasok bukas." ang sabi ko kay Harold. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. Sobrang takot na takot ako na hanggang ngayon ay nadidinig ko pa sa isip ko yung mga iyak at sigaw na nadinig ko kanina sa tape.
"Teka pare? Asaan ba yung tape na sinasabi mo?" tanong sakin ni Harold.
"Andun pare sa opisina ko."sagot ko kay Harold.
Hindi na ko sumama pa kay Harold na bumalik sa opisina ko.
Pagbalik ni Harold ay kunot noo siyang lumapit sakin.
"Pare eto ba yung casette tape na sinasabi mo?" tanong ni Harold sa akin.
"Oo pare yan nga." sagot ko kay Harold.
"Pare, hindi maaari. Imposible.." sagot sakin ni Harold.
"Bakit imposible pare?" sagot ko kay Harold na sobra ng kinakabahan.
"PARE SIRA YUNG CASETTE PLAYER SA OPISINA MO. KAYA PAANONG GAGANA TONG CASETTE TAPE NA SINASABI MO?" ang sagot ni Harold sakin...

BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
УжасыMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)