GOING DOWN

4.2K 96 9
                                    


Late na pala.

Nag overtime na naman kasi ako sa trabaho.

Halos mag 12 midnight na.

Nagmadali agad akong pumara ng taxi sa labas ng buiding namin kasi gutom na rin ako.

Sa wakas nakarating na rin ako sa apartment building namin.

Ako na lang halos mag isa dito sa building.

Kumain siguro sa labas saglit yung guard.

Pumunta na agad ako sa elevator para maka akyat na ko sa kwarto ko at makapag pahinga.

After a few minutes sa wakas bumukas na yun elevator.

Pero pag bukas ng elevator bigla akong naguluhan?

Puno kasi yung elevator kahit na late na oras na.

Halos iba ibang tao.

May matanda, may bata, merong mga parang highschool at college student pa.

Medyo nagulat ako kaya hindi ako halos nakapag salita agad.

Tinanong ako nung isa sa mga babae na nasa loob ng elevator.

"Bababa kami...

Bababa ka rin ba?...

Ano? Sasakay ka ba o hindi?..."

Sunod sunod na tanong sakin ng babae.

Umiling lang ako sabay sabi na hihintayin ko na lang yung susunod na elevator kasi medyo puno na.

Unti unti ng sumara yun elevator.

Pagkasara ng elevator hindi pa rin matigil yung panginginig ng katawan ko.

Pawis na pawis ako tapos namumutla ako.

KASI WALANG BASEMENT YUNG BUILDING NG APARTMENT KO.


---


PA VOTE NAMAN PO. :)


THANK YOU!

TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon