May isang lalaki na pumasok sa isang punerarya.
Tinanong agad siya ng nagtitinda ng kabaong kung ano ang kailangan niya.
"Gusto ko sana kayo ang mag ayos sa burol ng asawa ko.
Gusto ko gawin niyong maganda at maayos ang burol niya, pati ang pag aayos sa kaniya."
"Gusto ko yung parang natutulog lang siya."
Tumango lang ang nagtitinda ng kabaong sa punerarya.
"Masusunod po sir, anong kabaong po pala ang gusto niyong gamitin para sa asawa niyo?
Pwede na po kayong mamili." Ang sabi ng nagtitinda ng kabaong.
"Gusto ko yung pinakamahal na kabaong ang gagamitin ng asawa ko.
Gawin niyo sa kaniya yung pinakamahal na serbisyo niyo.
Magbabayad ako kahit na magkano.
Kasi gusto ko lahat ng maranasan niya hanggang sa huling sandali ng buhay niya
yung best kasi deserve niya yun." Sabi ng lalaki.
Napangiti ang nagtitinda ng kabaong.
Naisip niya na sobrang swerte ng asawa ng lalaki na namatay.
...
Pagkatapos mag usap at magbayad ng asawang lalaki, bago ito umalis ay tinanong siya ng tindero ng kabaong.
"Sir kelan po pala namin pwede kunin yung bangkay ng asawa niyo? Para po masimulan na namin ayusin lahat lahat?" Ang tanong ng tindero.
"BUHAY PA SIYA EH. KUNIN NIYO NA LANG MAMAYANG GABI." Ang sagot ng asawang lalaki at tsaka umalis.
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
HorrorMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)