Hello bunso.
Dedicated sayo tong story na to. :)
Sa mga gusto na maging character din, comment o PM niyo lang ako.
Wag niyo po kakalimutan na mag vote.
Thank you!
---
Lumaki si Jerica na nakukuha niya lahat ng gusto niya.
Nag iisa lang kasi siyang anak kaya binibigay sa kaniya lahat ng magulang niya.
Gusto ni Jerica ng aso, kaya binigyan siya ng magulang niya ng isang cute, maganda at mamahaling aso.
Ngunit pagkatapos ng isang linggo, kinagat si Jerica ng aso at inayawan na niya ito.
Dahil dun, pinatay ito ng mga magulang niya.
---
Gusto ni Jerica ng dress na katulad ng sa mga classmate niya.
Kaya ibinili siya ng magulang niya ng mga dress na mas maganda at mas mahal kesa sa mga dress ng kaklase niya.
Pero pagkatapos ng ilang buwan, hindi na ito uso.
Kaya itinapon na ito ng kanyang mga magulang sa fireplace at sinunog.
---
Gusto ni Jerica na magkaroon ng playground ng katulad sa Park nila.
Kaya agad agad na nagpatayo ang mga magulang niya ng playground katulad sa park sa bahay nila.
Ang saya saya ni Jerica.
Pero ng lumaki na si Jerica, ayaw na niya sa playground.
Kaya pinademolished na yun ng mga magulang niya at ipinagawang hukay.
---
Hanggang sa nagkaroon siya ng bagong kapatid.
Ayaw ni Jerica sa bago niyang kapatid.
Pero sabi ng magulang niya, hindi nila pwedeng patayin ito, itapon sa fireplace at sunugin at pagkatapos ay itapon sa hukay.
At dahil ayaw ng mga magulang niya?
SI JERICA NA LANG ANG GUMAWA...
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
HorrorMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)