Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

ANG LASON

2.4K 64 11
                                        


Hello po!!!


Here's another update.


Pa vote naman po.


Thank you :***


---


Unti unti kong nilagay ang natitira pang lason sa tubig.


Habang pinapanood ko itong unti unting malusaw at humalo sa tubig.


Napapangiti ako.


Sa wakas...


Mawawala na ang isa sa mga pinakamalaking problema ko.


Hahaha...


Naging mabait ako at pinatuloy ko siya sa bahay ko.


Pinatuloy ko siya sa bahay dahil alam kong wala siyang ibang matutuluyan.


Wala siyang ibang mapupuntahan.


Pero imbes na magpasalamat?


NILOKO NIYA KO.


GINAGO NIYA KO.


Sa tingin ba niya hahayaan ko siya?


Sa tingin niya hahayaan ko siyang agawin niya sakin si Coco?


Si Coco na asawa ko at buong buhay kong minahal at pinagsilbihan?


Ayokong maniwala na meron ng nararamdaman ang asawa ko sa kanya.


Pero ngayon sigurado na ko.


Nakikita ko ang tinginan nila sa isa't isa...


BAKIT GANUN?


Pagkatapos niyang mangako sakin dati na ako lang ang mamahalin niya.


Pero ngayon nagbago na...


...


Pumasok si Coco sa kwarto namin. Ang asawa ko.


Nakangiti siya sakin habang papasok ng kwarto.


"PARA BA YAN KAY JULIA?"


Nakangiti niyang tanong sakin. Sabay turo ng hawak ko na tubig na nilagyan ko ng lason.


Tumango ako at iniabot yun sa kaniya.


"Salamat Asawa Ko. I love you!" sabi niya sakin ng nakangiti sabay halik sa noo ko.


"Mahal na mahal din kita Asawa Ko." ang sabi ko rin sa kaniya.


Nakangiti ako habang dala dala niya yung inumin na may lason.


PAPUNTA NA SIYA SA KWARTO NG ANAK NAMIN NA SANGGOL.


DALA DALA YUNG BOTE NG GATAS NA TINIMPLA KO NA MAY LASON.......

TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon