Alas tres na naman ng madaling araw.
Isang linggo na kami ng asawa ko dito sa bago naming bahay.
At hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, hindi kami nag iisa sa bahay na to.
Lalo na sa banyo namin dito sa kwarto.
...
Bigla akong nakaramdam na naiihi ako.
Dahan dahan ako humakbang papasok ng banyo.
Iniisip ko na pagbukas ko ng ilaw, may bubungad sakin na multo.
Pero wala, natawa na lang ako sa sarili ko.
Pinatay ko na ang ilaw at bumalik na ko ulit sa pagtulog katabi ang asawa ko.
...
Kinabukasan, habang kumakain ng almusal.
May sinabi sakin ang asawa ko.
"Alam mo mahal, nagiging makakalimutin na siguro ko."
KANINANG UMAGA PAGKAGISING KO, BUKAS YUNG ILAW SA BANYO.
NAKAKALIMUTAN KO LANG SIGURO PATAYIN LAGI SA GABI...
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
HorrorMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)
