"Happy anniversary babe." Bati ni Alden sa girlfriend niyang si Maine.
Naisipan ng dalawa na icelebrate ang anniversary nila sa isang probinsya.
Nag mountain hiking sila.
Matagal na rin nila yun na hindi nagagawa dahil pareho na silang busy sa mga trabaho nila.
Pagkatapos nilang mag mountain hiking, inabot na sila ng gabi sa daan.
...
Dahil sa gabi na at hindi na matandaan pa ni Alden ang daan pauwi.
Nag dire diretso na lang sila hanggang sa makarating sila sa harap ng isang tunnel.
Kahit na medyo takot dahil madilim sa loob, naisipan na rin ni Alden at Maine na dumaan sa loob ng tunnel dahil wala na rin naman sila ibang madadaanan pa.
Ng makapasok na sila sa tunnel, biglang may narinig sila na kalabog.
Ang lakas ng kalabog na hinahanap ni Maine at ni Alden kung saan nanggagaling pero di nila mahanap dahil sa dilim sa loob ng tunnel.
Wala naman silang kasunod na sasakyan.
Nag iisa lang silang sasakyan na pumasok sa tunnel.
Hanggang sa nasundan pa ng ilang beses yung kalabog na yun.
Madami.
Sunod sunod.
Takot na takot si Maine at Alden.
Binilisan na lang ni Alden yun patakbo niya sa sasakyan hanggang sa makalabas na sila sa tunnel at makarating sa high way.
Parehong kabado ang dalawa.
Naisipan na muna nila na huminto sa isang Gasoline Station para na din mawala yung kaba nilang dalawa.
Pagdating sa Gasoline Station, nagtaka sila kung bakit ang daming bakat ng kamay sa sasakyan.
Naisip nila yung mga kalabog sa tunnel.
Kinilabutan silang dalawa.
Pareho silang namumutla.
Habang nagpapagasolina, sinabihan na lang nila yung Gasoline Boy na linisin yung salamin ng sasakyan para mawala yung mga bakat ng kamay.
Pero mas natakot sila dun sa sinabi ng Gasoline Boy.
"SIR, MAAM. HINDI KO PO MATANGGAL YUNG BAKAT NG KAMAY SA SASAKYAN NIYO KASI SA LOOB PO GALING YUNG MGA BAKAT. HINDI PO DITO SA LABAS.".....
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
HororMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)