Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

ANG TISSUE

1.5K 32 3
                                        


Hello, kamusta na kayo?


Here's the new update. :)))


---

"Alam mo Krystal, lagi na lang tayong nandito sa mall na to. Sa ibang mall naman tayo mag punta. Halos kabisado ko na tong pasikot sikot sa mall na to!" sabi ni Carla.


Napatingin na lang ako sakaniya.


Kahit kelan talaga pag kasama mo to napaka reklamador, pero sinasamahan din naman ako.


Nasa H&M kami ng bigla niya kong kinalabit.


"Oy Krystal, saglit ha. Naiihi lang ako. Mag isa na lang ako pupunta, wag ka aalis dito ha. Sandali lang ako." ang sabi ni Carla.


Tumango nalang ako sakaniya.


Lumipas ang halos 15 minutes at hindi pa din bumabalik si Carla.


Nainip na ko kaya pumunta na lang ako malapit sa escalator, malapit sa CR. Para makikita ko si Carla pag nakalabas na siya ng CR.


Kumunot ang noo ko ng makita ko si Carla na nakatulala at parang takot na takot na namumutla.


Agad akong lumapit sa kaniya.


"Hoy Carla, ano nangyari sayo? Bakit parang takot na takot ka?" tanong ko sa kaniya.


Tumingin siya sakin at lalo akong nagtaka dahil hinila niya ko sa isang bench at dun naupo kami.


"Krystal m-may nakita ko sa CR. Ayoko ng bum-malik sa CR." pautal utal na sabi ni Carla habang umiiyak.


Hinimas ko ang likod niya tsaka siya pinatahan.


"Ano ba ang nakita mo sa CR?" tanong ko sa kaniya.


CARLA'S POV


Nasa CR na ako ng makaramdam ako na para kong natatae.


Hindi ko na napigil kaya pumasok ako sa isa sa mga cubicle at dun ginawa ang gusto kong gawin.


Mabuti na lang at walang tao kaya hindi ako mahihiya.


Pagkatapos kong tumae, naghahanap ako ng tissue.


At kapag sinuswerte ka nga naman, walang tissue sa CR.


Nagulat ako ng biglang may sumulpot na kamay sa ilalim ng pinto. 


Maputla yun kamay na may cutics na pula.


May hawak siyang tissue.


Agad kong kinuha at nagpasalamat sa kaniya.


"Miss salamat ha. Wala kasing tissue dito sa loob."


Pero wala akong nakuhang sagot sa kaniya.


Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay nakita ko pa na nasa harap siya ng pinto ng cubicle kung saan ako andun.


Naka paa siya at maputlang maputla din ang paa.


Hanggang sa pagbukas ko ng pinto, wala na dun yun babae.


Hinayaan ko na lang at nag punta ko sa harap ng salamin.


Habang nasa harap ako ng salamin, may nadidinig ako na umiiyak sa isang cubicle.


Iyak na naging malakas na paghinga.


Lalapit na sana ko sa cubicle dahil iniisip ko na baka yun yung babae na nag abot ng tissue sakin pero...


Maya maya ay may pumasok na Janitress at nagulat siya ng makita ako.


"Miss, bakit ka andito? Anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ng Janitress.


Hindi ko alam kung nababaliw yun Janitress dahil ano naman ang gagawin ko dito. Alangan naman mag tanim ako dito sa CR.


Hindi pa ko nakakasagot ng nagsalita ulit siya.


"Miss, bawal mag CR dito. Di mo ba nakita sa labas na may nakasulat na under renovation dito?" sabi sakin ng Janitress.


"Paanong bawal ate eh meron nga akong kasama dito, andun sa isang cubicle, inabutan pa nga niya ko ng tissue." ang sagot ko sa kaniya.


Parang nagulat ang mukha ng Janitress na parang nagtataka.


"Miss paanong magkakaroon ka ng kasama dito e simula nun pumasok ka dyan, wala akong nakitang pumasok o lumabas dyan sa CR." sagot ng Janitress sakin.


Nanginginig ako habang nakikinig sa kaniya.


Pero mas nanginig ako sa sumunod niyang sinabi.


AT TSAKA KAYA NIRERENOVATE TONG CR NA TO KASI MERON NAGPAKAMATAY NA BABAE DITO. NATAGPUAN NA LANG SIYA DYAN SA ISANG CUBICLE NA MAPUTLANG MAPUTLA AT PURO DUGO.


Hindi ko na siya hinintay matapos at patakbo kong umalis ng CR.


KRYSTAL'S POV


Pagkatapos ko madinig ang kwento ni Carla ay nanlaki ang mata ko.


Sabay takip sa bibig ko.


Habang hinihintay ko kasi si Carla kanina ay may babae na lumapit sakin.


MAPUTLA ANG KULAY, PULA ANG CUTICS AT...


INABUTAN DIN NIYA KO NG TISSUE...

TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon