Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

ANG KATULONG

2.9K 65 14
                                        


Nasa London si Daryl dahil sa business trip.

Bigla niya naisipan na tawagan si Mhae, ang kaniyang asawa na nasa bahay.

Nagulat siya na ibang boses ng babae ang sumagot sa kaniya.

"Hello? Sino to?" ang tanong ni Daryl.

"Ako po yung bagong katulong na nagtatrabaho sa bahay na to. Bakit po? Sino po sila?" ang sagot ng katulong kay Daryl.

"Wala naman kaming katulong sa bahay." nagtatakang sagot ni Daryl sa kausap na babae.

"Ngayon lang po ako na hire ng babae dito sa bahay, sayang po at hindi ako nagkaroon ng chance na makita ko kayo." ang sagot ng katulong kay Daryl.

"Pwede ko bang maka usap ang asawa ko?" nagtataka man at nagsisimula ng mainis ay yun na lang ang sinabi ni Daryl, para makumpirma na din kung totoo ang sinasabi ng babaeng kausap niya.

"Sorry po sir pero nagpapahinga na po si maam sa loob ng kwarto."

Huminto saglit ang katulong sa pagsasalita at...

"Akala ko po kasi sir yun kasamang lalaki sa loob ng kwarto e yung asawa ni maam." ang sagot ng katulong.

"Gusto mo ba magkaroon ng malaking pera?" ang tanong ni Daryl sa katulong at may plano na unti unting nabubuo sa isip niya dahil niloloko pala siya ni Mhae, ng asawa niya.

"Ano po ang gusto niyong gawin ko?" naguguluhan man ang katulong at nagdadalawang isip ay sumagot ito. Naisip niya din na kailangan niya ng malaking pera.

"Okay, ganito ang gawin mo. Pumunta ka sa kusina. Kumuha ka ng kutsilyo, pumanik ka sa kwarto at patayin mo silang dalawa. Naiintindihan mo?" ang sagot ng galit na galit na si Daryl.

"Sige po susubukan ko. Sandali lang" kinakabahan man, sinunod ng katulong ang gusto ni Daryl.

Lumipas ang halos 15 minutes at bumalik ang katulong.

Naghihintay pa rin sa kabilang linya si Daryl.

"Hello sir" ang sabi ng katulong.

"Nagawa mo na ba yung pinagagawa ko sayo?" ang sagot ni Daryl.

"Opo pinatay ko na silang dalawa. Ano po ang gusto niyong gawin ko sa mga katawan nila?" ang sagot ng katulong.

Napangiti si Daryl dahil nakaganti siya sa panloloko ng asawa niya.

"Madali ka palang kausap, itapon mo na lang yung katawan nila sa swimming pool sa likod." ang sagot ni Daryl. Inisip niya na siya na ang bahalang magtago sa mga katawan nito pagbalik niya kinabukasan.

"POOL? ANONG SWIMMING POOL SA LIKOD NG BAHAY SIR? WALANG SWIMMING POOL DITO."

-----

Pa vote naman po thank you :*

TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon