Mamatay?
Hindi naman ako takot na mamatay.
Yung mamatay ka, diba parte naman yun ng buhay mo?
Na darating at darating yung panahon.
NA MAMAMATAY KA RIN.
Pero alam mo kung saan ako takot?
Hindi ako takot na mamatay.
Pero takot ako kung paano ko mamamatay.
Katulad ngayon...
Nakaupo ako sa isang upuan.
Nakatali ang kamay at paa ko ng matutulis na alambre.
At sa tabi ko ay merong lamesa.
Lamesa na puno ng iba't ibang klase ng matitibay na kutsilyo.
Pako.
Martilyo.
Blade.
Scalpel.
Gunting.
Chainsaw.
At iba iba pang gamit na kayang durugin at putulin kahit ang buto ng tao.
Nakita kong papalapit na sakin yun baliw na kumuha sakin kanina.
Nakangiti siya.
Papalapit na siya sa lamesa.
TAKOT TALAGA KO KUNG PAANO KO MAMAMATAY.
![](https://img.wattpad.com/cover/53195117-288-k243681.jpg)
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
HorrorMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)