Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

100TH FLOOR

3.3K 97 18
                                        

Merong 4 na magkakaibigan na naisipan na magbakasyon sa ibang bansa.

Gusto nilang makapunta dun kasi maraming tourist spots at ang gusto talaga nilang puntahan dun e yung 100 floors na hotel.

Dun nila gusto na mag check in at mag stay habang nasa bakasyon sila.

At dun nila pinili yun kwarto nila sa mismong 100th floor.

Para ma enjoy nila ang view...

...

After na mag check in, naisipan nila na maglibot na muna sa labas.

Para makapag picture at bumili ng kahit anong pwede nilang maging souvenir sa bansa na pinuntahan nila.

Bago umalis, pinaalalahanan sila ng receptionist na bumalik sila sa hotel bago mag midnight dahil gagawin yun elevator simula midnight hanggang bukas ng umaga.

Dahil kapag hindi sila nakabalik, hindi na nila magagamit yung elevator at wala silang choice kundi gamitin ang hagdan.

Iniwan na nila yun susi sa receptionist at nagsimula ng silang umalis ng hotel at mag libot sa labas.

Dahil sa nalibang silang apat sa paglilibot.

Hindi nila napansin na halos 1 na pala ng madaling araw.

Nagmamadali silang bumalik ng hotel at katulad nga ng sinabi ng receptionist kanina, nag shut down na ang mga elevator at wala silang choice kundi ang gamitin ang hagdan papunta sa kwarto nila sa 100th floor.

Bago magsimulang umakyat, nagsuggest si Kevin na sa every floor na maaakyat nila, magkukuwento sila isa isa ng mga horror stories na naexperience at alam nila para hindi sila mainip pare pareho.

Pumayag naman sina Mariel, Devine at Xyron sa suggestion ni Kevin.

Nagsimula na silang magkwento isa isa at hindi nga sila nainip.

Hanggang sa hindi nila napansin na nasa 99th floor na pala sila.

"So turn ko na, ako na yung huling magkukwento.

Sa lahat ng napag kwentuhan natin, itong story na to ang pinaka nakakatakot sa lahat." sabi ni Kevin.

Kinakabahan na din yun tatlo.

Nagsalita si Mariel "Sige na kwento mo na. Para makarating na tayo sa kwarto natin. Pagod na pagod na rin tayo, para makatulog na tayo pare pareho."

At nagsimula ng mag kwento si Kevin...

"Sisimulan ko na yung kwento ko...

Eto yung pinaka nakakatakot sa lahat kasi...

NAIWAN KO YUNG SUSI NG KWARTO NATIN SA RECEPTIONIST SA 1ST FLOOR."

HAHAHAHAHAHAHAHA!!!

--- Pa vote naman po. Thank you :*

TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon