Mag isa lang ako dito sa bahay.
Bigla na lang akong nakaramdam ng uhaw kaya bumaba muna ko sa kusina saglit.
Bago ko bumaba, sinara ko na muna yung bintana sa kwarto ko.
Mainit kasi kaya binuksan ko muna.
Pero bago naman ako bumaba, sinara ko muna.
Mahirap na.
Bago ko bumaba sa kusina kinuha ko muna cellphone ko.
Pagbaba ko sa kusina, kumuha na agad ako ng tubig na malamig.
Sinamahan ko na din ng chichirya.
At dahil sa dala kong tubig at chichirya, naiwan ko yun cellphone ko sa baba.
Pagdating ko ng kwarto, narinig ko na may nareceive akong text sa cellphone ko.
At dahil tamad ako at tinatamad ako hinayaan ko na lang muna sa kusina.
Pero iniisip ko kung sino yun, kaso tamad ako.
Kaya mamaya na lang.
Nagising ako ng ala una ng madaling araw,
narinig ko na naman na tumunog yung cellphone ko.
Meron ulit nag text.
Papabangon na sana ko ng kama ng marinig ko na bumukas yung pintuan sa baba.
Imposible naman na si mommy at si daddy yun dahil next week pa sila uuwi.
Dahil sa takot ko.
Nilock ko na lang yung kwarto ko.
At naisip ko na tumawag ng pulis.
Magdidial na sana ko sa landline ko dito sa kwarto ng bigla na lang nag ring.
Sinagot ko yung phone at pinakinggan ko yun nagsalita sa kabilang linya.
Parang boses matanda yung boses...
"Bakit hindi mo sinasagot yung mga text ko sayo?"
Bigla kong nabitawan yung landline phone...
Parang nawala lahat ng dugo ko sa katawan...
Parang namutla ako bigla...
CELLPHONE NUMBER KO KASI YUN NAKAREGISTER NA TUMAWAG SAKIN SA LANDLINE...
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
HorrorMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)
