"Tara roadtrip!!!" ang sabi ni Jerome.
Nagkayayaan mag roadtrip ang tatlong magkakaibigan dahil kakatapos lang ng finals exam nila para sa kursong Engineering.
Naghahanap kasi ng relaxation ng isip at katawan ang tatlong magbabarkada sa kadahilanang sobra silang nahirapan sa Major Exams nila sa kursong Engineering.
Wala silang problema sa sasakyan dahil mayaman si Aaron at meron itong sariling sasakyan.
"Punta na lang tayo sa resthouse namin, dun na lang tayo dumaan sa shortcut para mas mabilis tayo na makadating sa resthouse. Gusto ko na rin magpahinga." sabi ni Aaron sa dalawang kasama na kasalukuyang nag aayos ng mga chichirya at iba pang pagkain na babaunin sa roadtrip papunta sa resthouse nila Aaron.
"Dalhin mo kami kahit san bro, ang importante makapag enjoy tayong tatlo at makalimutan naman natin kahit papaano yung exam na yun!" ang sabi ni Nathan.
"Sige na tara na!" sagot ni Aaron.
Sinigurado muna nila na nakaready na lahat ng mga gamit at pagkain na ginrocery nila bago sila umalis katulad ng flashlight, battery, charger at kung ano ano pa na pwede nilang magamit in case of emergency.
Masayang nagkukwentuhan sila Aaron, Jerome at Nathan habang binabagtas ang daan papunta sa Resthouse nila Aaron.
Dumaan sila sa isang daan kung saan shortcut papunta sa resthouse nila Aaron.
Alas dose na rin ng gabi at halos wala silang kasabay na sasakyan sa daan na dinaanan nila.
"Malapit na tayo sa resthouse namin." masayang sabi ni Aaron.
"Bro, di mo naman sinabi samin na liblib na pala yung daan papunta sa resthouse niyo." komento ni Jerome ng mapansin niya na puro puno na ang nadadaanan nila sa magkabilang kalsada na rough road.
"Dahan dahan lang ang pagpapatakbo Aaron at masyado ng madilim dito." sabi naman ni Nathan.
"Mabilis na ba to? Ang bagal bagal kaya natin!" natatawang sabi ni Aaron at mas lalo pa binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.
"Aaron! May tumatawid!" sigaw ni Jerome.
Dahil sa pagkabigla ay naapakan ng madiin ni Aaron ang preno at nagpaikot ikot ang sasakyan. Nakahinga sila ng maluwag ng huminto ang sasakyan sa pag ikot.
"Shit! Akala ko katapusan na natin. Sabi ko naman kasi sayo Aaron magdahan dahan ka e! Di ka nakikinig." ang sabi ni Nathan habang nakahawak sila ni Jerome sa kanya kanya nilang dibdib sa sobrang kaba.
"E kung hindi sumigaw tong si Nathan e di hindi sana tayo nadisgrasya." sabi naman ni Aaron.
"May tumawid na babae, may dala siyang timba." nanginginig na sabi ni Nathan. "Nabangga natin siya." sabay tingin sa mata ni Aaron.
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
HorrorMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)