Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

ANG SULAT

3K 66 8
                                        

Hello! I'm back. :)

Sorry sa mga hindi ko na nareplayan dati kasi busy sa trabaho e.

Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng free time na mag update dito.

Kapag may gusto kayo sabihin sakin, feel free to post a message on my wall. :)

Pa vote and pa follow na rin po.

Thank you! :*

---

Nung mga panahon na meron pang giyera, walang pera nun ang mga tao.

Walang mabilan ng pagkain at wala halos makain.

At nung mga panahon na yun merong isang kwento...

...

Habang naglalakad si Melissa sa park, meron lumapit sa kaniya na isang lalaki.

Meron itong hawak na tungkod at nakasalamin. Bulag ito.

Nakisuyo sa kaniya ang lalaki na kung pwede na dalin niya ang sulat para sa kaibigan nito.

At dahil pauwi na rin naman siya galing sa park, pumayag siya.

Nung paalis na siya papunta sa bahay ng kaibigan ng bulag na pagdadalan niya ng sulat, lumingon siya saglit sa bulag na lalaki at itatanong niya sana kung meron pa itong kailangan o may gusto pa na ipadala o ipasabi sa kaniya bukod sa sulat.

Pagkalingon ni Melissa, hindi na niya nakita ulit ang bulag na lalaki.

Nagtaka siya at nakaramdam siya na parang may mali.

Sa takot ni Melissa, imbes na sa bahay ng kaibigan ng bulag siya pumunta ay sa pulis siya nag punta.

Sinabi niya ang naging usapan nila ng bulag na lalaki na meron itong ipinapadalang sulat sa kaibigan niya, ang address ng kaibigan nito ay nakasulat sa envelope.

Pinuntahan agad ng mga pulis ang address na nakalagay sa sulat na pinabigay ng bulag na lalaki.

Pagdating nila sa address na nasa sulat na bigay ng lalaki, nagulat sila sa natuklasan nila.

Nakita nila ang tatlong lalaki habang hinihiwa ang mga parte ng katawan ng tao.

Binebenta nila ito sa mga tao na walang pambili ng pagkain.

At yung nakasulat sa loob ng envelope na pinadala ng bulag na lalaki kay Melissa?

"ETO NA MUNA YUNG HULING KATAWAN NA IPAPADALA KO NGAYONG ARAW."

---

Pa vote and pa follow naman po. Thank you :*

TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon