DIREKSYON

3.1K 81 4
                                    

Habang naglalakad ako pauwi meron akong nakasalubong na babae.

Nakangiti siya sakin.

Gulo gulo yung buhok niya.

Ang dumi ng damit niya na parang puno ng grasa.

Ang dumi ng kuko niya sa kamay at paa.

Meron siyang hawak na manika na sira sira sa isa niyang kamay.

Tapos nakita ko na meron siyang kutsilyo sa isa niyang kamay.

Nakakakilabot yung ngiti niya.

Nung malapit na ko sakaniya. Bigla siyang nagtanong sakin.

"Pwede mo ba kong tulungan kung paano ko makakarating sa bahay ng kaibigan ko?"

Kahit na kinakabahan sumagot ako.

"Saan ba yun address ng kaibigan mo? " sagot ko naman sa kanya.

"Sa 123 caridad village, apartment # 206" ang sagot niya sakin.

Bigla akong parang hindi nakahinga.

Parang bigla akong namutla.

Unti unting namuo ang pawis ko sa mukha.

"Sorry miss di ko alam kung saan lugar yan e. Sige alis na ko."

Bigla akong naglakad ng mabilis.

Yung tinutukoy niya na apartment ng kaibigan niya ay ang apartment na tinitirhan ko.

Nung nakalayo na ko sakanya, lumingon ako.

Nakita ko na andun pa rin siya nakatayo, nakangiti sakin.

...

Nag iba ko ng daan papunta sa apartment ko.

Nagbabakasakali kasi ako na baka masundan niya ko kaya sa ibang daan ako dumaan pauwi.

Pagdating ko sa bahay, pinihit ko muna yun doorknob at ni-check ko kung naka lock ba.

Nakahinga ko ng maluwag ng naka lock pa ang pintuan.

Dali dali akong pumasok ng bahay at ni-lock ko agad yung pintuan.

Nung bubuksan ko na yung ilaw sa loob ng bahay bigla akong may narinig na nagsalita sa likod ko.

"Pwede mo ba kong tulungan kung paano ko makakarating sa bahay ng kaibigan ko?" ......

---

Pa vote naman po. Thank you! 

TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon