Sorry kung ngayon na lang ulit ako nakapag update. Naging busy kasi sa work. Nakakatuwa na pag tingin ko kung ilang reads na e halos nasa 11k na pala. :)
ENJOY READING!!!
Isang college student si John Israel sa isang sikat na Unibersidad sa Manila.
Malayo man ang bahay nila sa kaniyang eskwelahan, meron naman siyang motor kaya walang problema.
Ngayon na ang huling araw ng exam nila John Israel, at pagkatapos ng exam, nagkayayaan silang magkakabarkada na uminom dahil sa wakas ay natapos na nila ang exam at wala naman pasok kinabukasan.
PUMAYAG NAMAN SI JOHN ISRAEL.
Habang nasa inuman, hindi uminom masyado si John Israel sa takot na baka maaksidente siya sa pag uwi dahil magmamaneho pa siya.
Dahan dahan lang ang pag inom niya at sinulit na lang sa kwentuhan ang oras na kasama ang mga barkada niya.
Hindi niya napansin na alas dose na pala dahil napasarap ang kwentuhan at inuman nila na magbabarkada.
Nagpaalam na siyang uuwi na.
Bago umalis, alam niya na makakapag maneho siya ng maayos dahil alam niyang hindi naman madami ang nainom niya.
Nasa daan na siya pauwi sa kanilang bahay, mabilis ang takbo ng kanyang motor. Maliwanag ang daan dahil na rin sa dala ng liwang ng bilog na buwan. Ito ang unang beses na ginabi ng pag uwi si John Israel kaya naman doble ingat ang pagmamaneho na ginagawa niya kahit na mabilis ang takbo ng kanyang motor. Wala man lang siyang nakakasabay na sasakyan o kahit na taong nakikita sa daan.
Malapit na siya sa daan kung saan may napapabalita na may babaeng nagpapakita.
Hindi naman siya nakakaramdam ng takot sapagkat naka motor naman siya at hindi naman siya basta naniniwala sa mga kwento at sabi sabi tungkol sa mga multo.
Subalit sa di kalayuan, may natanaw si John Israel na babaeng naka itim na kumakaway sa kaniya na parang gusto nitong makisakay.
Hindi pa niya nakikita ang buong itsura nito sapagkat malayo pa siya.
Habang papalapit ay biglang nagtaasan ang mga balahibo niya, parang biglang nawala ang kaunting tama ng alak na ininom niya at parang sasabog ang ulo niya sa takot.
Nakita niya ang babaeng nakaitim sa malapitan na walang mga mata, walang kaliwang kamay at duguan ang mga mukha. Mas nakakakakilabot pa ay nakangiti ito sa kaniya habang sinasabing "PASAKAY"!
Napahinto siya saglit pero ng bumalik sa katinuan ay naisip niya na bumalik sa mga kaibigan. Ang bilis ng takbo ng motor niya. Para lang makalayo sa babaeng nakaitim.
Nakahinga siya ng maluwag ng makalayo sa lugar na yun.
Pero ganun na lang ang takot niya ng maramdaman niya sa likuran ang isang kamay paakap sakaniya. Pagtingin niya sa side mirror, nakita niya ang babaeng nakaitim na nakangiti pa rin sakaniya.
Bigla siyang nawalan ng kontrol sa manibela.
Kinaumagahan, may isang bangkay ng lalaki na natagpuan na nakahandusay sa daan. Nagtamo ng madaming sugat sa katawan ang lalaki lalo na sa mukha.
Bumangga ang sinasakyan nitong motor sa isang malaking puno.
NATAGPUAN NILA ANG I.D NG LALAKING BANGKAY AT ANG PANGALAN NITO AY JOHN ISRAEL.
![](https://img.wattpad.com/cover/53195117-288-k243681.jpg)
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
TerrorMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)