Nagriring ang cellphone ko.
Si Simon pala yun tumatawag.
Nag aaya pala sa apartment niya. Gusto daw niya uminom.
Ang aga aga naman tumawag ng bugok na yun.
Halos alas dose pa lang ng tanghali.
Pagkatapos ko maligo, nagpunta na agad ako sa apartment ni Simon.
Pagdating ko sa apartment niya, naka handa na agad yun mga alak at pulutan namin.
Halatang problemado ang loko. Nag away siguro sila ni Ystal.
Halos inabot na pala kami ng 3 oras na kwentuhan at inuman ni Simon.
Nagpaalam muna ko sa kaniya saglit na mag ccr lang ako.
Ang hirap dito sa apartment na tinutuluyan niya, walang sariling cr.
Nasa labas kasi yung cr dito.
Bale 4 na apartment tapos isang cr lang sa labas.
Paglabas ko galing cr may nakasalubong akong lalaki.
Gooood afternoooooon!" ang bati sakin ng lalaki.
Good afternoon din!" ang bati ko naman sa kaniya.
Naweweirduhan man ako, binati ko na lang siya pabalik at bumalik na ko sa apartment ni Simon.
Pagbalik ko, mag ccr lang din daw saglit si Simon.
Pagbalik niya, kinuwento niya din sakin na meron daw siya nakasalubong pag labas ng CR na lalaki at binati siya ng good afternoon at binati niya din pabalik.
Naka itim na hoodie ito at weird ang itsura.
Hindi na lang namin pinansin at nagtuloy na kami sa pag inom ni Simon.
Siguro halos alas 8 na ng gabi ng magising ako dahil kay Simon, nakatulog pala ko dahil na rin siguro sa dami ng nainom namin.
Nagsisisigaw si Simon at sinabi sakin na panoorin ko yung balita sa TV.
Ayon sa balita, meron daw dalawang babae na namatay sa saksak at pinatay ng isang lalaki.
Biglang nawala ang lasing ko at bigla akong nakaramdam ng matinding kilabot.
Ayon sa testigo na nakakita sa pangyayari, ang itsura daw ng lalaking suspek ay naka itim na hoodie.
At ang dahilan kung bakit niya pinatay ang dalawang babae sa saksak?
HINDI DAW NILA ITO BINATI NG GOOD AFTERNOON PABALIK...
--
Pa vote naman po. Thank you!
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
HorrorMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)
