ANG MANIKA

1.9K 51 8
                                    


Sobrang saya at excited ko kasi sa lahat ng birthday ko na nagreregalo sakin si mommy at daddy, ngayong 8th birthday ko ang pinaka gusto ko na regalo nila sakin.


Niregaluhan nila ko ng manika.


Nakakatuwa dahil halos kasing laki ko ang manika na regalo nila sakin.


Pag labas ko pa lang na manika sa kahon at pinaglaruan ko na agad siya.


Ang ganda ganda kasi niya.


Nakakatuwa kasi sumasayaw yung manika.


Dahil sa sobrang saya ko ay sinasabayan ko din siya na sumayaw.


Kumindat pa ito sakin.


Hindi sinasadya na mabunggo ko yung manika at bumagsak.


Pagpulot ko dito ay nakabaligtad ito.


Bukas ang likod ng manika.


Nagsisigaw ako at nagmadali na bumaba ng kwarto.


Nasalubong ko si mommy at daddy na kakatapos lang mag grocery.


Tinanong ako ni daddy kung bakit hinihingal ako at bakit parang takot na takot ako.


Bago pa ko makasagot ay may inabot sakin si mommy.


"ANAK, KAKABILI KO LANG PALA NITO SA GROCERY. BINILI KO NG BATTERY YUNG MANIKA NA REGALO NAMIN SAYO. ETO OH, LAGAY MO NA SA MANIKA MO PARA MAPAGLARUAN MO NA."


---


Pa vote naman po. Thanks! :)


TAGALOG HORROR STORIES (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon