Here's another update.
Pa-vote and comment naman po.
At sa di pa po nag follow sakin, pa follow naman ako.
Thanks! :*
---
Pauwi na ko sa trabaho ng biglang tumawag sakin si Mama.
Sinugod daw sa ospital si Papa dahil biglang tumaas ang blood pressure.
Dun nila dinala si Papa sa lumang hospital malapit samin.
Okay pa rin naman ang ospital na yun pero halata mong luma na.
Sira sira na ang pintura.
Kinakalawang na din ang mga hagdan at elevator.
Pero dahil eto ang pinakamalapit na ospital samin ay dito na dinala si Papa.
Pagdating ko sa ospital ay agad akong nagpunta sa kwarto ni Papa.
Sa awa ng Diyos ay okay naman na daw ang sitwasyon niya.
May mga kailangan lang na inumin na gamot at bukas na bukas ay makakauwi na din siya.
Ako na ang nag presinta na bumili ng gamot ni Papa.
Paglabas ko ng kwarto ni Papa, ay naagaw ng pansin ko ang dulo ng hallway.
Patay sindi ang ilaw at meron akong babaeng nakita.
Nakasuot ito ng lab gown. Ang damit na suot ng mga pasyente.
Nakayuko ito kaya hindi ko makita ang mukha ng babae.
Matagal akong nakatayo at tinitignan lang siya pero kahit na medyo kinikilabutan ako, tumuloy ako sa paglalakad papunta sa hallway.
Wala kasing ibang dadaanan bukod dun.
At kailangan ko na din mabili ang mga gamot ni Papa.
Malapit na ko sakaniya at nakayuko pa rin siya.
Bago ko lumagpas sa kaniya ay nadinig ko siyang nagsalita.
"Nakita mo ba si Lorraine?" tanong niya sakin habang nakayuko pa din.
Nakaramdam ako ng kaunting kilabot pero hindi ko pinahalata dahil sa lamig ng boses niya.
"Nako miss, hindi ko kilala si Lorraine. Mas mabuti pa punta ka na lang dun sa baba, madaming nurse dun pwede ka mag tanong sa kanila." ang sagot ko sakaniya.
"Nasaan si Lorraine? Kailangan ko siyang makita!" sagot ng babae sakin na halata sa boses na galit na.
Sasagot pa lang dapat ako ng magsalita ulit siya.
"Ituro mo sakin kung asaan si Lorraine!"
Dahil nainis ako sakaniya ay di ko na lang siya pinansin at umalis na.
Bumili na ko ng gamot ni Papa.
Pabalik na ko sa kwarto ng may makita kong nurse sa hallway kung saan nakita ko ang babae kanina.
"Nurse, may kilala ka bang Lorraine? May nagtatanong kasi na babae sakin kanina, baka di niya mahanap yun room nung Lorraine."
Ngumiti ang nurse sakin.
"Lorraine ba kamo? Kilala ko siya. Pero matagal ng patay yun."
Kinilabutan ako sa sinabi niya.
Iniisip ko kung bakit hinahanap pa din niya yun Lorraine kung patay na.
"Yung babae ba na sinasabi mo ay yun nakasuot ng lab gown na mahaba ang buhok?" tanong ng nurse sakin.
"Ah oo. Siya nga yun. Kawawa naman. Tsaka patay na yun hinahanap niya?" tanong ko sa nurse.
"Oo miss. Dito sa kinatatayuan natin ngayon, dito pinatay si Lorraine. At kilala mo ba kung sino ang pumatay kay Lorraine? Yung babae na nakita mo dito sa hallway, siya ang pumatay kay Lorraine. Binaril niya sa tyan ng paulit ulit." pabulong na sagot sakin ng nurse.
Kinikilabutan at natatakot na ako.
Ang ibig sabihin multo na ang nakausap ko.
Pero mas lalo akong kinilabutan sa susunod na sinabi ng nurse habang nakayuko at tumatawa habang hawak ang tyan niya.
"SA SUSUNOD WAG MO NG KAKAUSAPIN YON! BALIW ANG BABAENG YON! TIGNAN MO ANG GINAWA NIYA SAKIN. BINARIL NIYA KO SA TYAN DITO SA HALLWAY NA TO NG PAULIT ULIT!"
SABAY TURO SA TYAN NA MADAMING DUGO...
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
HororMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)