Hi. Another update here! :)
Pa vote and comment naman po.
THANK YOU! :*
---
Paakyat na ko sa condo ko galing trabaho.
Pagpunta ko sa elevator sira pala.
Wala akong choice kundi gamitin ang hagdan.
Buti na lang nasa 4th floor lang yung kwarto ko.
Habang paakyat ako ng hagdan may nakasalubong akong lalaki na nagmamadaling bumaba ng hagdan.
At dahil nagmamadali nga, nabunggo niya yun braso ko.
Hindi man lang nag sorry. Pshhhh.
...
Pagdating ko sa kwarto, may napansin ako sa damit ko sa gawing balikat.
Parang may dugo.
Tapos fresh pa yung dugo.
Naalala ko yung lalaki na bumungo saken kanina sa hagdan. Kinabahan ako at ni lock ko ng mabuti yung pintuan ng condo ko.
Nagpunta na agad ako sa banyo at nagpalit ng damit.
Pagkatapos natulog na ko.
Mga bandang alas tres ng madaling araw, may nadinig ako na paulit ulit na nagdodoorbell sa labas ng condo unit ko.
Hindi ko na dapat papansinin pero paulit ulit yung tunog at di ako makakatulog ng ganito.
Kahit na naiinis ako, sumilip muna ko sa butas ng pintuan.
Sino naman kaya tong abnormal na magdodoorbell ng ganitong oras? Psh,.
Pagsilip ko, nakita ko na police officer pala yun nasa labas.
"Ano po kailangan niyo?" sabi ko sa pulis sa labas.
Parang nagulat pa siya at biglang umayos siya ng tayo.
"Mabuti naman at andyan ka sa loob. Gusto ko lang sana tanungin yung mga nakatira dito sa condo na to kasi merong pinatay sa condo niyo kanina." ang sabi ng pulis sakin.
Siguro yung nakasalubong ko kanina sa hagdan na naka bangga sakin yun pumatay.
Pero ayoko na magsalita. Ayoko ng masali pa sa gulo na yun.
"Sorry po pero wala po akong alam dyan eh." ang sagot ko.
"Sigurado meron kang alam. Meron ka ba napansin o nakita na kahina hinala sa maghapon o simula nun pumasok ka sa condo? Baka pwede mo naman ako papasukin saglit may mga itatanong lang sana ko." Ang sabi ng pulis.
"Sorry po pero masyado ng late, matutulog na po ulit ako." ang sagot ko sakaniya.
May mga naririnig pa ko na sinasabi niya pero hindi ko na lang siya pinansin.
Kahit na meron akong alam, ayoko ng magsalita pa.
Bumalik na ulit ako sa kwarto ko at natulog...
...
Kinabukasan pagkagising ko,
habang gumagayak ako para pumasok sa trabaho.
Binuksan ko muna yun tv at gusto ko mabalitaan kung ano na yun nangyari sa kaso na patayan kagabi dito sa condo.
"Ang suspek sa pag patay na nangyari sa isang sikat na condo ay nahuli na."
Nakahinga ko ng maluwag.
Mabuti naman at nahuli na yun suspek na yun.
At dahil sa okay naman na, papatayin ko na sana yun tv dahil papasok na ko sa office.
Pero bago ko mapatay yun TV, bigla kong nabitawan yun remote at napanganga ko sabay ng kilabot sa buo kong katawan.
Parang bigla akong namutla.
"Ito yung picture ng suspect na pumatay kagabi sa isang sikat na condo na nahuli ng mga pulis."
YUN SUSPECT NA NASA PICTURE AY YUNG POLICE OFFICER KAGABI NA KAUSAP KO...
BINABASA MO ANG
TAGALOG HORROR STORIES (SPG)
HororMATAPANG KA BA? GUSTO MO BA MATAKOT? GUSTO MO BA PUMASOK SA MUNDO NILA? HALIKA. BASAHIN MO TO. :)